Chapter 46-Practice

1.9K 55 2
                                    

Ley POV

Center of attraction. Yan ako ngayon. Pano ba naman kasi hindi magiging center of attraction.

Wide pants na white, tshirt na white na may naka print na strong sa dibdib, naka cap na black, rubber shoes na white, tapos naka wayfarer na sunglasses. Yan lang naman ang suot ko.

Pero yung sunglasses talaga kailangan ko. Para matakpan ang mga mata kong maga. Na tripan ko kasing panuorin yung twilight. Kaya ang resulta eyebags.

Dumeritso na lang ako sa office namin kasi nakaka bwesit yung mga estudyante. Kala mo ngayon lang nila ako nakita eh.

Pagdating ko doon nakita ko yung tatlo. Sila Thea, Tine, at Leen. Mga nakasimangot.

"Hoy anyari sa mga mukha nyo ha!" Tanong ko sa kanila sabay upo.

"Kasi sila Steven. Ayaw nila sabihin kung sino yung Zandra na yun! Kaya ayun nagtampo kami!" Nakangusong sabi ni Ailleen.

"Tapos sabi pa nila na mas mabuti pa daw na wag na daw namin alamin." Inis na sabi ni Tine.

"Saka Ley san ka punta?" Tanong ni Thea.

"Diba ngayong month na simula ng intrams. Mag practice na tayo ng sayaw." Sabi ko sabay labas ng headset ko.

"Kung mag papractice tayo bakit nakasuot ka ng salamin?" Tanong ni Leen.

"Wag nyo ng alamin. Basta magpalit na kayo. Para masimulan na." Sabi ko sa kanila. Agad naman silang kumilos.

30 minutes after tapos na sila magbihis kaya pumunta na kami sa gym kung saan kami magpractice.

Papasok na sana kami ng matanaw namin sila Steven. Tumatakbo. Pero yung ting ting kalma lang na naglalakad. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya atsaka doon sa Zandra.

Tinignan ko naman yung tatlo. Parang wala silang nakita at ayun pumasok na.

Nakarating na rin sa pwesto ko silang apat at hayun hingal na
hingal.

"Oh! Bakit kayo tumatakbo? Para tuloy kayong mga kabayo." Sabi ko sa kanila.

"Galit pa rin ba sila?" Tanong ni James.

"Base sa nakasibangot na mukha nila... oo galit pa rin." Sabi ko sabay simpleng tingin doon sa ting ting. At base sa mukha nya parang... ay ewan! Galit nga pala ako sa kanya!

"Pano na yan..." naghihinayang na sabi ni Ej.

"Ganito na lang. Mamaya pumunta kayo ng apartment namin." Sabi ko sa kanila.

"Ha?? Bakit??" Tanong nila.

"Tutulungan ko kayo basta pumunta kayo ng apartment mamaya. Ok? Geh alis na ko." Sabi ko sabay pasok sa gym.

Bali ang plano ko... tatakutin lang naman ng kaunti. Bahala na.

Nakita ko sila parang pumili na ng song.

"Bat ang tagal mo?" Tanong ni Tine.

"Mmmmm... sila Ej, Steven, at James kasi ano... ano kasi" sabi ko na pa suspense.

"Kasi daw... aalis na sila. Pupunta daw sila sa ibang bansa. Kasi ayaw nyo naman daw sila kausapin kaya ayun." Sabi ko na malungkot ang tono ng pananalita. Sana tumalab!

"ANO!!!" Sigaw nila. Yes! Tumalab! Sabi na nga ba at hindi matitiis ng tatlong to yung mga manliligaw nila eh.

"At sabi pa nila mamatagalan sila doon. Pero bago daw sila umalis pupunta daw sila mamaya sa apartment para daw pormal na magpaalam sa inyo." Sabi ko. Nakita ko naman na shock sila sa mga sinasabi ko. Gusto ko mang tumawa pero baka mahalata nila. Kaya lungkot mode muna ako. Nung napansin ko na nag sink in na sa kanila yung sinabi ko doon ko lang nakita na parang iiyak sila.

"Oh! Wag kayong iiyak! Mag practice pa tayo! Mamaya nyo na iiyak yan pag nasa apartment na tayo. Practice muna tayo ok?" Sabi ko sa kanila. Tumango sila pero parang wala na silang gana. Naku! Mukang makokonsensya pa ako sa ginagawa ko ha!

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now