Kabanata 4.3

475 25 6
                                    

NATASHA


Konti lang ang napili kong damit. Sabi ko next time na ulit. Pero palusot ko lang yun para wala nang masabi si Roy. Naghalo feelings ko. Natuwa ako na naiirita. Masaya kasi diba nga naman ngayon lang ako nakapag-shopping nang ganito. Naasar kasi parang tinaksil ko sarili ko. Pakipot pa ko nung una. Bibigay naman din pala. Basta, inisip ko na lang: Grasya to. Grasya.

Nag-break lang kami nang saglit ni Roy para mananghalian sa McDo. Pagtapos nun patuloy kami sa pagbili ng mga kailangan ko. Dumaan ang hapon nagkaroon na ko ng mga bagong damit (including underwear), drawers, laptop at kung anu-ano pang chechebureches. Hindi naman marami ang binili. Yung tama lang. Mga sapin nga sa kama hindi na kasi marami pa raw si Roy nun. Tinangka ko ngang ikwenta kung magkano na nagastos ni Roy, pero pinigilan ko sarili ko. Baka magsisi lang ako't manghinayang na inalam ko pa. Ma-guilty ba. Tsaka sabi ni Roy wag na wag kong kekwentahin. Guardian ko siya't marapat lang na ibigay niya lahat ng kailangan ko nang walang minimithing kapalit. Kunwari pa siya. E di ba nga kailangan naman talaga niya ako kaya niya ako aampunin?

Gabi na nang matapos kami. Hinatid kami ng shelf boy papuntang parking lot. Inabutan siya ng bente ni Roy matapos niya kaming tulungang makalabas ng parking.

"'Yan. Dapat sa harap ka umuupo para hindi ako magmukhang driver," ani Roy.

No comment ako. Ang liit kasi ng sasakyan ni Roy kaya napuno ang compartment at likod, no choice ako.

Nag-drive thru kami sa Pizza Hut. Tapos hinatid na ko ni Roy sa condo. Umalis din siya agad, bitbit na siyempre yung mga bago kong gamit. Pwede pa kasi yung natitirang damit ko sa Jansport ko e.

Gising na gising pa ko nung makapaghilamos. Nakakapagod mag-shopping kung maghahanap ka pa ng mga gamit na kasya sa budget mo. Pero kung sasabihin mo na kahit ano pwede mong bilhin na parang wala lang, stress-free. Parang bakasyon na napanalunan mo sa pa-raffle ng isang sikat na department store.

Dinukot ko yung tirang pizza sa bag ko't tumingin-tingin sa paligid. Sa sobrang boring pinagbububukas ko yung mga kabinet sa kwarto, pati na din sa kusina tsaka sa banyo, kahit alam kong wala nang mga laman. Parang trip lang. Kaya nagulat ako nung may nakita akong nakasingit sa pagitan ng salamin at pinto ng kabinet sa banyo. Hinila ko yun.

Litrato. Ilang mga saglit bago ko na-process na si Roy. Bata pa siya. Siguro kasing idad ko. Teenager. Pansin ko na kahawig pala ng features niya yung babae sa litratong tinitingan ko kagabi. Baka hindi niya asawa yun. Baka naman kapatid? Pansin ko din na ang ganda pala ng bone structure ng kilay niya. Pantay. Tsaka yung mga panga niya. Yung squared ba tawag don?

Nagulantang ako nang may biglang nag-doorbell. Mabilis kong binalik yung piktyur, nararamdaman ang pag-init ng aking mga pisngi. Tumakbo ako para mabilis na mabuksan ang pintuan. May naiwan kaya si Roy?

Pero hindi si Roy ang bumungad sakin kundi isang babae. Nagkagulatan kami. Nanlalaki ang mga mata niya.

"Uh—" Mukhang hindi niya alam kung paano sisimulan ang kaniyang sasabihin. "May I... is Rolando here?" Napakahinhin niya magsalita. Kung hindi mo pakikinggan nang mabuti hindi mo maiintindihan. Humigpit ang hawak niya sa gold purse na nakaipit sa kaniyang dalawang kamay. Simple lang ang suot niya. Naka plain na bestida lang siya, kulay beige, at flats. Wala din siyang makeup. Natural ang beauty niya.

Sinara ko nang konti ang pinto. "Wala pong Rolando dito," sabi ko. Ayokong ma-interview. Ayokong makipag-usap sa mga hindi ko kilala.

"Oh..." Bumagsak ang ulo niya tingin ko ay pakita ng pagkakadismaya.

"Lumipat na po siya," patuloy ko.

Bumalik ang tingin niya sakin. Itim na itim ang mga mata niya. Ang lungkot. Tumitig ang babae sakin, parang nagmamakaawang sabihin sa kaniya kung ano man ang nalalaman ko.

"Manila," sabi ko. "Ang alam ko po lumipat na siya sa Manila."

"I see... sa dati nilang apartment doon?"

Nila? "Hindi ko po alam," makatotohanan kong sinabi.

Tumungo siya't ngumiti nang mahinhin. "Sorry. I shouldn't be asking strangers about another person. Apologies if I've bothered you. Good evening." Pinanuod ko siyang umalis nang walang pagmamadali. Dahan-dahan ang paglalakad niya sa hallway. Para siyang lutang.

Sinara ko ang pinto pinagkakatakan kung sino siya't tama ba na nagbigay ako ng impormasyon tungkol kay Roy.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now