Chapter 78

1.8K 40 2
                                    

Ej POV

Four days has been passed. Hindi pa rin nagigising si Ley. Stable naman sya. Pero bakit ganun?

Kaming tatlo lang ang nagbabantay sa kanya. Ako, si Thea, at si Leen. Nagsasalitan kami mag bantay kay Ley. Kagaya kagabi. Si Cyrus saka ang mama ni Ley. Tapos nung nakaraan sila Lance saka yung ate.

Ayaw pa nga umalis ni Cyrus eh. Nagpupumilit pa sya kanina na magstay. Pero di sya pinayagan ng mama ni Ley.
Pinauwi sya nito. Walang nagawa kaya ayun umuwi.

Nakahiga ako dito ngayon sa sofa. Dahil sobrang antok pa ako. Ang aga kaya namin nandito kanina. Waaahhhh... grabe bahala ng sumakit ang likod ko basta makatulog lang.

Pipikit na sana kasi antok na antok na talaga ako ng biglang may pumalo sa pwetan ko. Napatayo ako dahil sa sakit.

"Ouch! Ano ba yang kamay mo?! Metal? Ang sakit grabe" Sabi ko habang hinihimas yung pwetan kong pinalo ni Thea. Si Leen naman na pipunasan si Ley at sobra ang tawa.

"Ano sa tingin mo ang gingawa mo?" Tanong nya sa akin habang ang mga kamay ay nasa bewang. Para itong nanay na nanenermon ng bata.

"Obvious ba? Syempre matutulog!" Sabi ko at padabog na umupo.

"At sinong may sabi na matulog ka?" Tanong nya. Tumungin ako sa kanya na nagtataka.

"Ako?" Tanong ko sa sarili ko.

"Pilosopo ka ba ah!" Inis na sabi nya. Naku patay! Inis na sya! Tumayo ako at yinakap sya.

"Ikaw naman di mabiro! Sige na sige na po di na ako matutulog. Please wag ka na magalit baby cakes ko! Please!" Pagmamakaawa ko sabay pa cute.

"Baby cakes mo mukha mo! Oh! Magkape ka!" Sabi nya sa akin sabay bigay ng kape.
Kinuha ko ito at umupo. Tinignan ko sya na kumuha din ng kape.

"Baby cakes! Bati na tayo please! Upo ka na dito oh!" Pacute na sabi ko. Syempre di ako tatangihan nyan. Mahal ako nyan eh!

Kahit inis sya ay tumabi rin sya akin. Kaya agad na hinawakan ko ang kamay nya. At lumapit sa tenga nya sabay sabi ng

"I love you baby cakes ko... kahit na... ang sungit mo..." bulong ko. Siniko naman nya ako. Natawa na lang ako ng makitang mag blushed sya. Hahhahahhaa!!! Sabi na eh! Mahal na mahal talaga nya ko!

"Naku naman! Ang daming langgam! Naku Ley! Gumising ka nga dyan! Ang daming langgam oh! Diba hate mo sila? Gumising ka na dyan oh! At pagtapak tapakan mo!" Sabi ni Leen na ngayon ay inaayos ang buhok ni Ley. Naku naku! Bitter alert!

"Kesa naman dyan na nagpapakamanhid." Sabi ko habang sumisimsim ng kape. Mahina naman natawa si Thea na nasa tabi ko.

"Ediwow!" Masungit na sabi ni Leen.

"Bitter!" Sabi ko naman. Whahahahaha!!!

"At ano tong naririnig ko na bitter? Sinong bitter ah!" Biglang sulpot ni Tine. Kasama nya si James na may bit bit na paper bag. At base sa paper bag, pagkain ang dala nila.

"Yun oh!"Sabi ko sabay turo kay Leen. Binato naman ako ni Leen ng prutas.
Tumatawa akong nagtatago kay Thea.

"Naku naki talaga! Hintayin mo lang! Naku naku!" Asar talo whahahahaha!!!

"Ay wow! Naglaro ang mga bata. Kagaling! Gusto mo Leen kutsilyo na lang? Walang panama yang prutas eh!" Sabi ni Tine.

"Thea oh! Pinagtutulunga ako!" Sumbong ko kay Thea. Tumawa naman ito at lu.apit kila Tine.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now