Kabanata 10

393 15 6
                                    

Fiery Fuchsia

NATASHA

Tinanong ako ni Roy kung anong balak ko sa pag-aaral. Kung gusto ko pa bang magpatuloy sa kolehiyo. Sabi ko siyempre naman. Hindi na nga lang ako makakapasok ngayong taon dahil late na at hindi na ako nakapagpasa ng college applications. So next year na lang. Sumang-ayon si Roy. Tutulungan niya daw ako. Basta, sabi niya, pagbigyan ko muna si Dolores na magturo sakin ng Fine Arts.

"Teka... ano?"

"Dolores is a retired professor in Fine Arts. She used teach traditional painting and history in arts at different universities in America. Kahit dito sa Pinas."

"Ah."

"Klase mo is 8 a.m. to 5 p.m. Monday to Friday. Start mo na bukas."

"Wow. Office hours. Parang working student lang a." Nasa kotse kami ni Roy, pauwi mula sa Japanese restaurant.

"Pero pwedeng mag-iba-iba yun kung anong mood ni Dolores. Basta weekdays asahan mong may klase ka. But on weekends, I shall guarantee your liberty."

"Saan ito maganap?"

"Sa library. Nakabili na ko ng mga gamit mo. Textbooks, whatever else. Kumpleto na. Naayos ko na kanina ang setup."

Kinabukasan nakita ko ang setup na yun. Nawala na yung parang higaan sa library. Isang malaking blackboard na ang nasa gitna. May isang kahoy na upuaan at isang mahabang lamesa kung saan may mga canvases at kung anu-anong art materials. Sa gilid naman may iba't ibang klase ng easel. Minsan parang fairy ang naiisip ko kay Roy; sobra siyang mag-ayos, at hindi mo mapapnsin siguro sa bilis niyang kumilos.

Umupo ako sa upuan. Sinigurado kong maaga ako para walang masabi si Dolores. Mag-a-alas otso, pumasok si Dolores sa library. Naka bistidang tiim na may disenyong hindi ko maintindihan kung paano sinusuot. Naka-sumbrero siya at high-heels na parehong itim din. Ang ibang kulay lang ay yung hawak niyang bag at mga kuko at labi niya. Pula ang mga ito. Yung nakakatakot ng matingkad na pula. Para siyang sasabak sa runway hindi lang sa getup niya kundi pati sa paglalakad niya. Ganito din kaya itsura niya non pagnagtuturo? Hindi siya mukhang guro.

"I'll explain the rules first," simula ni Dolores. Nakatindig lang siya sa may blackboard. May nilabas siyang stick mula sa bag niya. Yun o. Mukha na siyang mangkukulam.

"Firstly," sabi niya, "no one of the masculine specie shall be mentioned in this class of mine, understood?" Tinuro niya ako gamit ang stick, hinliit nakalawit. Kung may spirit animal si Dolores, sure akong yung spirit animal din ni Imelda Marcos 'yon. Pareho silang napakaarte sa galaw at parang sinagasaan kung magsalita. "Rolando can be an exception, though."

"Um... paano naman nung unang panahon? E halos lalaki lang naman 'yong mga sikat na pintor a."

"Silence! Rule number two is you are not allowed to question anything Miss Dolores Taylor Hill says for she imparts only absolutes in this class!"

Miss Dolores Taylor Hill?

Suminghap siya. "I think you have no idea how lucky you are to glimpse even a thread of my knowledge." Binaba niya ang kaniyang braso sa gilid niya. Dahan-dahang nilagay ang kabilang kamay sa baywang niyang nakaumbok. Parang pose talaga ng model e. "You are not going to learn what I am about teach you anywhere else in this goddamn universe. I am the essence of the arts, if the world only knew! I am the demon that possessed Michelangelo and Picasso! So you will shut your mouth when I open mine, understood?"

Tumango na lang ako kahit di ko gets yung iba niyang sinabi.

Ngumisi siya. "Now we shall commence our study of arts history..."

Hindi ko ma-imagine na araw-araw ko nang titiising masigawan at matawag na mangmang. Sa tingin ko din kailanman ay hindi ako masasanay sa pakikitungo ni Dolores sa akin. Tuwing papatak ang Lunes, hihintayin ko ang Sabado.

Nung Biyernes maagang tinapos ni Dolores ang klase ko. May bagyo kasi e. Hindi ko din gets. Pero okay na okay kasi review lang naman din kasi nun. Yung mga complimentary, tertiary colors kuno. Wow, diba? Mga bagay na matutunan mo sa elementarya. Sabi ni Dolores homework na lang muna. Masaya kong ginawa yung homework sa kwarto ko. Mag-isa. Ang saya-saya mag-explore ng arts, e. Torture lang talaga si Dolores.

Naaaliw ako sa tingkad ng dilaw ng acrylic ko nang biglang namatay ang electric fan at ilaw. Alas-tres pa lang ng hapon pero dahil sa kapal ng mga ulap parang pagabi na ang dilim.

"Natasha!"

Boses ni Roy. Umulit ang pagtawag niya sakin. May pagkaalarma. Mabilis akong bumaba at napatigil sa mga huling baitang ng hagdan. Sa sobrang lakas ng ulan pinapasok na pala kami ng tubig.

Sumunod si Dolores na lumabas ng kwarto niya. Napamura siya nang masulyapan si Roy na nakabota na. Mabilis siyang bumalik sa silid niya at di na muling nagpakita. Tulad ng madalas niyang ginagawa pagwalang klase.

"Natasha, give me a hand." Inabutan ako ni Roy ng mga canvas. Kinuha ko. "Hanapan mo muna ng pwesto sa second floor. Salamat."

Patuloy akong inabutan ni Roy ng mga gamit na sunod ko namang inaakyat sa second floor. Kapag masiyadong mabigat don lang muna sa may hagdan. May malawak na baitang kasi. Yung part na bended para maiba ng direksyon yung hagdan.

"Ugh. Ang daming lilinisin," angal ni Roy. Tapos na naming isalba ang mga gamit. Umupo siya sa pang-limang baitang ng hagdan kung saan halos inabot na ng tubig. "Di ko naalalang ganito magbaha rito minsan. Sayang yung bagong shelves sa library." Siguro gigil na gigil na siyang maglinis.

In-on niya and radyo ng phone niya. Babaeng boses ang nagsalita.

Umupo ako sa tabi ni Roy, yakap-yakap ang sarili. Malamig. Madilim. Amoy kanal.

Uh, yes, Mike. Umabot na sa nineteen meters ang lebel ng tubig dito sa Marikina river, at tumungtong na sa forced evactuation...

Pinanuod namin ang tubig pero hindi naman na to tumaas. Pahina na siguro ang ulan.

"Roy..."

"Hmm?"

"Pwedeng magtanong?"

The Missing FrameWhere stories live. Discover now