Chapter 31-Date

2.3K 73 4
                                    

Steven POV

Nandito kami ngayon ni Ailleen sa mall. Niyaya ko kasi sya kanina na mag date kami.

Naglalakad lang kami ngayon habang magkahawak ang mga kamay namin. Grabe nakakabakla. Pero kinikilig talaga ako.

"Steven! Doon tayo!" Sabi nya habang tinuturi yung store na puro anime. Actually, shirt sya na puro anime yung design.

Hindi pa ako nakaka oo, ng hilahin nya ako papunta doon.

Pagpasok pa lang makikita mo na lahat ng klase ng anime na naka design sa shirt.

"Steven, yun gusto." Sabi nya sabay turo doon sa shirt na ang design ay naruto.

"Tara bilhin natin." Sabi ko sabay kuha non. Pumili na rin ako ng isa para parehas kami.

"Anime lover ka?" Tanong nya habang nagbabayad ako.

"Oo. Dinu drawing ko din sila." Sabi ko sabay abot ng paper bag.

"Weh! Sige nga drawing mo nga si naruto." Hamon nya sa akin.

"Sige ba. Sisiw lang yan." Sabi ko sa kanya. Pumunta kami sa national bookstore para bumili ng pad. Yung malaki na pwedeng drawingan. Tapos pencil.

May nakita kaming ice cream parlor. Kaya dun muna kami. Nilabas ko yung binili ko at sinimulan mag drawing. Nakita ko naman syang tumayo at pumunta sa cashier para bumuli ng ice cream.

Bumalik din sya dala dala yung order nya. Habang kumakain sya nakatingin lang sya akin.

Umabot ng 15 minutes at natapos ko din yung drawing.

"Ano naniniwala ka na?" Tanong ko sa kanya sabay abot nung drawing ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano naniniwala ka na?" Tanong ko sa kanya sabay abot nung drawing ko sa kanya.

"Oo sige na. Naniniwala na ako." Sabi nya habang nakangiti.

"Ikaw naman kaya mag drawing." Sabi ko sa kanya at inabot yung pencil sa kanya.

"Ako pa talaga hinamon ha! Sige papatulan kita." Sabi nya.
Natatawa na lang akong tumango.

Tumayo muna ako at pumunta sa cashier para bumili ng ice cream. Ng makabili ako agad akong bumalik para tignan yung ginagawa nya.

Inabot sya ng 20 minutes matapos lang yung drawing.

Inabot sya ng 20 minutes matapos lang yung drawing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano! Ganda diba!" Pagmamalaki nya.

"Oo na talo muna ako. Tara timezone tayo." Yaya ko sa kanya. Tumango naman sya. Lumabas kami ng ice cream parlor ng magkahawak kamay.

Nakarating kamu ng timezone. Medyo madaming tao.

"San tayo una?" Tanong ko sa kanya.

"Doon. Gusto ko yung blue na bear." Sabi nya habang tinuturo yung game na kukuhanin yung bear. (Hindi ko po kasi alam tawag doon.)

Bumili muna kami ng tokens saka kami dumeritso sa game na napili nya.

Naghulog ako saka ko sinubukang kunin yung blue bear.

"Go Steven! Kaya mo yan." Cheer sa akin ni Ailleen. Nung una hindi ko makuha. Pero nung pangatlong try ko nakuha ko din. Binigay ko sa kanya ito at kitang kita mo sa mukha nya ang sobrang saya.

Pagkatapos namin itry yung ibang game na pagsyahan namin na umuwi na.

Nung nasa kotse kami tahimik dahil pareho kaming pagod. Pero nakangiti lang kami. Parang mga baliw lang eh.

Narating namin yung apartment nila. Una akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto.

"Salamat sa araw na to Steven. Sobrang saya ko." Sabi nya habang nakangiti.

"Wala yun. Ano nga pala itatawag mo dyan sa bear na nakuha natin?"

"Siguro Steleen na lang. Combination ng name naten."

"Steleen. Mukhang bagay nga. Hahaha. Sige na pumasok ka na." Sabi ko sa kanya.

"Opo. Ikaw den umuwi ka na. Mag drive ka ng safe ha!"

"Oo naman. Mamahalin pa kita eh!"

"Ang corny mo! Sige na bye!"

"Ok bye." Sabi ko. Papasok na dapat sya ng mukhang may nakalimutan sya.

Tumalikod sya saka lumapit sa akin. Akala ko may sasabihin sya pero nabigla ako ng halikan nya ako sa labi pero mabilis lang saka sya tumakbo habang natatawa.

Napangiti na lang ako saka pumasok sa kotse upang mag drive pauwi.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon