Kabanata 18.1

243 9 2
                                    

ROLANDO

Sumilip ako sa library. Mag-isa lang si Natasha doon, nagpipinta. Tumaba siya mula no'ng mapunta sa pag-aaruga ko, but it suits her well. Kay payat niya kasi noong una ko siyang nakita. Too bony. Now she had well-shaped cheeks and shoulders.

Humaba na rin ang mahaba na talaga niyang buhok. It had come way down past her waist. Hirap na nga siyang i-bun minsan. I should ask her if we should visit the salon.

Matagal akong nakatitig bago naramdaman ni Natasha ang presensya ko. Napalingon siya't nginitian ko siya. She smiled back at me, but was swift to continue with whatever she was doing, so I left.

Magaalas-siyete na pero hindi pa nagpaparamdam si Dolores. Moody talaga 'yong babaeng 'yon. Pumanik ako at kumatok sa pintuan niya kahit alam kong hindi naman siya sumasagot sa pagkatok. Tinulak ko ang pintuan na walang lock, the one she had always deemed unfair. And perhaps it was.

Pumasok ako at nadatnan siyang nakahiga. Nakatingala. Tila malalim ang ininisip. Dahan-dahan ko siyang nilapitan para itanong kung kamusta siya ngayong araw, kung p'wede bang papuntahin ulit naming yung doktor para mapatingin na siya. As usual, nadedma lang ako.

Umupo ako sa kama, sa tabi niya. Hindi pa siya nakakapag-ayos kaya nanibago ako sa itsura niya. Dead rose pink ang kaniyang mga labi. Masmukha siyang bata sa totoo lang. Masyado kasing nadi-define ang mga kulubot ng mukha niya pagnaglalagay siya ng pulbos. A little later I noticed the way she was staring blankly into space. Or rather wistfully. Doon na kumalabog ang dibdib ko. It was a flashback. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Napakalamig ng mga 'to. So cold I couldn't help but cry.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now