Kabanata 15.1

309 11 7
                                    

Mabilis akong nag-ayos. Kalahating oras pa lang ang nakakalipas, nakaligo na ko't nakabihis. Yun lang medyo matagal patuyuin ang buhok ko kaya sakto lang. Mag-a-alas tres na nang tumangka akong lumabas ng bahay. Sinilip ko muna yung kalye. Nandun na yung kotse ni Roy. Pero siguro naman nasa library siya. Pagganitong oras kasi usually nagbabasa lang siya. Si Aling Linda naman naglalaba. Si Dolores, tulad ng gawi pag walang pasok, nakakulong sa kwarto.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at natuklasang wala nga akong makakasalubong. Nag-iwan ako ng note sa ref na aalis ako kasama ang isang kaibigan.

Hinintay ko si Jake sa may labas. Maya't mayang nakatingin sa phone at baka na-miss ko lang yung text niya. Magpi-fifteen minutes na makalipas ang alas-tres nang may nakakatoreteng matining na boses ang sumigaw ng, "Natasha!"

Na-disappoint ako nang makitang kasama si Divine. Madalas siyang nakadikit kay Jake kaya feeling ko dapat ako ang lumayo. Tulad sa jeep papuntang McDo, magkatabi sila habang ako umupo sa opposite side na upuan.

Ililibre daw nila ako. Buti na lang kasi naiwan ko yung wallet ko sa kusina habang nagsusulat ng note.

Hindi lang maingay si Divine, mausisa din siya. Tanong siya nang tanong tungkol sakin. Ang hirap ngang ubusin ng pagkain ko e, kasi salita ako nang salita. Nakikinig naman si Jake. Nagtatanong paminsan. Kumportable naman silang kausap. Parang hindi 'to ang first time na nakasama nila ako sa labas. Parang matagal na nila akong kakilala. Hindi sila masiyadong nagtanong tungkol sa pagigiging ulila ko. Mas big deal pa nung nalaman nilang wala akong Facebook. Ako lang daw ang teenager na lumaki sa lungsod na walang Facebook. Dapat daw gumawa na ako. Tutal may wifi naman sa mansion ni Rolando at may laptop na ako.

Siyempre, tinatanong-tanong ko rin sila kasi ang hirap ng feeling na ikaw lang ang pinag-uusapan. Naintriga naman din ako tungkol kay Divine kahit masgusto kong mas may malaman tungkol kay Jake. Seventeen si Divine, nineteen na si Jake. Matagal na silang magkaibigan. First year high school pa lang si Divine. Nang marinig ko nung lumipat nun sila Jake sa Manila from Bulacan at naging churchmates and university-mates sila ni Divine, medyo nagselos ako. For sure kilalang-kilala nila ang isa't isa. Parang ang saya lang na may ganun kang klaseng kaibigan. Yung kilala ka.

O siguro dahil feeling ko anytime pwedeng maging sila. Kung hindi pa nga sila.

Kumirot nang kaunti ang tiyan ko kahit busog na ako. Pero mabilis lang din.

"Guys," sabi ni Divine, habang nagte-text, "kailangan ko nang magpaalam." Tinungga niya yung softdrinks niya.

"Aww, Vine. Kala ko ba sasabay ka na papuntang prayer meeting?" sabi ni Jake. "Tsaka maga-ice cream pa tayo a."

"Kayo na lang. Bawi ako next time. Hinahanap na ko ni Mommy, e. Sorry, guys!"

Nag fist bump sila ni Jake ta's ako naman bineso niya ulit bago siya lumayas.

Bumili si Jake ng ice cream. Nag-sorry ako kasi naiwan ko yung pera ko, hindi ko siya malibre. Pero ano ba raw ako, wala yun.

Wala masiyadong nagsasalita habang inuubos naming yung ice cream. Tumahimik bigla nang nawala si Divine. Bigla akong nahiyang magsalita. Kanina ang dami kong gustong tanungin, pero biglang nablanko isip ko. Nang maubos namin ang ice cream pinaglaruan ko na lang yung rosaryo ko.

"You a Catholic?" sambit ni Jake. May tira pa siyang soda kaya hindi ko pa siya maiwan.

Umiling ako habang pinapatong ang kamay ko saking kandungan para mawala sa paningin niya ang rosaryo. "Medyo lang siguro..."

"Medyo?"

"Hindi naman ako palasimba."

"I see." Tumungo si Jake.

"Baka nga hindi pa ako makapuntang langit pag namatay ako ngayon e," sabi ko.

"Why you think so?" Ang inosente ng expression niya. Hindi judgmental tulad nung Jehovah na kaklase ko nun na nakataas lagi ang isang kilay at baba kapag nakikipag-usap tungkol sa mga paniniwala.

"Hindi naman ako masamang tao, pero hindi naman din ako yung mahilig mag-charity, ganun."

"Good works can't save you." Inaalog-alog yung lalagyan ng soda niya. Ice na lang laman. "Only faith can."

Nakatingin siya sa labas. Sinundan ko ito. Normal city view lang naman. Mga kotse, poste ng Meralco, gusali, tao... napakaraming tao.

"Naalala ko yung sermon ng dad ni Diving nung dedication ni Zoe, anak ni Tita Sara. Pero sa totoo lang medyo naguguluhan pa ako. Anong faith lang?"

"Faith lang. Pananampalataya. Kahit gaano pa kabuti ang isang tao, hindi niya kayang dalhin ang sarili niya sa langit. Sa tingin mo may perfect na tao except Jesus?"

"Medyo nage-gets ko na." Tiningnan ko siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa dahil crush ko siya, kundi dahil sa pinag-uusapan namin. Nakaka-excite for some reason.

"Lahat tayo nagkasala na. We all deserve death in the end, because no one has, is and will ever be good enough. Kaya nga si Jesus ang namatay in stead of us."

"May pagka-obssess kayo sa kamatayan ni Hesus, no?" Biglaan na naman ang pagkakasabi ko. Uminit ang aking mga pisngi.

Ngumisi siya. "No, Christianity doesn't revolve around Christ's death. It revolves around the person of Christ. " Humilig siya papunta sa akin.

Kung tutuusin hindi naman talaga gwapo si Jake. Talagang ang lakas lang ng appeal niya. Para sakin. Kasi yung mukha niya, hindi tulad ng ibang taong tila ang bigat-bigat ng kalooban. Parang napasakaniya na ang ligayang palaging hinahanap ng tao at madalas nabibigo.

May kaunting dilaw na sumilip. Pero yung maputing dilaw. Yung tinte ng sikat ng araw sa litrato.

"Nabuhay Siyang muli, Natasha," pagbulong niya. "Buhay Siya ngayon. At sana mahanap mo Siya sa buhay mo."

Sana nga...

"Jake."

"Yo."

"Salamat sa pagigiging kaibigan ko."

Ngumiti siya. "Hatid na kita pauwi."

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon