Chapter 57-Once Again

1.9K 54 4
                                    

Leen POV

Nagising ako dahil tumatama sa mukha ko yung sinag ng araw. Naiwan ko palang bukas yung bintana. Nag inat muna ako bago tumayo at dumeritso sa banyo. Nagsuklay ako ng buhok, nagtooth brush at nag hilamos. Matapos kong gawin lahat ng ritwal ko bumaba na ako.

Pagkababa ko nakita ko na si Ley nag hahanda ng agahan.

"Good morning Ley!" Sabi ko sabay upo sa upuan ko.

"Morning." Sabi ni Ley habang nilalagay yung fried rice sa pinggan at nilapag ito sa lamesa.

"San sila Tine at Thea?" Tanong ko habang naglalagay ng hotdog sa pinggan ko.

"Pababa na." Sabi ni Ley sabay lagay ng hot chocolate sa lamesa. Tumango na lang ako saka sinimulan kumain. Pero di nag tagal narinig ko na sila Thea at Tine na pababa sa hagdan.

"Good morning!" Sabay na sabi nila Tine. Tumango lang ako kasi may laman pa yung bibig ko.

"Morning. Tara kumain na kayo." Sabi ni Ley. Nagsiupo naman sila. Nagsimula na kami kumain ng biglang tumunog ang phone ni Thea. Tinignan nya ito. At tumingin sa amin na nakangiti.

"Si Andy tumatawag!" Masiglang sabi nya sabay pindot ng answer button. At ni loudspeaker ito.

"Andy!!!" Sigaw naming tatlo habang si Ley tuloy lang sa pagkain.

(Goodmorning girls!!! I call because I have to tell you that you have a meeting in the office this afternoon. Paguusapan na kasi yung tungkol sa pag alis nyo. At kung ano ang theme.) Sabi ni Andy.

"Ok Andy pupunta kami dyan." Sabi ni Thea.

(That's great! And one more thing, darating din mamaya yung ibang models.)

"Mayroon pang ibang models?" Tanong ni Tine.

(Yes! Nakalimutan ko lang sabihin sainyo. Apat lang din sila. So mamaya, ok? Bye!) Sabi ni Andy sabay baba ng phone.

"So, di lang pala tayong apat. Ano sa tingin girls or boys?" Tanong ni Thea.

"Girls???" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sila saka tinuloy ang pagkain.

Natapos kaming kumain kaya naghanda naman kami ng mga sarili namin.

Habang inaayos ko yung susuotin ko. Biglang dumako yung mata ko sa isang sketch pad na nasa baba ng kama ko. Kinuha ko ito at umupo sa gilid ng kama. Binuksan ko ito. At bumungad sa akin ang mga drawing ng favorite anime character namin ni Steven. Ngumiti ako ng mapait ng maalala ko na naman sya.

Sabi ko sa sarili ko tama na. Pero heto na naman ako at binabalikan ang mga alalan namin. Sa huling pahina doon nakadrawing ang mukha namin parehong masaya. Na para bang kami na lang yung tao sa mundo. Na walang problena at masaya lang kami.

Tinago ko ulit ito sa ilalim ng kama ko.

Sorry Steven. Sorry. Alam ko kahit ilang beses kong sabihin sayong sorry di mo pa rin ako mapapatawad. Sorry dahil sinaktan kita. Sorry talaga. Sorry Boo Ko.




Ley POV

Matapos kong maligo nagbihis na ako. Naka off shoulder red dress ako. And aaaaarrrggghhhh!!! Ang sakit sa paa ng stiletto na suot ko. Ito binili nila Tine. Yung tinignan ko lang tapos sila binili. Sabi kasi nila isuot ko para pareho pareho kaming naka dress papunta sa office at para daw hindi ako ma op sa kanila. Wala akong nagawa kasi baka ma blackmail na naman nila ako at kunin yung bagong bili ko na cap.

Tinignan ko yung sarili ko sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Ok naman pala eh. Kulang na lang makeup. Kinuha ko yung makeup kit ko sa study table ko. Di naman masyadong nagagamit dahil di naman ako mahilig sa ganito. Bigay pa sa akin to ni Mama noong birthday ko.

Naglagay ako ng red lipstick, eye liner, at kung ano ano pa (di ko po kasi alam kung ano pa yung iba. Kayo na bahala kung ano itsura ni Ley ahahhah!!😆😆😆) .

Matapos kung mag makeup tinignan ko sa salamin yung sarili ko. Pwede na ba to? Parang ang pangit! Di bale mamaya tatanungin ko yung tatlo.

Kinuha ko na yung shoulder bag ko sa kama at lumabas ng kwarto ko. At bumaba sa sala.
Nakita ko na yung tatlo. Ako na lang pala hinintay. Napatagal yata ako sa paglagay ng kolorete sa mukha.

Si Tine at Leen nag seselfie habang si Thea may binabasa na kung ano sa phone nya. Mga naka dress din sila. Pink ang kulay ng dress ni Tine. Habang si Leen ay violet. Si Thea naman ay light blue. Lahat sila naka off shoulder at stiletto din.

"Tara?" Tanong ko habang nakatayo sa harapan nila. Tinigil nila ang kanilang ginagawa at tinignan ako. At parang nakakita sila ng multo sa itsura nila.

"Hey! Ano ba! Sabi ko tara na baka ma late tayo!" Sabi ko habang nakasimangot. Pano ba naman kasi mga nakanganga pa.

"Woah! Ley!" Manghang sabi ni Thea. Ito na naman po sila. Bahala nga kayo dyan pasukan sana ng langaw yang mga bibig nyo!

Lumabas na lang ako dahil nakatunganga parin sila. Gagamitin namin ngayon yung kotse ni Thea. Nakita ko silang palabas na kaya pumasok na ako sa kotse. Pumasok din naman sila.

"Ito naman si Ley. Ayaw mo ba ng papuri galing sa mga magaganda mong kaibigan?" Tanong ni Tine.

"Oo nga Ley. Ngayon ka ulit ng dress oh! Tapos naka makeup ka pa!" Sabi ni Thea habang inistart yung kotse.

"Kung pupurihin nyo ako. Sana binilisan nyo. Hindi yung mga nakakanganga pa kayo. Kulang na lang pasukan ng langaw yang mga bibig nyo eh." Sabi ko.

"Grabe ka talaga Ley." Sabi naman ni Leen.
Di ko na lang sila pinakiggan at tinuon yung atensyon ko sa labas.



Cyrus POV

Papunta na ako ngayon sa office na sinasabi ni Ej. May meeting daw ngayon. Tungkol doon sa pag momodel namin. Matapos kong ipark yung kotse agad na bumaba ako.

Nag punta ako sa information desk at sinabi yung pangalan ko. Agad din naman sinabi sa akin yung floor. Pumunta ako sa elevator at hinintay na magbukas iyon.

Ng magbukas yun agad ako pumasok. Di pa man nakakasara may nakita akong babae na kilalang kilala ko. Kahit naka dress sya alam ko sya iyon. Nagsarado ng yung pinto ng elevator kaya di ko na nakita kung saan sila papunta.

Ano ginagawa nya dito? May kikitain ba sya? Ang daming tanong. Aaarrrrggghhh!!! Bakit ko ba pinoproblema yun! Napailing na lang ako.

Pagkabukas ng elevator agad akong lumabas. Hinanap ng mata ko ang pintuan kung saan yung meeting room.

Nahanap ko naman at kumatok muna ako bago buksan yun. Agad bumungad sa akin sila Ej na nakaupo na. At nasa bandang unahan yung boss ata. Yumuko lang ako ng bahagya at umupo sa tabi ni James.

"Bat ang tagal mo?" Tanong ni James sa akin.

"Traffic." Maikling sabi ko sabay labas ng phone ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang messages ni Beatrice. Binuksan ko yung isa.

From: My Babe<3😍😘

Hey my babe! Date tayo mamaya ok? I Love You My Babe!!! Mwah!!!💋💋💋

Di ko na lang nireplayan. My Babe? Tsk! Nangalikot na naman ng cp ang babaeng yun. Beatrice is just my FLING. And she assume that she is my GIRLFRIEND. What a pathetic woman she is. Ginagamit ko lang naman sya.

Tinago ko na lang ulit yung cp ko. Kasabay naman nun ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng apat na babae na kilalang kilala ko.

"Sorry were late." Nakangiting sabi ni Christine. Sabay tingin sa gawi namin. Kaninang nakangiti mga mukha napalitan ng gulat.

Tinignan ko naman sila Ej mga nagulat din pwera lang kay James na serious.

Sa isang iglap parang ayoko ng ituloy tong pinasok namin.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now