Kabanata 2.1

698 36 5
                                    

Habang nagmamaneho sinisilip-silip ni Rolando si Natasha sa rear view mirror. Hindi pa nagsasalita ang dalagita mula noong sumakay sila. Umupo lang ito sa likuran at binalot ang sarili ng jacket— nagtitig sa labas— tila masusing pinanonood ang bawat hibla ng tubig na rumaragasa pababa sa bintana.

Napansin ni Rolando na nanginginig nang kaunti ang dalagita. Hininaan niya ang air-con.

"That better?" ani Rolando.

Hindi sumagot si Natasha.

"So... how was your day?" sinubukang muli ni Rolando.

Nakita ni Rolando sa rear view mirror na tumingin ito paharap, ngunit wala pa ring sagot mula sa kaniya.

"I'm glad that you've decided to come with me." Huling subok.

"No choice po e," biglang sabi ni Natasha.

Tagumpay.

"No choice? There's always a choice. It's always your choice to do something or not to do something." Natawa nang kaunti si Rolando. Pero wala sa mood si Natasha para makipagbiruan.

"So... what did they tell you?"

"Ho?"

"Po lang. I'm not that old. Is thirty-nine so old?"

"Thirty-nine ka na?" pagulat na tanong ni Natasha. Kala niya kasi nasa bentsingko lang ang lalaki.

"O? You didn't know? They didn't tell you? What else did they not tell you about me?"

Hindi nagsalita si Natasha. Hindi na niya binaggit na: wala— wala siyang alam tungkol sa lalaki.

"So... did they tell you why I'm going to adopt you?"

Hindi agad-agad nagsalita si Natasha ngunit sumagot din siya. "Para daw po sa nanay niyo."

"Ah... I see." Natawa muli ang lalaki. "Hindi naman para sa mom ko. Stepmom. Her name's Dolores. I think you two will get along well."

Dumating sila sa isang sangandaan. Inabutan sila ng pula na ilaw. Apatnapung-lima segundoo pa. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Nanalangin si Rolando na hindi bumaha. Nasa Antipolo pa naman sila. Tapos 1976 na Lancer lang ang bitbit niya.

Nag-park break siya at lumingon para tingnan si Natasha habang nakahinto ang kotse. Muling nagmamasid ang bata sa labas.

"Okay ka lang?"

Umiling nang dahan-dahan si Natasha. May kasama pang mahinang pagbuntong-hininga.

"Nasususka ka ba or somethin'?"

"Sabi po nila... sa bahay ampunan... magpakabait daw po ako... at ibibigay niyo lahat... lahat ng gusto ko."

"Right. Yes, they're completely correct."

"Gusto ko lang po sabihin na hindi niyo ako maba-bribe."

Tumawa si Rolando. "Don't worry. I ain't bribing you." Berde na ang ilaw. Muling pinaandar ng lalaki ang kotse. "This is more like kidnapping."

Nang hindi kumibo si Natasha in-on na lang ni Rolando ang radyo. Naka-tune in sa Master's Touch— ang istasyon kung saan siya madalas na nakikinig.

"Sorry. That wasn't such a nice joke," pahabol ng lalaki.

Wala nang nagsalita. Ang maririnig na lang ay ang matulin na pagpatak ng ulan sa bubong ng kotse, ang ngumangalngal na makina, at isang orchestra version ng "Jesus Loves the Little Children."

The Missing FrameWhere stories live. Discover now