Kabanata 17.0

289 9 4
                                    

Tender Tuscan

NATASHA

Balak ni Roy nung una sa condo na lang kami para hanggang New Year maghapong nakakulob at naka-aircon. Iwas paputok. Sabi ni Dolores, iwan na namin siya sa mansyon. Okay lang daw siyang mag-isa. Pero siyempre, hindi yun maaari. We were a family, and a family sticks together. Ohana, ika nga ni Stitch.

Sa kalaunan, nag-Noche Buena kami sa loob ng kwarto ni Dolores. Ikinaasar niya yun. Tinawag niya pang 'trampling' her 'right to privacy.' E hindi nga siya masiyadong makatayo at iniisip lang namin siya. Tiniis na lang namin ni Roy yung mga pagreklamo niya at tumigil naman din siya bandang mga alas-ocho y media dahil nakatulog na siya. Dun lang ako sa tabi niya nun, nanunuod ng Youtube hyper-realistic speed sketches gamit ang Prismacolor colored pencils. Hanggang sa bago mag-alas dose, tinawag ako ni Roy sa baba para magbukas ng regalo.

Nung isang linggo pa nag-setup ng Christmas tree si Roy. Kasingtangkad ko. Simpleng puti lang yun, tapos mga matte silver and gold ang ribbons at Christmas balls. Sa tuktok naman, umiilaw na star. Wala nang ibang Christmas decoration sa bahay except sa mga maliliit na Christmas lights na inayos ni Roy sa mga frames—yung steady lang ang ilaw a, hindi nago-on and off. Maganda mag-disenyo si Rolando. Malinis. Sosy. Simple. Magaan sa mata. Dapat nga nag-interior designing na lang siya e. Naisip niya ba yun?

Umupo ako sa sopa at initsa sakin ni Roy ang mga regalo ko. Tatlo lang naman, pero hindi pa ako naging ganito ka-excited magbukas. Sa bahay ampunan kasi, galing lang sa mga sponsors yung mga regalo. Sobrang generic ba: toothbrush, kumot, panyo, et cetera. Ang nami-miss ko lang naman don yung loom band bracelets na ginagawa ni Tanya para sakin e.

Kamusta kaya Pasko ni Tanya this year?

"O, simula na," sabi ni Roy, nakatingin sa orasan.

Yung isang regalo ko galing kay Jake. Nobela. Nabanggit ko kasi sa kaniyang minsan mahilig akong manuod ng movies at magbasa ng pocketbooks. The Angelic Conflict ni Porcupine Strongwill. Never heard pero babasahin ko yun. Manipis lang naman. Tsaka, hello? si Jake nagbigay e. Pano pag natanong niya, e di wala akong masasabi?

Yung isa naman galing kay Divine. Donut bun, hair pins, tsaka tali. Natuwa ako. Minsan kasi akong nagpaturo sa kaniya kung pano mag-updo at ang dami palang eklavu ng pag-aayos ng buhok. Sabi niya bibilhan niya ko ng mga gamit. Tinupad niya ang pangako niya.

Yung last na regalo, siyempre, galing kay Roy. Isang maliit na kahon lang. Pinakamaganda ang balot. Plain red lang yung wrapper, tapos yung ribbon, iba-iba ng kapal pero gold lahat.

Bibiruin ko palang si Roy na mag-gift wrapper na lang siya sa SM nang pag-angat ko ng tingin sabay umigting ang mga panga niya. Nakatitig siya sa hawak niyang libro. Naunahan niya pala akong buksan yung regalo ko naman sa kaniya.

Bigla siyang ngumisi. Hindi ko yun ine-expect. "In the Secret of His Presence," pabulong niyang basa. Napansin ko rin yung regalo ko ang una niyang binuksan at yung iba ay nasa ilalim pa rin ng Christmas tree.

"Nagpatulong ako kay Jake," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko kailangang magrason. Wala naman akong ginawang masama. Hindi naman ako inaakusa ng kung anong krimen. Bakas pa nga sa mukha ni Roy ang kasiyahan. "May cheatcode ako." Pero ang totoo, wala siyang kinalaman. Hindi ako nagtanong sa kaniya. Basta, naalala ko lang nabanggit ni Roy yung librong yun habang nag-aaral ako sa library at may hinahanap siyang aklat. Seryoso siya nun. Naiirita. Hindi pa rin daw binabalik nung nanghiram ilang dekada na.

"Maraming salamat," sabi niya. Lumaki yung ngiti niya nung tumingin siya sakin. Gumaan yung loob ko. Nung isang buwan ko pa yun in-order. Kina Divine naka-address kasi para hindi matyempo kay Roy sakaling dumating. Buti naman napasaya ko siya kahit papano – kahit kung tutuusin, pera naman din niya yung ginamit kong pambili dun.

Ningitian ko rin siya.

Pinakagwapo pala siya pag nakangiti.

"O yung sayo naman," sabi niya.

"Oo nga pala." Sinimulan kong hanapin yung Scotch Tape kasi parang ayaw kong wasakin yung wrapper. Pero walang hiya, mukhang naka-double sided sa loob. Masisira't masisira din talaga. Kaya pinunit ko na.

Libro din. Yung paboritong libro ni Roy. Yung pinakaimportanteng aklat para sa kaniya. Purple yung kulay ng balot. Halos itim. Hinaplos ko ito at napagtantong leather yun. Ginto yung titulo nito sa harap at tagiliran. Pati yung edges ng pages ginto. Binuklat ko. Hinawakan ang mga pahina, ang kinis ng mga ito. Inamoy. Ang bango. Bagong-bago.

Sa pinakaharap na page may dedication:

Christmas Day

For my dearest Natasha

Blessed Christmas

Love, Roy

Kumirot yung tiyan ko.

"Uy. Napano ka na?"

Umiling ako. "Ang ganda." Sinara ko yung libro at gamit ang dalawang kamay binitbit sa dibdib ko para yakapin. "Salamat nang marami, Roy. Babasahin ko to."


The Missing FrameWhere stories live. Discover now