Kabanata 11

420 18 5
                                    

Sweet Pistachio

ROLANDO

I didn't now where or how to start. Natasha caught me off-guard with her question. Hindi na siya nahihiya sa akin, which I think is good; but it didn't make answering any easier.

"Ha?" Automatic response.

"Pwede niyo bang ikwento sa 'kin buhay niyo, sabi ko."

"Pwede."

I turned off my phone's radio. Wala na ang ulan pero hindi pa rin humuhupa ang tubig sa loob ng bahay.

"Ano na?" Natasha impatiently asked.

"Sabi ko pwede pero 'di ko sinabing gagawin ko nga," palabiro kong sinabi.

Sineryoso naman niya. "Ah, sige po, 'wag na lang." Tumayo siya.

"I was just kidding." Natawa ako but Natasha apparently wasn't.

Pero at least hindi niya tinuloy 'yong pagtatampo niya. Tumungtong siya sa malawak na step ng staircase kung saan nakatambak ang ilang upuan, mga libro, at mga carpet at rug; nag-Indian seat siya at tumitig sa'kin.

Alam kong nahahawi na ang mga ulap dahil may sinag na ng liwanag mula sa mga bintana. "I just don't know how to start..." I leaned a little bit toward her. Sa ilaw ng padapit-hapon kitang-kita ang pagka-byoleta ng mga mata ni Natasha. "Um... paano ba? My name is Rolando Ruelo Roy Rodriguez Roberto, Jr.?"

Kumunot ang kilay ni Natasha. 'Yong pagkunot na parang nagmamakaawa. "Seryoso?"

I nodded, she snickered; and I continued my story:

I am the older child of two. I have a little sister whose name is Rachel. Favorite siya ni Dad. Ang husay kasi niya sa lahat ng bagay; whereas, I had (and have) no talent for anything. Mahigit isang taon ang pagitan namin pero pareho kami ng baitang sa school. Kala nga ng mga tao twin sister ko siya. Pagnalaman nilang magkaiba kami ng idad, at masmatanda pa ako, nagugulat sila. Si Rachel kasi 'yong maraming clubs na nasasalihan saka pagnag-gradute with honors. Wondergirl nga tawag sa kaniya, e.

Isa pang nakakatuwa kay Rachel ay ugali niya. Astig siya, 'yong tipong siga, pero napakabait. Pinagtatanggol pa nga ako noon e. Kay Dad. Noong minumura na niya 'ko dahil binagsak ako ng science teacher namin no'ng high school. Dapat nga mabubugbog na rin ako no'n e. Dahil daw ang tanga ko. Exam na nga lang hindi ko pa maiwan ang pagiging Kristyano ko. Si Rachel lang kumausap kay Dad n'on. Si Dad naman kasi kahit anong sabihin ni Rachel pakikinggan niya.

"Close kami noon ni Rachel." Napangisi ako nang maalala ang aking kapatid. Lahat ng pinagdaanan namin hindi lang bilang mag-utol, kundi bilang magkaibigan.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Natasha.

"Life..."

Natasha tilted her head.

"Hindi naman natin kontrol ang mga pangyayari sa buhay. Talagang gano'n e. Isang araw malapit ka sa isang tao; pagkagising mo kinabukasan hindi ka na niya kilala. Nag-iba na ang hihip ng hangin."

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap.

"Minsan talaga pinaghihiwalay tayo ng tadhana. At kailangan na lang nating tanggapin kung ano man ang idikta nito." I raised my arms over my head, laid them on the wall behind me, at sinandalan ko ang mga 'to. Ngumiti ako nang may naalala. "Siguro 'yon ang isa sa mga napaka-thankful ako," napabulong ko.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now