Kabanata 15.0

301 11 4
                                    

Mistaken Medallion

NATASHA

Mag-a-alas dose na nang magising ako. Hindi nga ako makapaniwala kasi hintay ako nang hintay sa araw na 'to. Pero hindi naman din ako gaano nagtataka kasi sa sobrang excited ko ga kagabi, hindi ako makatulog.

Dahan-dahan ang lahat ng kilos ko. Baka mapuna ni Roy ang excitement ko. Hindi dapat masiyadong obvious. Baka akalain niya lumalandi ako kahit pinagbawal na niya.

Pero wala si Roy sa kusina tulad ng ine-expect ko. Si Aling Linda lang ang bumungad sa 'kin. May pinuntahan daw ang binata.

"Pero alam mo, Ma'm Natasa—" ani ng matanda habang nagpupunas ng lababo.

"Natasha lang ho. Kayo ho talaga. Ikaw nga ho dapat tinatawag kong ma'm e." Nagpatuloy ako sa pagkain ng cereal.

"O siya: pero alam mo, Natasa, masseryoso si ser today. Siguro makikipagkita na naman kay Ma'm Sara yun."

Napaisip ako sa sinabi ni Aling Linda habang nagbibihis para lumabas. Ba't naman magpapakita si Roy kay Sara? Date? Nagkabalikan na ba sila?

Pero hindi ko na yun inintindi: nagmadali na akong pumunta sa sari-sari sa kanto. Tuwang-tuwa akong may SIM silang tinitinda. Buti na lang talaga hindi ko ginagastos yung allowance na binibigay ni Roy sa 'kin. Nung una tinatanggihan ko pa nga yun e, kasi hindi ko naman kailangan kung tutuusin. Pero pinipilit ako ni Roy dahil hindi ko raw alam kung kailan ko kakailanganin ng pera, kaya iniipon ko na lang lang. Nakaka-apat na libo na ako.

Inabot ko yung isang daan ko't inabutan naman ako ng bente at isang pakete ng SIM na nakalagay ay Now 49 pesos only! Ang laki naman ng patong nila.

Tumakbo ako pauwi at nagkulong sa kwarto. Feeling ko iligal yung gagawin ko kahit hindi naman. Tumalon ako sa kama ko't umupo. First time kong gagamit ng cellphone para mag-text. Ang bagal ko pang mag-encode kasi hindi ko kabisado yung keys.

AKO: Hi jake! Si natasha to

Ang bilis niyang naka-relpy.

JAKE: Blessed evening, Natasha. Zzup?

AKO: Ok naman. kaw?

JAKE: Doing great by His grace.

Hindi ko alam pano sasagutin kaya hindi muna ako nag-text.

Ilang minuto...

JAKE: Wanna hang out?

Napahiga ako sa kama't yumakap ng unan.

AKO: Yeah sureness :)

Sureness? Jusme. Ang korni ko.

JAKE: Great! When are you available?

Nag-isip muna ako. Dapat English.

AKO: Today?

JAKE: Available in two hours?

Tumingin ako sa oras. Ala-una palang. So mga three.

AKO: Sure

Wala na ba akong alam aside from sure?

JAKE: Cool! ^^ What's your ad? :)

Tinext ko sa kaniya ang isa sa addresses namin. Yung walang gate para hindi maingay pag tumakas ako. Wala naman sigurong masama kung magbigay ako ng personal na impormasyon.

JAKE: Thanks. Sunduin na lang kita. ^^

Sa sobrang kilig ko tinabunan ko yung ulo ko ng unan para makasigaw ako. Ano kayang mangyayari?


The Missing FrameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt