Kabanata 21.1

265 9 0
                                    

Nakalakip sa kaniyang mga palad ang maliit na kahon. Kulay asul ito—malalim na asul, asul na nakikita sa kaibuturan ng dagat.

"Uy," sambit ni Rolando; "buksan mo na."

Marahang sumunod si Natasha, tila isang babasaging bagay ang hawak at tinatangkang buksan. Hindi nagtagal, isang kumikinang bagay ang bumungad sa kaniya. Napasinghap si Natasha nang hilahin niya ang laman. Isa itong kwintas na kulay pilak; ang palawit ay isang kwadro—simpleng kwadro. Marahang kinuha ni Rolando ang kwintas mula kay Natasha. Sa pagkabigla ni Natasha, hindi siya nakapalag.

Mabilis na pumunta si Rolando sa likuran ni Natasha at hinawi ang kaniyang buhok. "Take care of yourself," bulong nito. Dama ni Natasha ang init sa mga parte ng kaniyang leeg kung saan bumubunggo ang mga daliri ni Rolando habang isinusuot ang kwintas sa kaniya. "Don't settle... for any port in the storm."

Naririnig ni Natasha si Rolando, ngunit hindi niya maiproseso lahat ng sinasabi nito. Hawak-hawak niya lang ang palawit sa pagitan ng kaniyang hintuturo at hinlalaki, at tinititigan.

Nang hindi pa rin siya umiimik, tinanong siya ni Rolando. "You don't like it?" Tila may pagkadismaya ang tinig niya.

"Siyempre gusto ko," mahinang sagot ni Natasha. Hindi ba minsan niya nang pinangarap ang makatanggap ng ganoon? Humarap siya sa binata. "Ang ganda ho. Sobra."

"Ho na naman?" Ngumisi ang lalaki. "Is thirty-nine so old?

"Ro—" Namula ang mga pisngi ni Natasha nang hindi maituloy ang sasabihin. Ibinaling na lang niyang muli ang mga mata papunta sa palitaw ng kwintas. "Mr—Mr. Roberto..." Muli niyang inangat ang kaniyang tingin, at nakita niya ang malalim na pagtitig sa kaniya ng lalaki.

Natulala na lang siya.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now