Kabanata 8

397 16 6
                                    

Prefigured Porpoise

ROLANDO

"You can't go on like this, Roy. Remember last time," bungad ni Dado sa'kin habang umupo ako sa harapan niya. Ni hindi pa nga ako nakakapag-order sermon na agad. "History shouldn't repeat itself."

"History never repeats itself."

"'Wag kang mamiliospo. I'm serious."

"I'm serious, too."

Dado took a breath and a sip from his coffee, raised an index finger at the waiter wiping the table beside ours. "Isa pang decaf," sabi niya sa waiter. Ang lalim ng eye bags ni Dado. Ang tanda niyang tingnan compared sa'kin. I suddenly remembered na may bagong dinadala nga pala ang misis niya.

"Congrats nga pala."

He rubbed his temple and took another sip. Gusto kong ayusin 'yong pagkapatong ng mug niya. Alanganin kasi. "Fourth child, Roy. Gastos na naman."

"Masiyado kang napapraning. Don't think like that. It's your first daughter. Enjoy."

He smirked. "'Kaw din. Your first daughter. Enjoy."

Natawa ako.

"Kamusta naman 'yong bata?"

"Okay naman," ani ko. "Pinakita ko kay Dolores mga gawa niya. Natuwa naman ang matanda." Siguro naman nagkakasundo na sila ni Dolores ngayon. I pray.

"Hay. Sabay mo pa silang inasikaso. Hindi lang stress 'yan, gastos din 'yan. Bakit kasi of all the time ngayon mo naisip kupkupin ang bata?"

"It's not like I didn't reflect upon this matter. Remember, dalawang beses pa 'kong nag-withdraw. Nakakahiya nga kay Mrs. Perez. Pati na mismo sa bata. I even have a feeling she's holding it against me."

"So sure kang siya 'yon?"

"Siguro."

"Siguro?" Napabugtong hininga si Dado.

"Siguro sure."

"Hindi pwedeng maging sure ang siguro."

"Well, her eyes are violet."

"Por que't violet..."

"How rare is that?"

"Still..."

Napansin ni Dado ang titig ko sa mug niya. Tinanggal niya sa may kanto, pero mali pa rin 'yong angulo kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko't inayos 'to. I fixed the ear of the mug and faced it to his left (since he's a lefty) in a right angle.

"Walang alam yung bata, 'no?"

I shook my head.

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Hindi ko pa alam kung pa'no. Tsaka... 'di pa naman din sure, 'di ba?"

"'Di magpa-conduct ka na ng test."

"How much would that cost?"

'"Oo nga pala." Dado roughly sighed. Masiyado siya kung mag-alala sa'kin. "Ibang klase ka kasi, Roy. Masiyado kang nagiging carefree."

I felt my lips curve up into a sneer.

"Tapos 'to pang business mo. Sinabi ko na din sa'yo 'to. Hindi ko alam. Napaka—" sigh, "Maling-mali yung planning mo. Ang pangit ng napipili mong mga lugar. Hindi ko alam kung sinong nag-a-advice sa 'yong iba at kumakagat ka naman."

Dumating 'yong waiter, bitbit ang kape ko. Inabutan ko siya ng singkwenta. Ang laki ng ngiti niya. "Si Rachel na magaling," I prompted.

"'Wag kang ganiyan," ani Dado, sighing. "Hindi ko naman binaggit ang utol mo. Tsaka alam mo, ang tanda-tanda mo na para ma-insecure sa kaniya. You sound like a teenager."

"Ba't ako mai-insecure?" Inayos ko ang tissue sa tabi ng mug ko at doon ko pinatong ang kutsarita, 'yong handle nakaharap sa 'kin para maganda tingnan.

"Never mind." He sipped from his cup. Mali na naman ang pagkapatong ng mug niya. "Pag-isip-isipan mo, Roy, at malapit nang magsimula..."

Humigop ako ng kape. Sarap. "Ang ano?"

"Hindi ka naman tanga." He sighed.

I guffawed, rather too loudly I could feel in my chest the fraudulence in my laughter's tone and volume. "What? I'm just trying to stay positive." Napangisi ako: 'eto si Dado, kaibigan kong kahit may pamilya't maykaya, matiyaga pa rin akong tinutulungan sa businesses ko.

"Roy..." Dado sighed again. I swear, kung iniipon ko lahat ng ibinubuga niyang hanging sa pagpagbuntong hininga, baka makakapaglobo na 'ko ng isang elongated balloon t'wing nagkikita kami, ta's ishe-shape ko as a flower or something para tigilan niya na. "Malapit ka na namang malugi."

I chuckled weakly. 'Yon ang masakit marinig. 'Yong "na naman."

The Missing FrameWhere stories live. Discover now