Kabanata 20.1

301 9 0
                                    

NATASHA

"May susuot ka na bukas?" tanong ni Roy habang naglalakad kami sa parking garage ng mall. Nilibre niya ako ng sine at saka siopao at dimsum.

Actually, madalas niya akong ilabas ngayon. Siguro dahil wala na siyang inaatupag na alagain, at sa lungkot na rin na dala nito.

Madalas kami sa mall, kakain lang o magwi-window shopping, o magsha-shopping. Minsan naman sa mga park, food park, o museum. Hindi kami nag-uulit ng lugar. Buti nga at panatag na ako kahit maraming tao, basta si Roy ang kasama ko. Minsan nakakasama namin si Dado, pero bihirang-bihira. Okay lang kasi hindi kami nag-click kahit sabi niya ituring ko siyang tito. Pakiramdam ko kasi hindi niya ako type, na para bang sagabal ako sa buhay ni Roy kahit sa umpisa naman hindi ko naman to ni-request, no.

Isa sa paborito kong pinasiyalan namin ni Roy nang kaming dalawa lang ay ang Manila Bay. Dinala niya ako dun para manuod ng sunset. Kahit puro basura at ingay, nakakamangha pa rin yung tanawin. Paborito ko pa namang ipinta ang kalangitan. (Pina-picture-an ko pa yun kay Roy para malagay ko sa laptop ko't magaya.)

Hindi ko yun makakalimutan. Yung nakaupo lang kaming dalawa sa bingit ng baybayin kung saan nasira na yung mga malalaking kadena. Ang daming puting ipis na gumagapang sa mga basura sa may paanan namin, pero hindi namin yun inintindi. Habang umiihip ang malamig na simoy at sumasabog ang kalangitan ng samu't saring mga kulay, ang iniisip ko lang ay kung ganito ba ang buhay ni Roy bago pa kami umentra ni Dolores.

Hindi ko naman matanong. Dahil kahit gaano kami kadalas lumabas o magkasama, ang nakakapagtaka lang ang pakikitungo naming sa isa't isa. Hindi pa rin nagbabago. Halos tahimik pa rin.

Minsan mahuhuli ko siyang pumaparte ang bibig, tila may gustong sabihin pero hindi naman natutuloy. Bigla na lang niyang mababanggit na umiinit na ang panahon dahil March na, o kaya naman na paborito niya ang fries ng McDo kaya isa yun sa restaurants na ginusto niyang magkaron. Buti nga puro random statements na walang effort lang naman. Hindi kailangan ng reply.

Ako kasi, as in tahimik talaga. Sinasarili ko din kung ano man ang gusto kong sabihin dahil baka may mali pa akong masabi. Madalas pa nga, pag kailangan kong mag-grocery o kung may nakita ako sa Facebook na kainan na gusto kong mapuntahan, tinetext ko na lang siya. Ginagawa ko yun kahit nasa kusina lang siya at ako nama'y nasa library, o kahit nandun lang siya sa kwarto niya at ako naman sa kwarto ko.

"Wala pa," medyo matagal ako bago nakasagot.

"Would you like to shop?" dagdag pang tanong ni Roy.

Umiling ako habang sumasakay ng kotse. Nag-birthday si Divine nung isang linggo, at Bat Barakah niya bukas. Invited kaming dalawa ni Roy. Excited na excited si Divine para don, at ako naman ay excited din para sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaatupag yung mga bagay na tulad ng kung anong susuotin. Oo, masayang pumorma minsan, pero mas inalala ko pa yung kung anong maibibigay ko kay Divine. (Graphite portrait niya ang naisip ko't natapos ko na nga e.)

Nang makapasok na din si Roy sa sasakyan, sabi ko, "Sabi ni Divine hindi naman daw yun parang debut. Basta raw as much as possible, naka-formal. Pero hindi kailangang bongga. Dapat nga raw simple lang."

"But it's also your birthday."

Totoo, tumapat sa date ng Bat Barkah ni Divine yung birthday kuno ko. "E hindi ko naman yun party e," sabi ko. "Tsaka hindi ko naman siguradong birthday ko nga yun," pabulong kong dagdag.

"Nah, we'll celebrate it anyway. Low-key. It's your eighteenth after all."

Ini-start ni Roy yung kotse. Pareho kaming nag-seatbelt. "I have a dress back at home. You should see it."

Napataas ang isa kong kilay kaya dagdag niya pa, "I mean my mom's."

Nang makabalik kami sa bahay, umakyat kami sa pinakamataas na palapag. Binuksan ni Roy yung pintong hindi ko nun mabuksan nung kararating ko lang dito. In-on ni Roy yung ilaw at bumungad samin ang maraming kahon dun. Isa pala yung attic.

Pumasok kami. Ang ayos lahat. Matino ang pagkakapatong-patong. At mukhang labeled pa ang mga ito dahil nahanap agad ni Roy ang box na hawak ang mga damit ng kaniyang ina.

"My mother was a petite woman and it should fit you well," sabi ni Roy. Mabilis niyang nahalungkat ang bistida.

Bumaba kami sa kwarto ko at dun ko lang nakita nang matino yung damit. Pastel orange yun. Hindi ko man gaanong gusto yung kulay, pero kahit hindi pa ito nakasuot alam ko nang napakaganda nito. Simple, pero sosy. Ang lambot ng kulay. May pagkamatamis. Lalo na siguro kapag nalabhan na ito.

Nag-lock ako sa CR ko at madaling sinukat yun. Medyo maluwag sa may baywang, pero madali lang naman mapaayos yun sa palengke.

"Gusto kong makita a," naranig kong sabi ni Rolando sa labas.

"Opo!"

Sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin. Napatigil nang saglit. Yung mga off-shoulder na manggas nito ay saktong-sakto sa akin. Pati yung taas ng waist line. Yung laylayan naman ay masmahaba nang kaunti sa mga tuhod ko. Ang ganda nung skirt kasi mga limang layers yun kaya nakaumbok yung hugis. Parang fairy. Pwede ko nang sampalin sarili ko kasi feeling ko bagay na bagay sakin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng CR. Nagparte ang mga labi ni Roy nang makita ako. Sabay ngiti, "Knew it. Bagay sayo."

Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Natawa ako at nag-bow pa kunyari na parang prinsesa sa mga pambatang palabas.

Sasampalin ko talaga sarili ko mamaya...

Lumapit si Roy sakin at nagulat ako sa ginawa niya. Marahan niyan hinawakan ang pisngi ko.

Masaya ako sa ginawa niya, pero sa huli nag-agaw ang lungkot. Umagos sa isipan ko ang mga pinagninilay-nilayan ko tuwing gabi matapos ko siyang makasama nang buong araw. Sa dilim ng kwarto ko iniisip ko kung kung maari nga bang nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko. At kung ganon, pwede nga ba?

Pero kahit anong gawin kong pagrarason, sa huli'y sasabihin ko sa sarili kong hindi. Kung ano man ang naiisip ko, nalilito lang ako dahil teenager ako at hindi dapat ako dumidipende sa mga nararamdaman ko. Mawawala rin yun. At kung sakali mang hindi basta-basta, aalahanin ko isa-isa ang mga hadlang: masiyadong malayo ang agwat namin, masiyadong iba ang kinalakihan namin... at kung anu-ano pa. T'wing gabi, pagbubulay-bulayan ko ang mga ito hanggang sa unti-unting mawala ang kadiliman sa kwarto ko, hanggang sa maramdaman ko na ang unang sinag ng araw na nagpapaaalala sa akin ng mga bagay na napakalabong mangyari. At don lang ako makakatulog.

"Ang ganda mo, anak," ani Rolando.

Hinawakan ko yung pulso niya na lumakbay na sa panga ko. Gusto kong sabihin ulit na tigilan niya yung pagtawag na yun, pero hindi ko ginawa. Baka tanungin niya pa ako kung bakit. At masagot ko pa kung anong totoo.

Baka masabi ko pang kasi nasasaktan na ako.

"Gutom na po ako," sabi ko habang kumakalas sa hawak niya.

Mabilis niyang binawi ang kamay at ngumisi nang saglit. "Buti naman bumalik na yang takaw mo."

The Missing FrameWhere stories live. Discover now