Tine POV
Nakita ko namang pumasok na si Thea. Tapos yung mukha nya parang gulat.
"Thea, anyare sayo??" Tanong ni Leen. Napansin nya din pala.
"Kasi... Si Ej..." Sabi na parang hindi makapaniwala.
"Anong nagyari kay Ej?" Tanong ko.
"Kasi..." Pabitin na sagot nya.
"Ano nga!" Inis na sabi namin ni Leen.
"Ninakawannyaakonghalik!" Mabilis na sabi nya.
"Ano!!!" Tanong namin kasi hindi namin naintindihan eh! Ang bilis kaya.
"Basta! Sige akyat muna ako!" Sabi sabay karipas ng takbo papunta sa kwarto nya.
"Na baliw na ang babaita!" Sabay na sabi namin.
Bigla naman nag ring yung phone ko. Tinignan ko ito at unknown number.
"Sino yan?" Tanong ni Leen.
"Hindi ko alam. Unknown number eh!" Sabi ko.
"Sagutin mo baka importante." Sabi ni Leen. Tumango na lang ako at sinagot ito.
"Hello who's this?" Tanong ko.
(Hi Christine! Si James to!) Nabigla naman ako. Pano nya nakuha number ko.
"How did you get my number?"
(Steven gave me. Kinuha nya daw kay Ailleen.)
"Ganon ba bakit ka napatawag?"
(Wala lang. Gusto ko lang ikaw kamustahin.)
"Kamustahin? Kakakita lang natin kanina!"
(Oo nga noh! Hehehe! Ito na talaga. Gusto ko lang malaman mo yung number ko atsaka...)
"Atsaka? Ano?"
(Atsaka... Ano ba to ang hirap sabihin!)
"Hahahaha! Alam mo nakaktuwa ka. Ano ba kasi yun?"
(Kasi...)
"Ano ba yun?"
(Kasi... Nahihiya kasi ako.)
"Wag ka ng mahiya. Sabihin mo na lang kasi."
(Kasimissnakitasigebye!) Sabi nya ng mabilis. At binabaan ako. Ano? Hindi ko na intindihan. Ang weird ng tao ngayon! Akala mo rapper kung magsalita! Ang bilis tapos hindi mo pa maintindihan!
YOU ARE READING
The Game Of Badgirls And Playboys
Teen FictionBad girls and playgirls yan ang tawag sa amin. Bad girls kasi we break rules and playgirls naman kasi we flirt. Pero pano kaya magbabago ang buhay namin kung may dumating na hindi inaasahan. Apat na lalaki na gwapo, hot, and smart??? May mang yayari...