Kabanata 6.1

409 20 8
                                    

NATASHA


Gumaan ang loob ko nang makaalis kami. Para kasing masusunog ako maisip lang na kasama ko si Dolores sa ilalim ng iisang bubong.

Pinakain muna ako ni Roy sa isang Italian restaurant. Inorderan niya ko ng spaghetti tsaka cake. Yung sauce ng spaghetti gawa sa dinurog na fresh tomatoes (yun yung description niya sa menu e). Walang lasa. Kinain ko lang kasi gutom na ako. Pero yung cake. Grabe. Ang sarap. Makrema. Yung tamis tama lang. Kulay pink ang lasa. Yung masayang pink. Baby pink. Pastel.

"You know..." panimula ni Roy habang hinihiwa ang pizza niya. Hindi siya nagkakamay. Gumamit siya ng tinidor sa kaliwang kamay, kutsilyo sa kanan. Mabilis ang paghiwa't pagsubo niya. Effortless. Sanay na sanay. Pero feeling ko kung gagayahin ko yung pagkain niya mahihirapan ako. Gamit ko lang tinidor. "Dolores loves to paint, too."

Gusto ko sanang sabihin na ang saya ko na nga, nabanggit niya pa si Dolores. Pero hinayaan ko na lang.

"I'm sure she'll love to see your artworks," patuloy niya.

Napabuntong-hininga ako. Ba't kasi pinipilit pa niya? Ayaw na nga sakin nung tao.

Napansin siguro ni Roy na nasarapan ako sa cake kaya tumawag siya ng waiter at sabing dalawa pang order ng Blueberry Cheesecake.

Nung dumating yung cake napansin ko ang medyo paghiling ni Roy papunta sakin. Pinagsama niya ang kaniyang mga kamay at nakipag-eye contact. Yung pagka-brown ng mata niya may pagkapula.

"You can ask me anything, you know."

Sumubo muna ako ng mga tatlong beses bago ako rumisponde kahit alam na alam ko na kung anong itatanong ko. "Sino po si Maria R.?"

Napangisi si Roy. "Oh, yeah, you've seen the paintings. What do you think of them?"

"Ang gaganda po."

"What's your fave?"

"Wala po. Lahat magaganda. Sobra..."

Tumungo siya. "Maria R... Maria Rordriguez, before she got married. Maria Roberto, afterwards. She's my mom. My real mom."

"Oh..."

"Why?"

Tumitig ako sa mga mata niyang kulay pakpak ng ipis. "Kaya pala kamukha niyo."

Lalong lumaki ang ngit niya. May dimple pala siya sa may baba.

"Kala ko asawa niyo."

"Wala pa kong asawa..." Dahan-dahang naglaho ang ngiti niya. May mali yata akong nasabi.

Dahil sa nabanggit niya, may naalala ako. "May pumunta nga palang babae nung isang gabi sa condo. Pag-alis niyo."

Napansin ko ang pag-igting ng mga panga niya. "Did she tell you her name?"

Umiling ako. "Pero may idea kayo kung sino 'yon?"

Pumungay ang mga mata niya. May iba na siyang iniisip. Wala na siya sa mundong ito. Dalawang minuto yata ang nakalipas bago siya nagsalita. "Have you tried oil paint?" tanong niya.

Umiling akong muli.

"Wanna try it out?"

Halata ang pag-iwas niyang sumagot kaya hindi na ko muling nagtanong tungkol sa babae. Hindi ko na din binanggit na nabanggit ko sa babae ang paglipat niya sa Manila. Baka maselan kasing impormasyon yon. Baka mali pala yung ginawa ko. Inubos ko na lang ang cake ko at sinabing, "Opo."

The Missing Frameحيث تعيش القصص. اكتشف الآن