Chapter 56-Lovelife & Lustlife

1.9K 49 2
                                    

Steven POV

Nakasimangot kong binaba yung phone ko matapos kong kausapin si Ej. Bwesit! May between life and death pa syang nalalaman! Baka nga humahanap lang yun ng partner sa paginom eh.

"May problema ba?" Tanong ni Aubry. Tinignan ko sya at halatang nagalala.

Ngumiti lang ako. "Wala naman. Tumawag lang si Ej. May sasabihin daw sya. Wag mo nalang pansinin yun." Nakangiti kong sabi sabay balik sa pag kain.

"Baka importante yun. Sige na kitain mo na. Pwede naman natin ituloy tong date natin next time eh." Sabi nya.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo naman." Nakangiti nyang sabi.

"Salamat sa pag unawa Aubry. Hihahatid na lang kita sa mansion nyo." Sabi ko sabay tayo.

"Wag na. Magkikita kasi kami ngayon ni Patricia. Meron daw kasi syang ipapakita."

"Ok. Bye!" Sabi ko sabay wave ganon din ang ginawa nya.

Lumabas ako ng reataurant at pumunta sa parking. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito patungo sa tambayan namin.

Ng makarating ako doon agad ako pumasok. Nakita ko doon si Cyrus at Ej naguusap.

"Siguraduhin mo lang na importante tong sasabihin mo Ej kundi mapapatay kita ng wala sa oras. Dahil sayo naudlot yung date namin ni Aubry." Sabi ko sabay upo sa tabi ni Cyrus na umiinom ng beer.

"Aubry? Diba ayaw mo doon sa babaeng yun." Sabi naman ni Cyrus.

"Ayaw ko nga pero kailangan ko maging mabait sa kanya." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong naman ni Ej.

"Si mama. Pinipilit nya ako. Kasi pag di ko daw ginawa ipapatapon nya ako sa ibang bansa. Atsaka time ko na rin daw para mag ka lovelife." Saad ko.

"Tsk! Lovelife? Nakakatawa naman yang si tita. Lovelife. May ganun ba? Parang di naman lumilitaw ang salitang yun." Sabi ni Ej sabay inim ng beer.

"Sabihin mo lang na bitter ka. Ikaw kasi walang lovelife. Ang meron ka ay lustlife." Sabi naman ni Cyrus. Natawa na lang ako sa sinbi ni Cyrus. Habang si Ej naman nakasimangot.

"Ano naman problema doon? Atleast walang masasaktan, walang iiyak dahil sa lovelife na yan." Kompyansang sabi ni Ej.

"Oo walang masasaktan, walang iiyak. Pero may maiipon ka naman." Sabi ko. Napakunot ang noo ni Ej.

"Ano?" Tanong nya.

"Aids." Sabay na sabi namin ni Cyrus sabay apir. Lalo naman bumusangot yung mukha ni Ej.

"Ewan ko sainyo pareho kayong may mga saltik sa utak!" Sabi ni Ej sabay inom ng beer.

Tumawa na lang kami sa sinabi nya.

"Teka ano bang sasabihin mo? Anong importante ba yan?" Tanong ko.

"Maya na wala pa si James." Sabi ni Ej.

"Speaking." Sabi ni Cyrus sabay turo sa paparating na si James.

Umupo ito sa tabi ni Ej. Tinanggal nya ang shades at cap at ginulo ang buhok nya.

"Oh anyari sayo? May saltik ka na rin ba?" Tanong ni Ej. Agad naman syang tinignan ng masama ni James.

"Hindi nakakatawa. " Seryoso nitong sabi. Sabay kuha ng bote ng beer at tinungga ito.

"Woah! Masyado ka namang seryoso. May nangyari ba sayo at ganyan ka badtrip?" Tanong ni Ej.

"Meron." Sabi nya sabay inom ulit ng beer.

"Ano?" Tanong ko.

"Si Chris. Nakita ko kanina sa Mall." Sabi nya.

Natigilan kami sa sinabi nya.

"Nung una di nya ako nakilala pero nung tinanggal ko yung shades ko doon nya ako nakilala. Natigilan sya. Tapos binanggit nya yung pangalan ko. Magsasalita na sana ako nun pero dumating si Ley. " Tumingin kami kay Cyrus na ngayon ay tahimik."At hinila na ako ni Fritz. Hindi ko alam pero nakita ko sa mga mata nya ang lungkot. Sakit." Pagpapatuloy nya sabay inom.

Two years. Sa loob ng two years kinalimutan namin sila.

Kimalimutang ang mga alaala ng nagpapahirap samin mag move on. Pero darating pa pala ang araw na to. Babalik yun. At maalaala mo ulit.

Ilang minuto na pero wala paring nagsasalita. Kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Ej. Yung sasabihin mo. Sabihin mo na." Sabi ko kay Ej. Umayos muna sya ng upo bago nagsalita.

"Si Andy."

"Oh! Anong nangyri kay ate?" Tanong ni James na ngayon maayos na rin ang upo.

"Ok lang naman sya. May sinabi sya sa akin."

"Oh. Ano naman sinabi nya?" Tanong ko.

"Sabi nya gusto nya daw gawin tayong mga model para doon sa trabaho nyang clothing management." Paliwanag nya.

Model? Clothing management? Ano naman pumasok sa isip ni ate Andy at naisip nya kaming mag model. Alam naman nya na si Ej lang ang malakas ang loob sa mga ganyang bagay. Tapos idadamay pa kami.

"Ano! Bakit tayo? Wala na bang iba?" Sabi ni James.

"Ewan ko doon sa babaeng yun!" Sabi naman ni Ej.

"Pumayag ka ba?" Tanong ni Cyrus.

"Kayo payag ba kayo? Alam kong di kayo sanay sa mga ganito." Sabi ni Ej. Pero walang nagsalita.

Inisip ko. Bagong opportunity din ito. Saka wala namang mawawala eh. Hindi ko alam kung ano ang mga gaagwin dito pero pwede naman sigurong pag aralan. At para na rin masanay ako.

"Payag ako." Sabi ko. Tinignan namin nila ako. "What? May masama ba akong nasabi?" Tanong ko.

"Sure ka?" Tanong ni James.

"Oo. Wala naman mawawala pag nag try diba? Atsaka baka ito ang maging daan para masanay tayo sa ganitong larangan." Paliwanag ko.

Tinignan ko sila na halatang nag aalangan. Pero sa huli sumuko rin. At pumayag.

"Since, nakapayag na kayo, sasabihin ko na kay Andy." Sabi ni Ej sabay labas ng phone nya at dinial ang number ni ate Andy. At ni loudspeaker.

Nakakailang ring na ng sagutin nya.

"Yah! Bakit ang tagal mong sagutin?!" Naiinis na sabi ni Ej.

(Wag mo akong sigawan! Mas matanda ako sayo! Anyway, bakit ka ba tumawag?)
Tanong ni ate Andy.

"Ate pumapayag na kami." Sabi ni James.

(Baby! Ikaw ba yan! Waaaahhhh!!! Miss ko na kayo! And wait, san kayo pumapayag?)

"Don sa sinabi mong kami ang gusto mong model ate." Sabi ko.

(Waaaahhhh!!! Talaga?)

"Opo ate. So, kailan ba kami magsisimula?" Tanong ni Cyrus.

(Salamat naman at pumayag kayo! Ahhhmmmm.... May hinihintay pa kasi akong schedule. Don't worry sasabihan ko kayo as soon as makuha ko yung schedule. Atsaka tinitignan ko pa kung makukuha na ang plane ticket nyo.)

"Teka Andy! Plane ticket?" Tanong ni Ej.

(Oo plane ticket. Nakalimutan ko bang sabihin sayo yun. Sorry! Nagmadali ka kasi umalis eh! Ganito yun, dalwang bansa ang pupuntahan natin. The first one is Korea and the second one is Paris.) Paliwanag ni ate Andy.

"Woah cool! First time ko sa Korea at Paris!" Masayang sabi ni James.

(Hahahaha! I know baby! So, ibaba ko na to. Bye boys!) Sabi ni ate Andy at binaba ang phone.

Korea and Paris. Hmmmm... Not bad.

The Game Of Badgirls And PlayboysМесто, где живут истории. Откройте их для себя