Kabanata 13

369 16 4
                                    

Cheery Parchment

NATASHA

Dalawang beses na ko umiyak nang bongga ngayong araw tapos nakuskos ko pa mata ko kaya namula tuloy. Sabi ni Roy daan muna kami sa isang pastry shop para kumain ng cheesecake. Nagawa naman ng cheesecake na pagaanin ang loob ko. Pero pag naiisip ko, si Roy din naman talaga ang dahilan kung bakit ako kumalma. Hinayaan niya akong ikwento kung ano ang naalala ko. Umokey pakiramdam ko dahil nandiyan siya para sakin, tagakinig sa mga hinanakit ko kahit walang kwenta ang mga dinadaing ko kumpara sa ibang paghihirap sa mundo.

Pero medyo nalungkot pa din ako kasi sa tingin ko di sapat ang naalala ko para makilala ko kung sino ako. Yun lang kasi. Kasama ko yung nanay ko sa kotse tapos bumunggo kami sa tren. Tanggap ko naman ang kawalan ko ng history, o sabihin na nating family tree. Pero siguro may parte pa din sakin na umaasang balang araw makikilala ko kung sino talaga ako, saan ako galing, sino ang tunay kong mga magulang.

Nakatatlong slice ako ng cheesecake. Sabi ni Roy hindi na masiyadong halata ang pag-iyak ko kaya pumunta na kami sa simbahan kahit late na ako ng higit-kumulang isang oras. Iniwan niya lang ako sa harap ng apartment. Susunduin na lang daw niya ako mamaya. Maghahanp na lang daw muna siya ng aayos nung gasgas sa bunggo kanina. Ang arte talaga niya: ni hindi nga halata e.

Mga ilang minuto akong nakatayo sa labas nang iwan ni Roy. Matagal bago ako naglakas ng loob na pumasok. Kala ko pa nung una nagkamali ako ng pinasok. Dimmed kasi ang lights. Ta's ang lamig nung aircon. Gabi na kasi saka hindi ganun karami ang tao.

May mga Monobloc sa gitna ng silid, naka-arrange nang pabilog. Dun nakaupo ang mga kabataan. Pero ako, umupo lang ako sa isang silyang naligaw sa may pinto.

Kumakanta sila. Maraming nakataas ang mga kamay. Gitara lang ang instrumento. Paulit-ulit nilang sinasambit ang mga linyang:

Be my Shepherd
Carry me forever through the storms
Save me, bless me
Hear my pleading prayers
My heart exults in gratitude
For You give mercy
All I need is You

Siguro mga kinseng beses nilang inulit yun bago natapos ang pagkanta nila. Habang pumapalakpak sila at sumisigaw ng "halleujah" at "amen" bumukas ang mga puting ilaw. Nanahamik ang lahat nang may isang lalaking nagsimulang magsalita. Siya yung tisinitong naka-interact ko nung Linggo. Naka-lean forward siya nang konti, mga tuhod malayo sa isa't isa. Yung isang siko niya nakapatong sa binti niya habang hawak-hawak ang isang maliit na libro. Isang salita lang ang naiisip kong gamitin para I-describe ang pag-upo niya: gwapo.

"At dahil may new faces akong nasusulyap ngayon," sabi niya, "pakilala tayo sa isa't isa. Clockwise. Divine..."

Nakaupo pala sa kaliwa niya si Divine. Naka summer dress siya na bright orange at naka-braid ulit. Kung alam ko lang sana pala pumorma din ako. Kaso siyempre nawindang ako kanina kaya shirt lang suot ko na pinares sa sweatpants na tatlong beses ko nang nagamit. Napapisil tuloy ako ng mga binti. Baka sumingaw yung panghi nung bandang singit. Yung tipong isang metro ka palang maamoy mo na. Nakakahiya ka talaga, Natasha.

"Hallo!" Ang tining ng boses niya. Dahil hindi ko masiyadong matanaw ang maganda niyang mukha, feeling ko ang sarap niyang sakalin. "My name's Divine! Anak ako ni Pastor Tindig, senior pastor ng Kezed Fellowship!"

Isa-isa silang nagpakilala. Tatlo kaming baguhan. Kala ko hindi ako tatawagin kasi wala ako sa circle pero bigla ko na lang napansing nakatitig at nakangiti sakin si Jake.

Ngumiti din ako.

Natawa siya. "Pangalan?"

Punyeta. Tinatanong niya pala pangalan ko. Ang tagal ko pang tumitig sa kaniya. Teka, punyeta ulit. Napapamura lang ako pag may crush ako.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon