Chapter 61- Sorry

1.9K 54 3
                                    

Yun! Nakapag update din! Ahahaha! Lam kong nakakabitin hahahaha! Sorry po ^_^! Again, sorry kung may mga wrong typos.


























Leen POV

Sarap talaga pag libre hehehe!!! Buti hindi tumalab yung pagiging kuripot ni Andrea ngayon.

Habang hinhintay namin si Ley. Nag check muna ako ng fb ko. Scroll lang ng scroll. Ng hindi makuntento sa pag scroll. Nag search na lang ako. Pagka tap ko ng "search" agad lumabas ang pangalan nya.

Steven Mercado

Tinignan ko kung may bagong post sya. Stalker na kung stalker. At meron nga syang bagong post. Pic na kasama yung girlfriend nya daw. Tapos nakatag pa yung babae.

Tapos nakalagay pa na caption.

~Wacky with this beautiful girl beside me😜❤️😘~

Kasi ang pose nila ay nakaakbay si Steven dun kay babae tapos sabay pa silang naka wacky. Maraming likes. Tapos sa comments puro positive. Keso ang cute daw nila, tapos bagay na bagay pa daw sila. Tapos yung iba sinasabi na ang perfect daw nila. Haaaayyyy...

Bakit ganon? Kung kelan nasa kalagitnaan ka ng pagiging masaya, bigla na lang babawiin yun saka ipapalit yung sakit. Tinignan ko pa ulit yung pic.

Pano kaya kung ako yung katabi mo? Yung kaakbay mo? Ganyan ka kaya kasaya? Yung tipong ayaw mo ako malayo sayo.

Agad na pinatay ito ng makitang nakatingin sa akin si Andrea.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing." Ngisi nyang sabi. Sinamaan ko na lang sya ng tingin.

"Ang tagal naman ata nila?" Sabi ni Thea habang nakatingin sa phone nya. Tinignan ko naman ang entrance. Sakto naman na papasok na si Alex. Agad ko naman tinaas ang kamay ko para makita nya kami.

"Alex! Dito!" Tawag ko habang winawagayway yung kamay ko. Nakita nya naman kaya nakangiti syang lumapit sa table namin.

"Hello mga magagandang nilalang! Grabe sobra ko kayong namiss!" Sabi nya habang isa isang kaming yinakap.

"Salamat sa papuri! Pero di na kailangan. Alam ko naman na maganda ako!" Sabi ni Andrea.

"Baliw! Hindi ka kasali! Sila lang! Wag kang assuming teh! Di bagay sayo!" Natatawang sabi ni Alex saka umupo. Kaya natawa na lang kami habang si Andrea naka nguso.

"Alam mo? Sarap mo sabunutan! Yung tipong pati anit mo matatanggal!" Masamang tingin ang pinukol ni Andrea habang sinasabi yun kay Alex. Kaya lalo lang kaming natawa. Natigil lang yun ng biglang tumunog yung cp ni Thea. Agad yang tinignan yun saka nagtipa.

"Sino yun? Si Ley?" Tanong ni Tine.

"Yup. Tinatanong kung nasaan tayo. Kaya sinabi ko." Sabi nya.

Maya maya lang biglang sumigaw si Alex.

"Ley! Here!" Sigaw nya. Kaya lumingon ako kay Ley.

Nagulat ako kung sino yung kasama nya. Agad kong tinignan sila Thea. Bakas rin sa mukha nila ang gulat.












Thea POV

Dug... Dug...

Bakit? Anong nangyayari?

Dug... Dug...

Ano to? Praning na ba ako? Kailangan na ba akong sampalin para magising ako sa katotohanang yung lalaking nasakatan ko nandito ngayon sa harap ko?

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now