Kabanata 6.2

424 19 4
                                    

NATASHA


Mas naaliw akong mag-shopping ngayon. Mas kinapalan ko ang mukha ko't nagtututuro ng kung anu-anong mga klaseng papel, lapis, pintura, at iba pang mga kagamitan sa pagguhit. Sa sobrang excited ko, di na ko masyadong nag-alala sa pag-uwi. Sabi ko sa sarili ko, didiretso na lang ako sa taas para di ko makasalubong si Dolores.

Kaso nung nakauwi na kami tinawag ako ni Roy sa hapagkainan para maghapunan muna. Nagulat ako nang pagpasok namin sa dining room nandon na si Dolores. Nandun din si Aling Linda, naghahain.

"Magandang gabi ho," sabi ko kahit alam kong di naman sasagot si Dolores. Mapakita lang kay Roy na marunong naman akong makisama. Makipagplastikan.

Nasa kabisera si Dolores. Umupo ako sa may gilid, dun sa tingin ko ay pinakamalayo mula sa kaniya. Umupo si Roy sa kabilang kabisera. Naglagay si Aling Linda ng plato't mangkok sa harapan ko. Sunod ang isang platitong kanin, at kutsara't tinidor. Nasa mangkok ang ulam. Nilaga. Ang gara nung saging, kasama balat nung niluto. Nung mahainan na lahat mabilis akong nagsimula kumain para matapos na ko't makaakyat.

"Dolores, won't you introduce yourself to Natasha?" sabi ni Roy. "She will be your granddaughter someday. Didn't you say you wanted a granddaughter?"

Nagulat ako nung marinig kong magsalita si Dolores. "Yes. I remember well. But why would I want a granddaughter like her?" sabi niya. Kalmado siya magsalita. Mabagal. Parang kinakaladkalad ang mga salita. "Look at her. Filthy."

Halos mabitawan ko yung kutsara. Filthy? Anong ibigsabihin niya? Marumi ba ko tingnan? Kadiri-diri ba?

"Dolores," nagtaas na ng boses si Roy.

"I didn't even ask to see her, because I didn't want to," pagpapatuloy ni Dolores. Marahang humigop ng sabaw mula sa kutsara, matapos ay tinuro ako gamit nito. "You."

Tumindig balahibo ko sa pagpuna niya sakin. Binaling ko ang aking tingin papunta sa plato ko.

"Look at me."

Hindi ko siya tiningnan. Si Roy ang tiningnan ko. Nakapikit siya habang hinihimas ang noo niya.

"Hmm... Hindi yata nakakaintindi ng Ingles. Di nakakapagtaka: anak ng pusang gala e. Allow me to speak in Filipino, then. Tumingin ka sa akin, Natasha."

Dahan-dahan akong tumingin kay Dolores. Kung pwede lang manaksak gamit ang pagtitig baka nagawa ko na. Alam kong malamang sa malamang iniwan ako ng nanay at tatay ko, pero ibang klase naman siya manalita. Hindi naman niya sila kilala. Paano siya nakakasigurado? Sobra naman siya sa panghuhusga. At dinamay niya pa ang kakayahan ko sa buhay?

Ang mga labi niyang napakapula ay napangisi. Nangilabot ako. Bakit ba ako nai-intimidate? "I wonder if Natasha really is your name. It could be anything, you know."

"Dolores, please," mariin na pagsabi ni Roy.

"I can't understand you, hon. You wanted me to notice the little daughter of a bitch, and then you'd start whining now that I've paid some attention—"

Nahampas ko yung lamesa ng dalawa kong kamay. Di ko kakayaning marinig kung ano man ang sasabihn pa ni Dolores. Tumayo ako't umalis. Hindi naman ako pinigilan ni Roy.

Nanininig ang mga binti ko habang umaakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pagkamuhi ni Dolores sakin. Kung bakit suyang-suya siya sakin. Dahil ba isa akong batang ulila? Hindi ko alam kung saan ako galing? Kung sino ang mga magulang ko? Ba't pa kasi pinipilit ni Roy? Oo, dito nga ibibigay niya lahat— lahat ng pangangailangan kong materyales. Pero anong kapalit? Panlalait ni Dolores? Ang pandidiri niya? Hindi ko yun kaya.

Nang makarating ako sa kwarto ko sinakmal ako ng matingkad na pula. Kalaban ko 'to sa bawat suliranin ko sa buhay. Nandiyan yang pulang yan. Kasingtingkad ng mga labi ni Dolores. Nahirapan na kong huminga. Ayaw ko ng ganito. Kailangan kong makalayas. Kung alam ko lang kung san ako pwedeng pumunta.

Maya-maya bumigay na ang mga tuhod ko at ako'y napaluhod. Napahiga. Ginawa na lang ang tanging bagay na kaya kong gawin sa ngayon. Umiyak.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now