Chapter 3-Meeting with the Playboys

4.4K 125 5
                                    

Tine POV

Tapos na ang morning classes namin. Papunta kami ngayon sa canteen para isagawa ang planong makipag kaibigan sa 4 na transferees. Nag text din sa amin si Andrea. Nandoon na daw sya at gumagawa ng paraan para makausap ang apat.

Pagdating namin puro bulungan agad ang narinig namin.

"Ang royal 4."

"Dito ba sila kakain? Hindi ba doon sa office nila?"

"Siguro."

"Naku! Dito din diba kumakain sila Beatrice! Baka mag kagulo na naman!"

Napatigil kaming apat sa narinig namin. Nagkatinginan kami. Tumango naman sila. Ibigsabihin puntahan ko daw kung sino yung nagsabing nandito si Beatrice.

Kaya pumunta ako doon sa babae na ngayon ay gulat.

"Tama ba ang narinig ko nandito si Beatrice?" Malumanay kong tanong.

"O-po. Nan-dito n-ga p-o sya!" Nanginginig yang sabi.

"Wag kang matakot! Hindi naman kita kakainin eh! Tinatanong lang naman kita!" Ngiti kong sabi sabay punta sa tatlo na nakaupo na.

"Nandito nga sya. Teka san na si Andrea?" Tanong ko sa kanila.

"Hayaan nyo na si Beatrice. Mas malala sya sa atin. Atsaka si Andrea nahihirapan daw makausap yung apat." Paliwanag ni Thea.

"Pano pag hindi napapunta dito ni Andrea yung apat? Tayo na ba ang kikilos?" Tanong naman ni Leen.

"Oo. At tungkol kay Beatrice hindi ko pa din sya napapatawad." Sabi ni Ley.

"Easy lang Ley. Malay mo natakot na natin sya. Basta ang problemahin natin ngayon ang yung apat." Sabi ko.

Bigla namang tumunog yung cp ni Ley. Ngumisi naman sya at saka nag type.

"Sino yun?" Tanong ni Thea.

"Si Andrea. Papunta na daw siya kasama ang apat." Sabi nya.

Ngumiti naman kami ng makahulugan. Sa wakas masasagawa na din namin ang plano namin.

Nakita ko naman lahat ng estudyante tumingin sa pintuan kaya tumingin na rin kami. Nakita namin doon si Andrea kasama ang apat na transferees. Ngumiti lang sa amin si Andrea. Ngumisi lang kami sa kanya.

The Game Of Badgirls And PlayboysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin