Kabanata 14.1

367 15 4
                                    

ROLANDO

Pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis mula sa 'king noo. I just finished doing my cardio routine. Nang makapagbihis nilabas ko ang speakers at mahinang nag-play ng sermon series. Nakahanap kasi ako ng mga tape ni Mom sa attic kahapon habang nag-aayos doon. (She had kept so many, and I did not throw a single one away even after she'd died.) One topic really caught my attention: Right Man/Right Woman.

Nagsimulang magsalita ang isang lalaking may typical American 40s radio announcer accent. Pangalan niya ay Colonel Thieme. Sa luma noong recording may background static na.

For the Word of God is alive and powerful, sharper than any two-edged sword...

Alas singko pa lang ng umaga. Mga anim na oras pa bago ako magbihis ng pang-alis kaya nag-ayos-ayos na lang muna ako. Nagwalis ng kisame kahit wala namang agiw, naglampaso ng sahig kahit kalalampaso ko lang kagabi. Inayos ko 'yong isang hilera ng white shirts ko sa kabinet, the rows that were starting to lean à la Tower of Pisa. Nilabas ko rin 'yong mga polo kong hindi ko nagagamit since I'd stopped attending church services, removed them from the hangers, ironed them, bago i-hanger muli at ibinalik sa cabinet. Plinantsa ko ang comforters at kumot ng kama ko para walang ni isang gusot na makikita.

Never settle for any port in the storm!

Kalahati ng series ang natapos ko bago mag-eleven. Niligpit ko ang speakers at tapes para makasimulang mag-ayos ng sarili. Nag-shave at nag-trim muna ako ng buhok bago naglinis ng CR ng kwarto ko, tsaka naligo

I couldn't decide at first kung magpo-polo shirt ba ako or magse-sweat shirt na manipis. Nauwi rin ako sa white shirt. Naalala ko kasi na hindi nga pala 'to date. Pagkikita lamang 'to. She just wanted to talk, as a friend, as a sister in the Messiah. And that was what I wanted, too. After spraying a bit of perfume on myself, umalis na ako.

Doon pa rin siya nakatira, sa isang studio type sa may Singgalong kung saan siya nanalagi mula pa noong college years niya — noong pinalayas siya ng tatay niya dahil nag-creative writing siya imbis na journalism. Doon ako pumupunta noon tuwing gabi after class niya, para ihatid siya, o magdala ng mga paborito niya — kare-kareng walang bagoong (na nilalagay ko sa Ziploc), o kaya mint chocolates (wala siyang partikyular na paboritong tatak), o kaya mga puting mga rosas (may kaunting baby's breath), at iba pa; at noong nakatayo na ako sa harap ng pintuan niyang ni minsan ay hindi napinturahang muli, umagos sa isipan ko ang mga memorya mula noong kami pa. I took a deep breath. Kinalma ko muna ang sarili ko bago kumatok.

The door opened and there before my eyes was Sara. Still fair as ever. Kahit kapapanganak niya palang. Kahit marami na siyang luhang iniyak. Parang walang nagbago. Nakataas ang buhok niya. Naka-bun. That was her favorite hairdo. Ta's naka-sleeveless siyang black at yoga pants. Mahilig siya sa kumportable, pero chic.

Pinapasok niya ako't pinaupo sa isa sa mga silya ng two-seater dining set niya. Walang masiyadong nagbago sa munting tahanan niya. Magulo pa rin. May iba't ibang klase ng papel at pansulat ang nakakalat kung saan-saan. 'Yong isang pader puno ng Post-Its, posters, at mga kalendaryo mula sa mga nagdaang mga taon. Siguro ang nag-iba lang ay ngayon mayroon nang crib sa gitna. At 'yong mga nakakalat na gamit ng sanggol.

Inalok niya ako ng kape. Parating pa lang daw kasi 'yong inorder niyang pizza. The usual. Nagbitbit ako ng pang-abot para sa pagkain. Masmarami na siyang gastusin ngayong may anak na siya. Pero mamaya alam kong magtatalo kami kung sinong magbabayad. Alam kong igigiit niyang treat niya 'yon.

"Kumusta ka?" simula ko habang nagtitimpla siya ng three-in-one coffee mix. Walang parehong baso o utensil sa bahay niya, kahit spoon and fork. Inalok niya sa 'kin ang red mug (Nescafé giveaway), ta's sa kaniya 'yong teddy bear mug na nabasag na ang isang tainga — tulad ng dati.

"Oh, I'm working on a manuscript. I already have a literary agent. From L.A. Imagine."

"Wow. Congrats. What's the story about?"

Napansin kong bahagiyang namula ang kaniyang ilong. "It's a tragedy... romance.

I noticed how swift she was in changing the subject. "Oh, same old same old."

"I see."

"Pero focus muna ako ngayon sa pagbalik sa kalooban," kumindat ako, "at medyo nag-backslide," humigop ng kape. Natawa rin nang kaunti. "I've been reading a lot of theological books recently. Also been listening to sermons."

Umismid siya. Dalawang kamay nakahawak sa mug, parehong siko nakapatong sa lamesa. This could've been us a decade ago discussing Kant and Ravi.

"I think I have a calling to teach."

"That's wonderful, Roy. Really." Lumaki ang mga mata niya. Such gorgeous eyes I fell for so badly ages ago.

"Nasaan nga pala si Zoe?"

"'Yon. Hiniram ng kapatid ko. Gigil na gigil na siya e. For today lang naman."

I didn't let the topic linger on. Diretso ko nang tinanong, "So anong sabi ng tatay?"

Yes, this could've been us a decade ago. I couldn't believe how a night of infidelity could shatter ten years of hope and trust.

Her smile disappeared. "Hindi na niya kami babalikan, Roy."

Nilapit ko ang silya ko sa kaniya para mahawakan ang kaniyang mga kamay. "Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa 'kin."

"Salamat. Salamat ng marami."

We exchanged silence— nonexistent words.

"Roy..." Nagsimulang mamula ang kaniyang mga tainga at ilong. "Roy, hindi ko alam kung paano sisimulan pero..."

"Pinatawad na kita."

Crystal tears fell from her eyes. Kinagat niya ang kaniyang lower lip at pumasok sa bibig niya ang ilang patak ng luha. "Roy— I still love you. Alam kong hindi mo ako iniwan kahit no'ng nalaman mong may dinadala na ako. Alam kong ako ang lumayo. Pero nagkamali ako: hindi ba pwedeng—"

"Sara..." Umiling ako habang hinihila siya papunta sa 'king bisig. Nagpayakap naman siya. She stayed in my arms for what felt like an eternity as my chest was getting wet with her tears. Pero ako hindi na 'ko makaiyak. Wala na 'kong maiiyak para sa kaniya. Iniyak ko na ang lahat noon pa.

Nagtaka tuloy ako kung tama bang pumunta ako, o nasaktan ko lang siya sa presensya ko. Kung binuksan ko lamang ang mga sugat namin na dapat naghilom na sa ngayon. I wondered if it was right to pursue the closure I'd desperately wanted.

Ganoon pa man, what happened had happened; past remained as the past. Hindi na 'yon maibabalik e. Mahal ko rin naman siya. Mahal ko pa rin siya. Mananatili pa rin ako sa kaniyang tabi para tulungan siya – para maging kaibigan niya – isang kanlungan. Hindi na 'yon mababago. Subalit kahit mahal ko siya, 'di ibigsabihin noon ay maibabalik naming ang dati — 'di ibigsabihin na ang pagmamahal ko ay gaya ng pagmamahal ko sa kaniya noon.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon