Kabanata 5.0

536 22 6
                                    

Taunting Currant    

NATASHA

Maaga akong sinundo ni Roy para bitbitin papuntang Maynila. Kumain muna kami sa McDo sa baba ng condo para mag-almusal tapos dumiretso na kami sa bagong tirahan.

Malapit lang pala. Nilakbay lang namin ang isang highway na may statwa ng agila sa dulo kung san nakalagay ang isang malaking MAKATI, ta's kumanan kami patungo sa mga pasikut-sikot na kalsada kung san nakahilera ang maliliit na apartment na magkakadikit-dikit. Nagulat ako nung huminto kami sa harap ng isang napakalawak na itim na gate. Isang bloke ang sakop nun. Kung isasama yung pader.

Bumaba si Roy para buksan ang gate at pinasok ang kotse. Parang mansyon yung pinasok namin. May hardin pa sa paligid. At lahat ng halaman nagbu-bloom. Napa-wow na naman ako sa sarili ko. Dito ako titira.

Nag-park si Roy sa isang espasyong mukhang tatlong kotse ang kasiya, tapos bumaba na kami. Habang naglalakad sa daanang gawa sa cobblestones (ba yun?) kinekwentuhan ako ni Roy. Tama ako. Napakalaki ng lupa na 'to kumpara sa mga katabing bahay. Apat na kalye ang sakop kaya apat na address din ang pwedeng gamitin. Astig.

Siyempre, yung bahay mismo ang laki din. Pagtungtong ko sa loob nagulat ako sa kisame. Ang taas. Mga dalawa ng haba ni Roy.

Theme ng bahay yung neutral colors na brown. Parang sa condo. Lasang tanso. O kalawang. Simple lang naman ang bahay pero ang susyal tingnan. Siguro dahil malinis. Walang mga kung anu-anong gamit na nakakalat tsaka wala talagang masiyadong furniture. Parang kung anong kailangan yun lang. Pwera na lang siguro sa mga kwadro na nakasabit na ngayon sa mga pader.

Ang aliwalas ng paligid. Mahangin at maliwanag. Marami at malalaki kasi ang mga bintana. Kung san-san naglalaro ang hangin at sinag ng araw.

Umakyat agad kami ni Roy sa pangatlong palapag para puntahan ang kwarto ko. Hindi siya kasing laki ng in-expect ko. Tama lang ang taas ng kisame. Pero siguro mga triple pa din ang laki kesa don sa kwarto sa bahay ampunan. Okay na okay na sakin yon. Ayaw ko naman din ng masiyadong malaki.

Iniwan na ako dun ni Roy, at nagsimula akong mag-ayos ng mga drawer at kabinet. Bumaba lang ako ng mga tatlong beses para kumain, tapos akyat ulit.

"Sasama ka ba sa airport?" tanong ni Roy, nakabungad sa may pintuan ng kwarto ko. Pagabi na pala. "Or are you gonna wait for us till we get home? Around one in the morning siguro." Bagong ligo siya. pero naka-white shirt at pantalon na naman. Yun lang ba damit niya? Naamoy ko yung pabango niyang matapang. Malamang Axe yun. Lasang tsokolateng dahon ng laurel ang flavor. Kasing lasa ng gamit nung kaklase ko nung high-school. Kakasuka. Huminga ako sa bibig ko.

"Hindi na po," sabi ko, medyo ngongo ang pagkasabi. Tumango siya.

Pag-alis ni Roy naghanap ako ng isusuot para sa unang pagkikita namin ni Dolores. Nung una mag-she-shirt at pantalon sana ako, pero nauwi ako sa tank top saka pajama. Parehong purple. Hindi ko naman sigurong kelangang pumorma. Basta matino tingnan. Understood naman na patulog na ko.

Naligo ako, atat magamit ang sariling kubeta ng kwarto ko sa unang pagkakataon. Kumpleto rikardo, e. May lababo, inodoro't shower quarter. Kulang na lang siguro bathtub. Napatagal ang ligo ko. Talagang pinabula ko ang shampoo sa ulo ko, tinangkang alisin lahat ng buhol ng pagkahaba-haba kong buhok, para lumambot tsaka bumango. Baka ipahalik pa ko kay Dolores at amoy pang may fungi pala ako, mabahuan pa siya sakin.

Pagkatapos maligo, umistambay ako sa baba. Umikot-ikot. Pinagbubukas ang mga pinto.

Una akong napadpad sa dining area. May eight-seater dining table na gawa sa glass. Pati yung upuan. May kutson lang kaya malambot sa pwet.

Sunod akong napapasok sa kusina. May exit door dun papunta sa kabilang kalye. May pangalawang kusina, sa tabi din ng nauna. Parang extension siguro. Di ko gets. Dito naman may pintuang papunta sa labas kung san sa tingin ko ay labahan.

Ang sala ay nasa tabi ng receiving room. Ang aliwalas tingnan kasi isang sofa set lang na brownish-gray ang nandito.

Sa tabi naman ng sala may kwartong puno ng libro. Library siguro ni Roy. May upuuan na halos higaan sa gitna, tapos floor-to-ceiling ang mga istante.

May iba pa kong mga kwartong napasukan pero walang laman maliban sa mga guhit na nakasabit sa mga pader. Ang gaganda talaga. Di ako nagsasawang tingnan.

Sa second floor di ko na matingnan ang mga kwarto kasi naka-lock. Nung madilim na at wala pa din sila Roy bumalik na ko sa pangatlong palapag.

Habang pumapanik napansin ko ang isa pang pintuan dung hindi ko napansin kanina. Binuksan ko. Hagdan. Sinilip ko ang tuktok kaso masiyadong madilim kaya walang mahagip ang mga mata ko. In-on ko yung switch sa may pinto pero walang ilaw na sumindi. Umakyat na lang ako sa kadiliman.

Halatang matanda na ang hagdan. Umuungol na ang kahoy nito sa bawat yapak ko. Paikot 'to kaya nawalan ako ng ilaw habang pataas nang pataas.

Nang nakarating sa tuktok kumapa-kapa ako sa paligid. Pader lang ang nasa harapan ko. Sa dakong kanan naman may nakapa akong doorknob, pero ayaw mabuksan. Kumapa-kapa ako sa dakong kaliwa. May naramdaman akong malamig. Kapa. Metal. Kapa. Gate. Kapa. Nasan ang lock? Kapa. Namamawis na ko't hinihingal nang makapa ang seradura. Tinangka kong buksan to. Angat, baba, angat, baba... ang tining ng ingay nito, parang malaking dagang tino-torture. Buti na lang mag-isa ako sa bahay at walang ibang naiistorbo. Nang sa wakas nabuksan ko 'to, tinulak ko 'to agad at pumasok... teka... lumabas pala.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako't niyakap ang sarili. Rooftop pala. Umapak ako, naramdaman ang lamig ng sahig. Gawa sa tiles na maaligasgas. Napakalawak ng rooftop. Isipin mo, ipagsama-sama ang lahat ng kwarto sa ground floor. Ganon kalaki. Pumunta ako sa may raillings at tinaas ang tingin. Walang buwan pero kitang-kita ang mga bituwin. Sana alam ko yung mga tawag sa constellations.

Walang gantong view sa bahay ampunan. May masmataas kasing kadikit na gusali ang ampunan kaya kahit nasa attic ako natatakpan yung view ko. Di ko alam na ganito kaganda ang kalangitan. Nakakapangilabot.

Humiga ako sa sahig, sa tiles, buhok ko nakabalot sa mga balikat ko. Tinitigan ko ang mga kumikislap na bituwin hanggang makalimutan ang kaba na ma-meet si Dolores - hanggang sa ako ay mapapikit.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now