Kabanata 12.2

352 16 7
                                    

Biglang naalala ng dalawa na ikaunang Sabado nga pala ng buwan. Nangako si Roy kay Divine na dadalhin niya si Natasha sa simbahan ng alas singko.

"Nase-setress ka kasi masiyado," ani Roy. "Kailangan mo ng mga kasing edad na kaibigan. Isang grupo ng kabataan kung saan puwede kang makihalubilo. Mag-enjoy."

Gusto sanang sabihin ni Natasha na baka lalo lang siyang ma-stress sa mga tao. Hindi siya palakaibigan. Pero nahihiya siyang sabihin iyon sa lalaki, kaya pagkatapos mag-meryenda (cream puffs at churros), agad siyang naggayak.

Sa harapan ulit ng kotse si Natasha sumakay. Pareho sila ni Roy ng kasuotan— puting plain T-shirt at maong na pantalon. Tahimik lang silang dalawa habang sila ay naglalakbay. Ngunit nang tumatawid sila sa riles ng tren, biglang may nag-overtake na motorsiklo at bumunggo sa kotse ni Roy. Biglang tumindig ang mga balahibo ni Natasha sa buong katawan at napasigaw ang dalagita nang malakas. Natigil naman siya agad, ngunit napatitig.

Mabilis na umandar papaalis ang motorsiklo habang nagtaas pa ng middle finger ang nakaangkas. Napailing na lang si Roy at inatupag ang dalagita na hindi pa rin tumitigil sa kasisigaw.

"Natasha, what's wrong?"

Nangangapos ng hininga ang dalagita.

Nang makalagpas sa may riles at makatawid ng highway, pumarada muna si Roy sa may bangketa. "Hey," sabi niya habang binabaklas ang seatbelt niya. "We're okay. It was just a scratch." Tinanggal niya rin ang seatbelt ng dalagita para maabot niya ang ulo nito at nilapit sa kaniyang dibdib.

Tumigil sa sigaw si Natasha.

"What?"

"Pula..."

"Anong pula?"

"Pula..." Minsan noon gusto niyang makaalala; pero ngayong sa wakas nagkaroon siya ng memorya mula sa nakaraan ay hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa. Dahil nalulungkot siya sa naaalala niya. Natatakot din.

"Hey, I'm here," bulong ni Roy.

Tumahan si Natasha. Ganito pala, aniya sa kaniyang sarili, ang pakiramdam ng may nagmamahal sa iyo. Lahat ng matingkad na pulang nananakmal ng masasayang kulay tulad ng dilaw ay umaamo, humihinahon, nagkakaroon ng pagkakatugunan.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon