Kabanata 22.2

755 13 12
                                    

Habang nagmamaneho sinisilip-silip ng binata ang dalaga sa rear view mirror. Umupo ito sa likuran at binalot ang sarili ng jacket— nagtitig sa labas— tila masusing pinanonood ang bawat hibla ng tubig na rumaragasa pababa sa bintana.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ng binata.

Tumango ang dalagita habang nakasakay sa passenger seat. "Naikwento ko na lahat ng kailangan mong malaman. Siguradong-sigurado na ko."

"Mababait naman sila. Sa Iloilo. In-explain ko naman na ang situation mo."

"Nakakahiya, 'no?"

"Hindi. Walang problema sa kanila 'yon. Naiintindihan ko naman."

Katahimikan.

"Anong nabitbit mo?" tanong ng lalaki.

"Wala masiyado. Pero nakuha ko naman 'yong camera na bigay ni Dolores. Tapos konting damit," ani ng dalaga. Nilalaro-laro ang palawit ng kaniyang kwintas gamit ang kaniyang mga daliri. Sanay naman siyang walang gaanong kagamitan. "Tumakas na ako no'ng narinig ko 'yong gate. Baka mabilis lang siya sa labas e. O kaya baka dumating na si Aling Linda. Pasenys na 'ka mo... hindi ko na binitbit 'yong perang naipon ko. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga pagmamay-ari 'yon."

"Wala ring problema sa kanila 'yan sa Ilo-ilo. Silang bahala sa yo. Kumpleto sila do'n. Wala ka dapat ikabahala."

Tumingin ang dalaga sa likod ng sasakyan.

"'Pag hinanap ka niya sa 'kin, sasabihin ko kung nasan ka. Hindi ako magsisinungaling."

"Oo. Alam ko. Pasensya ka na."

"Naiintindihan ko. Dilikado nga naman ang lagay niyo. Kung ganiyang—" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin.

"Hahabulin niya kaya ako?"

"Hindi siguro. I honestly think he'd respect your decision. Ganun naman si Tito. Si Tita Sarah, never niyang hinabol. Pero tingnan mo, handa pa ring tumulong."

Huminga nang malalim ang dalaga. "Salamat, Jake." Sa bawat segudong lumilipas ay dinadala siya papalayo mula sa mga saloobin niyang hindi mapigilan. Tama itong ginagawa niyang pagtakas; nararapat—pilit niyang kinukumbinse ang sarili.

"Walang anuman, Tash."

WAKAS...

.

.

.

.

.

.

.

.

...NGA BA?

The Missing FrameWhere stories live. Discover now