Chapter 40-Hurt

2.2K 60 4
                                    

Ley POV

Bored. Bored na ako dito. Bwesit kasi eh! Bakit kailangan pa kasi ako kasama dito sa DARE na to?! Siguro simula pa lang planado na to!

At nakuha pa nilang manood! Pano ko nalaman? Eh rinig na rinig kaya dito sa labas yung pinanunuod nila! Mukhang balak pa nila tapusin yung pinanonood nila bago nila kami papasukin.

Buti na lang malinis tong hinihigaan ko. At napagmamasdan ko pa yung night sky.

Yung ting ting naman ayun nasa may pinto nakasandal habang naka headset. Buti pa sya nadala nya yung phone nya. Akin kasi iniwan ko sa sala.

Hay! Ano ba dapat gawin? Tumingin ako sa paligid. Tingin sa kanan, sa kaliwa, sa taas. Ting!!!

Tama meron nga pala kaming treehouse. Bat di ko naisip yun. Buti na lang. Tumayo na ako. Aakyat na sana ako sa puno ng tanongin ako ng ting ting.

"Ano gagawin mo?" Tanong nya habang papalapit sa akin.

"Di ba obvious?! Malamang aakyat!" Sigaw ko sa kanya. At sinumulan ng umakyat. Actually meron syang hagdan ayoko lang gamitin.

"Hoy! Ming! Ano iiwan mo dito!"

"Kung gusto mo umakyat ka! Pero kung kaya mo!" Sigaw ko.

Sa wakas na abot ko din. Hindi mo kasi talaga sya makikita kasi natatakpan ng mga dahon ng puno.

Binuksan ko iyon at agad tumambad sa akin ang mga instrument na ginagamit namin. Medyo ma alikabok matagal na kasing naka tengga at di nabibista.

Kinuha ko iyong gitara ko na may pangalan ko. Kung itatanong nyo lahat ng instrument dito may pangalan namin para marecognize namin. May pagkakapareho kasi kami ng instrument.

Pinunasan ko lang iyon saka umupo. Hmmmm... namiss kong tumugtog.

Tinigil ko kasi ang pagtugtog nung nag break kami ni Carl. Ayan naman sya... nevermind na nga lang! Ayoko na balikan yun. Nakamoved na ako. Kami pala.

Magsisimula na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ting ting na cool nakatingin sa akin.

"Bat nagpakahirap ka pa? Mag hagdan naman ha!"

"Paki mo ba! Manahimik ka na nga lang pwede!" Sisimulan ko na sana ng biglang umupo sa tabi ko ting ting at nagsalita.

"Tututog ka?"

"Hindi! Tutula! Tulala ako!"

"Pilosopo." Sabi nya saka sumandal sa upuan at tumahimik.

At buti naman namahimik na.

"Once I was 7 years old, my mama told me, " Go make yourself some friends or you'll be lonely". Once I was 7 years old" Kanta ko.

"Alam mo ang pangit pala ng boses mo." Reklamo nya.

"Alam mo din. Ang daldal mo. Pwede ba manahimik ka na lang. Kala mo kung sino magling kumanta." Inis na sabi ko.

"Magaling naman talaga ako. At narinig mo yun. Remember nag kiss pa nga tayo." Pagkasabi nya ng kiss bigla akong namula. Buwisit! Bakit nya pa pina alala?! Unti unti ko na ngang nakalimuta eh!

"Hoy! Ming! Di kana nakapagsalita! Wag mong sabihin na namumu-"

"Pwede ba manahimik ka na lang! Ang daldal mo! At yung tungkol doon sa kiss. Hindi ko na maalala yun! Kaya manahimik ka na!"

"Hindi mo maalala. Tara gawin ulit natin. Para maalala mo ulit. Dali ready na ako." Sabi nya sabay lapit sa akin. Bigla naman ako tumayo atsaka lumayo. Feeling ko namumula ng sobra yung pisnge ko.

"Napaka perv mo!! Lumayo ka nga!"

"Aysus! Nahiya pa! Ikaw na nga tong binibigyan ng chance na makahalik, ikaw pa tong ayaw."

"Kung bibigyan ako ng chance na makahalik pwes hindi ikaw yun. Asa ka naman!"

"Tsk! Hinalikan mo nga ako!"

"Excuse me!"

"Oh daan na."

"Aaaarrrrggghhhhh!!! Bwesit ka talagang ting ting ka!!! FYI hindi ako ang humalik ikaw!!"

"Pero tumugon ka." Sabi nya habang nakangisi.

"Aaaarrhhhhggg!!!" Sabi ko sabay punta sa isang kwarto dito sa treehouse. Medyo kalakihan kasi to. Dito muna ako magpapalamig ng ulo.

Umupo ako sa isang upuan. Dala ko parin yung gitara ko. Umayos ako ng upo saka sinimulan ulit.

(Song title: Dahan)

Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan

Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pagibig
Ay di na rin aaasa pa
Na muling mahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil misan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Naramdaman kong unti unting namumuo yung mga luha sa akin mga mata. Alam ko matagal na yung break up namin. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makaya yung sakit.

Kala ko naka moved on na ako. Pero hanggang ngayon nandito... nandito pa rin sa puso ko yung sakit at puot na naramdaman ko noon.

Matagal na yun pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako...

Di na papayag pa na ako'y saktan na muli
At malimutan ang ating nakaraan
Di mo ba naririnig pintig ng aking dibdib?
Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pagibig
Ay dina rin aasa pa
Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan...

Binitawan ko yung gitara ko at naupo ako sa sahig. Yinakap ko yung mga tuhod ko saka doon ko nilabas yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Wala akong paki kung marinig ni ting ting na umiiyak ako. Basta gusto ko lang malabas to.

Matagal na... pero bakit nandito pa rin... masakit... nahihirapan na ako... gusto ko ng kumawala sa sakit na to... ayoko na umiyak... ayoko ng maiwan... tama na... ayoko na...

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon