Kabanata 18.0

288 10 3
                                    

Brikley Mulberry

NATASHA

"Why are you sad, doll?"

Napabaling ulit ako ng tingin sa loob ng kwarto ni Dolores. Sinilip ko ang phone ko. Eight minutes na pala ang nakalipas. Masyado akong napatitig sa labas ng bintana kung saan tanaw ko si Roy sa may harapan ng bahay, nagwawalis ng mga kalat ng mga nagpaputok kagabi. Yung mga iniwang basura ng mga kapitabahay.

"Thermometer?" Lumakad ako papunta sa ­­kama ni Dolores. "Akin na ho. Ako titingin."

Pero pasaway, nang masilip ang temperature niya, inalog agad ng matanda para hindi ko na malaman. "Wala ako ni sinat," giit nito.

Inabot ko yung nuo niya. "Oho. Kasi may lagnat kayo. Kulit. Pano natin masasabi sa doktor para malaman sakit niyo?"

"It's just a bad case of the flu. Takin' a while to recover because I'm friggin' sixty-two. That's all. Kayo ni Rolando ang makulit."

Isisingit ko na ulit sa kili-kili niya yung thermometer, pero pinalo niya yung kamay ko. Napasinghap na lang ako habang binabalik yun sa lalagyan. "Magaling na yung asawa ni Aling Linda kaya stay-in na siya simula sa linggo, magpagaling na rin kayo, please." Magdadalawang linggo nang hindi makakilos nang maayos si Dolores. Ayaw niya pang i-entertain kahit yung home-service na doctor. Nag-aalala na nga si Roy. Siyempre, pati ako.

"So why are you sad?" tanong niyang muli.

"Ano po bang ibigsabihin niyo?"

"Shows in your paintings. In your colors... your strokes... your eyes!" Ang drama niya magsalita. Para siyang nagboboses ng cartoon character. "Tsimisan mo ako, apo."

Napangiti ako. Naalala ko kagabi, habang naghuhugas ng pinang-mediya noche si Roy sa baba, nung marami nang nagka-karaoke at nagpapaputok sa labas, dun lang ako sa tabi ni Dolores at kinekwentuhan niya lang ako ng mga naranasan niya sa ibang bansa. Mga experiences at taong pinakanaaalala niya.

Nagulat ako nang maikwento niya rin ang asawa niya, tatay ni Roy. (Kung may record lang yung phone ko, ni-record ko na yung mga pinagsasasabi niya. Marami siyang tawag sa tatay ni Roy e. Gago, tarantado, pati yung bad word na English. Yung MF. Nyemas, kahit sa isip ko hindi ko masabi. Basta yun, tawag niya rin yun.) Nakakatawa pa kasi habang nakwento siya, tumataas ang boses niya. Parang ako na yung sinisigawan niya e. Hinayaan ko na lang.

Inintindi ko na lang. Pangatlong asawa na kasi pala siya nito, pero hindi pa rin naging maganda ang pagsasamahan nila matapos ikasal. Ang huling away nila ay yung time na ayaw magkaanak nung tatay ni Roy sa kaniya. Sobrang nasaktan daw siya, at mula nun, nilayuan na niya ang asawa. "Buti pa yung mga puta niya! Putang ina niya!" ang ilang ulit niyang sinabi. Masama ang loob niya dahil hindi na nga magawa yung maliit na request niya, hindi pa siya maasikaso ng asawa. Isip-isip niya'y parang pareparnalya lang siya nito.

Dapat makikipag-divorce na siya, pero sabi ni Roy, since humihina na ang pangangatawan niya, at wala na rin siyang mapupuntahang kamaganak, hiwalayan na lang niya ng tirahan at tanggapin ang suportang binibigay ng asawa.

Sa mga huling pagkekwento ni Dolores, tinawag niya akong apo. Kala ko nung una, inaasar niya lang ako. Pero hindi. Serious niya nang banggitin ito. At nakatitig siya sakin, mga mata'y mapupungay at nagmamakaawa. May pumitik sa puso ko nang sabihin niya yun. Tila tinanggap na niya ako, sa loob-loob ko, bilang pamilya.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now