Kabanata 2.2

693 30 6
                                    

Nasa kama pa ang matandang babae, nakaupo, nakatitig sa harapan niya— sa bandehadong kadadala lang ng kaniyang katulong. Isang baso ng tubig ang nakalagay dito kasama ang isang platito kung saan nakapatong ang mga gamot na dapat niyang inumin ngayong araw.

May narinig siyang mahinang pagkatok kaya napatingin siya sa pasukan ng kaniyang silid wala ni kurtinang tumatakip. Hindi na pinalagyan ng matanda dahil sabi niya kung hindi lang daw pinto ang ilalagay huwag nang takpan. Hayaan nang tuluyang maglaho ang kaniyan "right to privacy."

Isang masnakababatang babae ang pumasok. Katulong niya. Sekretarya kuno. "Madam, your luggage is fixed," sambit nito habang may inaabot na maliit at manipis na kahong lalagyan ng mga folder. Pula ito. Matingkad na pula.

Kumaway ang matanda papunta sa kaniyang kanan, at pinatong ng babae ang kahon sa may gilid ng higaan. "Your passport and other important papers are in that bag."

"What time is my flight tomorrow?" Mabagal magsalita ang matanda. Nagpapalalim ng boses. Tila inaantok pa o sadiyang tinatamad.

"I believe your itinerary says 11:07 in the evening. We'll leave for the airport at eight thirty."

"Have you informed Rolando?"

"Yes. I keep him updated through Facebook."

Inabot ng matanda ang kahon. Tsinek ang tag na nakakabit sa may hawakan. Maliit ang tag. Laminated. Garamond font ang gamit sa print:

DOLORES ROBERTO
1017 GINTO ST.,
SAN ANDRES BUKID,
MLA, PH 1710

"He pushed through with San Andres? What's wrong with him?" Lumakas ang kaniyang boses ngunit mabagal pa rin ang pananalita. Pasalpok niyang binalik ang kahon. "I said I want to stay alone in a condo."

"I've told him that, but he wouldn't acquiesce, madam," at pabulong na sinabi, "That's pretty obvious," bago muling nilakasan ang boses, "and he also said it would be better if the three of you stayed together along with a helper in a huge apartment."

"He's grown up quite to be a man, eh? Exercising his pretentious authority over me."

Hindi pinansin ng katulong ang kumento ng matanda. "By the way, the house you're going to stay at is almost a mansion. It has three floors: three bathrooms (one for each floor), four bedrooms, a kitchen, a living room, a receiving area..."

"Do you think a detailed description of the goddamn apartment would change the fact that Rolando refused to grant my simple wish?"

Napabuntong-hininga na lang ang katulong.

"And you didn't even know that I've once lived there: it's one of my Rolando's properties."

Alam ng katulong na kapag "my Rolando" ang gamit ng matanda ay ibig itukoy nito ay ang kaniyang asawa— isang gawing hindi niya maintindihan sapagkat alam niyang may galit ang matanda sa asawa.

"What time would it be in Philippines now?" tanong ng matanda.

Tumingin ang katulong sa kaniyang relos. "A little past midnight, madam."

"Call Rolando. Tell him to make sure that everything is in order before I arrive. If I witness a roach flying in my room, I'll leave within seconds."

"Yes, madam."

Pinanood ng matanda ang paglabas ng masnakababatang babae. Nagpalipas siya ng ilang minuto bago ininom ang mga gamot niya— tinira ang dalawa. Nilagay niya ang mga ito sa bulsa ng kaniyan bata-de-banyo at pumunta sa kasilyas ng kaniyang kwarto.

Ang kubeta niya ay may pintuan ngunit walang kahit na anong klase ng seradura. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto bago tumayo sa harapan ng salamin, tinitingnan ang kaniyang namumiting buhok noon ay makintab na ash blond, ang kaniyang mga asul na mata na ayaw nang kumislap gaya ng dati.

Pinahiran niya ang kaniyang mukha ng foundation. Sa sobrang kapal niya maglagay para siyang may icing sa mukha. Araw-araw niyang ginagawa ito, at tulad ng gawi, hinuli niya ang lipstik, hinliliit nakalawit habang pinapahiran ang mga labi. Matagal kasi maglagay nito. Dapat ubod ng ingat at naninig na ang kaniyang mga kamay. Mahirap alisin ito kapag nagkamali. Pula pa naman. Kakulay ng kaniyang mga kuko. Kakulay ng kahon kung saan nakalagay ang mga importante niyang papeles para sa muling pagbisita sa Pilipinas.

Nang matapos ang kaniyang make-up routine hinugot niya ang mga gamot mula sa bulsa at hinagis sa loob ng inodoro. Matapos pindutin ang flush pinanood niya ang mga tabletang sumabay sa mabilis na pag-ikot ng ipoipo ng tubig— at hinintay maglaho sa kaniyang paningin; bago ngumisi.

The Missing FrameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin