Kabanata 12.0

344 18 4
                                    

Raging Blood

Malakas ang ulan. Nakatitig ang bata sa bumubuhos na tubig sa windshield ng sasakyan. Pinanonood niya ang pag-agos ng tubig at pagtigil nito dahil sa kumakaway na mga wiper. Paborito niya ang tag-ulan. Gustong-gusto niya ang panahon na ito. Nasasabik siya. Nakikita niya ang kulay dilaw na matingkad. Sumasayaw. Pinalilibutan siya.

Isang babae ang nagmamaneho ng kotse. Silang dalawa lang ang nakasakay. Nanay niya ang nagmamaneho. Umiiyak ito. Mahinay na pag-iyak, at pagsinghot. Pinilit ngumiti ng babae nang mapansin ang pagtitig ng bata.

Ipapaalala niya dapat sa kaniya na mahal na mahal niya ito, ngunit nang pagngiti niya bigla silang umitsa nang palusong. Naramdaman ng bata ang pagsagip sa kaniya ng seatbelt. Lumobo ang mga airbag. Doon na biglang nawala ang mga dilaw. Dinakmal ito at sinakmal ng pula.

Matingkad na pula.

***

AUTHOR'S QUICK NOTE: hey, guys! Dolores' original name is Jessica, that's why sa ibang chapters "Jessica" pa rin dahil hindi ko naiba nang maayos. (iba-ibang files kasi per chapter, so i must've missed with the replace feature.) i've fixed it all na, and just wanted to say that there's nothing mysterious about the switch of name. (may iba kasing, ooh, baka may something sa switch of names, pero wala.) it's a mere mistake on my part. whoops! sorry. haha. <3

thanks so much for reading! seeing your votes and comments make my day, i swear.

porcey x

The Missing FrameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt