Kabanata 22.1

383 8 0
                                    

NATASHA

Nakatulog ako nang nakabistida. Hindi ko masiyado mabuksan ang mga mata ko dahil sa muta mula sa pag-iyak kagabi. Kinapa ko ang leeg ko, at naramdaman ang kwintas. Tumingin ako pababa. Nandun pa rin. Totoo nga. Hindi pangaginip ang nangyari kagabi.

Kagabi. Parang kay tagal na ng kagabi. Nang magtitigan kami at aminin ko sa wakas sa sarili ko ang mga inaasam ko araw-araw... siya. Pwede nga bang maging kami? Pantasya nga lang ba yun? Masiyado bang malabo?

Kagabi. Nang bigyan niya ako ng kwintas, nabuhayan ako ng pag-asa na baka nga naman pepwede. Na malabo, pero hindi imposible, hindi pantasya. Baka naman saka-sakali, may espesyal na kahulugan ang kwintas.

Pero kilala ko naman na si Roy. Isa siyang matulungin na tao. Sweet. Tanga lang ako para isipin ang mga iniisip ko ngayon.

Umupo ako't ginulo ang buhok ko. Kagabi... may gusto siyang sabihin. Hinabol niya ako sa kwarto ko para lang dun. Ano kaya yun? Importante daw pero naduwag ako. Natakot. Paano kung sabihin niyang ibabalik na niya ako sa bahayampunan?

Dapat pala hinarap ko siya. Anuman yun, dapat hinayaan ko siyang magsalita. Ang dami na niyang nagawa para sakin. Dapat binigay ko na sa kaniya ang respetong nararapat niyang makuha mula sakin.

Huli na ba ng lahat?

Siguro naman hindi pa.

Nagmadali akong magmumog at maghilamos. Pagbukas ko ng pinto, wala na siya sa may pintuan. Nagsawa din siya sa kasisigaw kagabi. Sa kahihintay na lumabas ako ng kwarto. Ang tanga ko talaga. Umaasa akong hindi siya aalis.

Pero hindi ko na muna inisip yung kadramahan ko. Tumakbo ako pababa para hanapin siya. Kausapin. Humingi ng tawad.

"Where did you get that bullshit?" Pag-apak ko sa pinakababang palapad, natigilan ako nang may marinig na hindi pamilar na boses. Masmalalim ang tinig na ito kay Roy. Masmalakas ang banyagang punto.

"Am I wrong?" sumbat ni Roy. Sa receiving room nanggagaling ang mga boses nila kaya nanatili ako sa may hagdan.

Nanahimik silang dalawa nang saglit. Narinig ko ang tunog ng pagkayod ng kutsara sa loob ng baso. May nag-iikot ng inumin.

"Answer or I won't entertain your request. How did you know it's this girl?"

Babae?

"Well, one, because she has violet eyes—"

Napaupo ako sa sahig. Anong meron sa kulay ng mata ko? Alam kong rare. Naalala ko nun, nabu-bully pa ako. Sabi ni Nay Juanita, maraming taong inggit sa mga mata ko. Elizabeth Taylor-ian daw. Lasapin ko na raw ang ganda nito at mamaya pagkatanda ko maging itim daw ang mga ito. Nangyayari daw yun. At napansin kong maari ngang mangyari sakin. Dumidilim na kasi ang kulay ng mga mata ko habang ako ay tumatanda. Pero kamakailan tumigil ang pagbabago ng kulay nito. Mukhang habambuhay na akong may biyoletang mga mata.

Natigil ang pagsasalita ni Roy nang tumawa ang bisita. "Just because she has violet eyes? You're more pathetic than ever, Rolando. One of my greatest regrets is that a man like you bear my name."

"I'm not done speaking. Can you show some courtesy here?"

"Once you've shown me respect, sure, I will, son!"

Tatay niya pala ang bumisita.

Hindi na tumuloy sa pagsasalita si Roy. Na-imagine ko siya, nag-iigting ang mga panga, lumiliit ang mga butas ng ilong, kamay nakakamao.

"How do you know it's her?"

May suminghap. Si Roy siguro.

"The husband of the mother mailed me a letter." Mabilis magsalita si Roy. Mababa ang boses pero madiin ang mga salita. Klaro. "The letter states everything he knows about the child before the mother died. He even attached the birth certificate and a few pictures in it, too. Natasha is of the proper age. She looks exactly like how the girl from the pictures would look like by this time."

"I don't buy her amnesia game. She must remember something."

"She does. But she's been through an accident, remember? It's not a rare case of concussion. Now, all I want for you to do is conduct the DNA test, so you can be sure she's your daughter—"

Napahawak ako sa dibdib ko. Anong sinabi ni Roy? Maaring anak ako ng tatay niya? E kung gayon...

"As I've said months before," dagdag ni Roy nang hindi nagsalita ang isa pang lalaki, "wala ka nang dapat iba pang isipin. Take care of the financialy responsibilities. Make sure she's supported to attend a university. Ako bahala sa rest. I'll take care of her as I've been doing."

"Ba't hindi mo siya asikasuhin nang sarili mo? I thought you've been standing on your own two feet, Roy? I thought your businesses were doing well."

"No... I—I've been... I've been struggling with money. Nalugi ako ulit."

Tumawa ang isang lalaki. "Ang tyaga mo talaga. Para kang nanay mo. Pero sige. Kala ko naman kung anong kailangan mo sakin bakit mo ko pinapupunta."

"I wanted you to visit Dolores, mind you. Tapos ngayon lang kayo sumulpot. It's been months."

"Eh. That bitch wouldn't want to see me. Malalim galit nun sakin. Alam mo naman."

Narinig ko ang mga pagtayo nila.

"Anyway, thanks for wasting my time, Rolando.

Malungkot ang tinig ni Rolando nang sabihin niyang, "You're always welcome, Dad."

Tinakpan ko ang mga tenga ko kaya wala na akong ibang narinig. Kung sumigaw ba ako, hindi ko na alam. Pero siguro nga dahil nakita ko na lang si Rolando na nasa harapan ko, inaakay akong tumayo?

"Natasha?"

"Wag kang lalapit!" Mariin kong sigaw. Kala ko nung una yung pula lang ang kalaban ko, pero tong dilaw din na bumabalot sakin t'wing siya'y nasa piling ko, tila masmalakas pa pala. Hindi ko kaya.

Nang mahabol ko ang hininga ko, sabi ko, "Pasensya na po."

"I meant to tell you..." mabilis niyang sambit.

Masmabilis ako. "Sana from the start, di ba?"

"Pero hindi ako sure nung mga time na yun."

"Base sa pag-uusap niyo ng... tatay mo, parang sure ka naman a."

"That's because now I am. I just need some kind of concrete evidence. I'll have your DNA tested, Natasha, and—"

"Yung real name ko, Rose?"

Napalapit siya nang konti sakin. Hindi ba siya naaawa sakin?

"Yeah," sabi niya.

Nagkatitigan na naman kami. Pero umiwas agad ako ng tingin.

"Rose... look at me..."

Hindi ko siya hinarap. Hindi ko naman alam yung pangalan na yun.

Ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko e.

"Bigyan niyo ako ng pagkakataong mag-isip," sabi ko habang tumatayo. Muntikan akong matapilok sa panininig ko. Tinangka niya akong tulungan, pero hinawi ko ang kamay niya.

Hindi naman siya nagpumilit pa. "I will."

Hinayaan niya akong umakyat papunta sa kwarto ko. Sa bawat hakbang ko, iniisip ko na kung saan ako pupunta. Kailangan ko nang tumakas. Maaring mawala ang nararamdaman ko pagdating ng panahon. Pero sa ngayon hindi ko kakayanin dito. Hindi ko kakayaning makita si Roy araw-araw.

Dahil mahal ko siya.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon