Chapter 68- My Prince

1.9K 48 3
                                    

Ley POV

2nd day na namin dito sa Korea. Ako at si Steven lang ang nandito sa ospital. Yung parents kasi ni Leen ay umalis pero babalik din daw sila. Sila Andrea at Andy naman ay iyon kinakausap ang management. Yung lima naman nasa hotel. Mamaya pa daw sila pupunta dito. Tapos si Aubry naman hindi namin alam kung nasaan.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagising si Leen. Si Steven naman ang tigas ng ulo. Sabi ko magpahinga muna sya. Pero sabi nya ok lang sya at di daw sya aalis hangga't di nagigising si Leen.

"Natawagan mo na ba si Aubry? Sigurado akong nag alala na sya." Sabi ko habang nakatingin kay Leen. Please Leen gumising ka na. Nag aalala na kami.

"Oo. Kanina. Sabi ko mauna na syang bumalik sa pinas."

"Dahil ba kay Leen?"

"Huh?"

Tumingin ako sa kanya.

"Dahil ba kay Leen kaya mas pinili mong pauwiin si Aubry. " Sabi ko. Pero wala sya imik.

Siguro dapat ko ng sabihin sa kanya. Pero natatakot akong baka may mangyaring masama. Pero... bahala na.

"Nasasaktan sya." Sabi ko kaya bigla syang napatingin sa akin.

"Kahit itago nya. Alam kong nasasaktan sya."

"Pero bakit? Bakit sya masasaktan?"

"Dahil mahal ka nya." Sabi ko sabay tayo at lapit kay Leen. Sya naman ay nagulat sa sinabi ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Leen.

"Pero natatakot syang sabihin sayo." Sabi ko. Tinignan ko sya.

Sana makuha mo ang sinasabi ko. Ayokong pangunahan si Leen kaya mas mabuti sya ang magsabi sayo.

"Lalabas muna ako." Sabi ko saka ulit tinignan si Leen. Sana magising ka na. Ito na yung chance mo Leen. Masakit. Oo. Pero kailangan eh.

Hinigpitan ko ang hawak sa kanya sabay bitaw. Tinignan ko ulit si Steven.

Sana pag narinig mo yung rason kung bakit namin nagawa sainyo yun maintindihan mo kami at mapatawad.

Lumabas na ako saka pumunta sa isang coffee shop malapit dito.

Pagkapasok ko palang ay amoy na amoy muna ang aroma ng kape. Naupo ako kung saan may parang duyan style yung upuan nila.

"Hwan-yeonghabnida! yeogie menyuga issseubnida. Eonjedeunji jumunhasibsio." (Welcome Ma'am. Here's our menu. Feel free to order.) Nakangiting inabot sa akin nung waiter yung menu nila. Nakangiti ko rin itong tinanggap saka tinignan.

"Aiseu keopiwa chokollis keikeu." (Iced coffee and chocolate cake.) Sabi ko sabay abot pabalik nung menu.

Pagkaalis nung waiter ay kinuha ko yung cp ko at tinignan kung may message sila sa akin. Pero wala. Kaya tinago ko na lang ulit ito. May nakita akong maliit na shelf. Mga libro ang nakalagay doon. Tinignan ko ito at nakita ko ang isang libro na nakuha ng interest ko. Kinuha ko ito.

♡내 왕자와 나는♡
(My Prince & I)

Title ng libro. Mukhang maganda kasi sa cover pa lang. Saka ang cute.

"Bu-in jumunhabnida jeulgyeo!" (Here is your order ma'am enjoy!) Sabi nung waiter sabay lapag ng mga inorder ko.

"Gomabseubnida." (Thank you) Sabi ko.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now