Chapter 15-Badtrip

2.7K 92 0
                                    

Cyrus POV

Nandito na kami ngayon sa classroom. Kaming apat palang. As in wala pang ibang estudyante maski sila Ley wala pa.

"Ang boring dito! Labas tayo! Wala pa namang time eh!" Sabi ni Ej.

"Wag na. Hintayin mo na lang mag time." Sabi ni Steven habang hawak ang phone nya.

"Oo nga. Nakakapagod lang maglakad lakad." Sabi ni James habang hawak din nya ang cellphone nya.

"Sabihin nyo lang may mga ka text kayo." Sabi ni Ej habang nakasimangot.

"Nagtatampo na si baby Ej! Aaawww...  Halika nga dito kiss kita!" Sabay nguso ni James kay Ej.

"Manahimik ka nga James!" Sabay bato ng ballpen nya kay James.

Bigla naman nag ring yung bell. Ibigsabihin papasok na lahat ng estudyante sa kani-kanilang room.

Kaya umayos na kami ng upo ng isa isa ng dumating ang mga classmate namin. Napansin ko naman ang aga ngayon pumasok nila Leyanne. Himala!

Umupo agad sila sa likod namin.

"Hi!" Bati ng tatlong ugok. Pero hindi sila pinansin. Napaka seryoso kasi ng mukha na parang may iniisip na malalim.

Tinignan naman ako ng tatlo. Parang sinasabi nila na kausapin-mo-si-Leyanne-look. Kaya tumingin ako kay Leyanne. Tinignan ko naman ang harap kung nandoon na ang teacher namin. Pero wala pa kaya tinignan ko ulit si Leyanne. Iniharap ko yung upuan ko sa kanya. Saka ako pumalakpak sa harap nya para makuha ang atensyon nya.

At nakuha ko naman ang atensyon nya. Kaso naka simangot syang tumingin sa akin.

"Ano bang problema mo?!" Irita nitong sabi.

"Ikaw." Cold kong sabi.

"Alam mo kung wala kang ma tripan wag ako!" Irita yang sabi. Ilalagay na sana nya ang headset nya ng kuhanin ko ito.

"Ano ba!?"

"May problema ka diba?"

"Ano bang pakielam  mo!"

"So, may problema ka nga."

"Ano bang pakielam mo kung meron akong problema?! Ibalik mo nga yan!" Pilit nyang kinukuha yung headset nya pero hindi ko binibigay.

"Sabihin mo muna kung anong problema mo. Saka ko ibibigay to."

"Eh, pano kung ayoko sabihin?"

"Simple lang. Hindi ko ibabalik. So, sasabihin mo na?"

"Ayoko! Ibalik mo na nga yan!"

"Ok! Madali akong kausap. Hindi ko ito ibabalik." Sabi ko sabay talikod sa kanya at humarap sa harap. Sakto namang dumating na yung teacher namin at nagsimula ng mag discuss. 

Sa pagsimula mag discuss ng teacher namin. Kinakalabit nya ako.
Pero hindi ko sya pinapansin. Patuloy pa rin sya pagkalabit. Pero nasa harap parin yung atensyon ko. Hindi ko sya pinapansin.

Hanggang sa naramdaman kong tumigil na sya. Pero narinig ko namang may umurong na upuan. Kaya lumingon ako at nakita ko syang nakatayo. Tinignan muna nya ako ng masama saka lumabas. Nagulat din yung teacher namin. Pero pinagpatuloy nya lang ang pagtuturo. Tumingin naman ako sa tatlo nyang kaibigan. Pero parang wala lang yun at pinagpatuloy lang ginagawa nila.

Tinignan ko naman yung mga katabi ko. Pero sila din clueless ding nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Leyanne.

Natapos ang 1st class namin hindi parin dumadating si Ley. Narinig ko namang kinakusap nila Ej sila Althea.

"Ganon ba talaga si Ley?" Tanong ni Ej kay Athea.

"Nainis lang yun. Ano ba kasi ginawa mo Cyrus?" Tanong ni Althea sa akin.

"Kinuha ko headset nya." Cold kong sabi.

"Wag sanang manuntok yun. Badtrip pa naman sya." Sab ni Tine.

"Manuntok!!??" Gulat na tanong namin. Nanununtok sya??

"Oo nanununtok si Ley kapag badtrip siya kaya wag kang haharang sa daan nya at baka sayo mailabas ni Ley yung pagka badtrip nya. Kahit na lalaki ka o babae." Seryesong sabi ni Ailleen.

Grabe naman pala ang babaeng yun. Diyos ko!

"Sigurado ba kayong babae si Leyanne??" Sabi ni James. Napatingin naman kami sa kanya ng tanungin nya yun.

"Naka drugs ka ba?! Syempre babae sya!" Inis na sabi ni Christine kay James.

"Grabe naka drugs agad!" Angal ni James sabay puot.

Nagulat naman kami ng may biglang sumigaw.

"Mga Best!!!!!" Sigaw ng bakla??? Dali dali naman itong pumunta sa harap nila Thea.

"Ano ba Andrea! Hinaan mo nga boses mo! Ano ba kailangan mo?!" Tanong ni Leen.

"Mga best si Ley..." sabi niya habang hinihiggal sa pagtakbo.

"Anong nangyari kay Ley??" Tanong naman ni Althea.

"Nakikipag suntukan sya sa mga alagad ng bruhang si Beatrice!" Nagulat naman yung tatlo at dalidaling hinatak yung bakla papunta kung saan nakikipagsuntukan si Leyanne.

Nagtataka man kami sumunod na lang kami para malaman ang nangyayari.

Nakarating kami sa hallway kung saan nakita namin ang dalawang lalaki na nakahandusay at puro pasa sa mukha.

Nakita ko naman si Leyanne na meron pa syang sinusuntok. At isa yung babae.

"Ley tama na!!" Rinig kong sigaw ng tatlo pero hindi pa rin talaga tumigil si Leyanne. Sinuntok nya pa ito ng malakas. Hanggang sa magdugo na ang mukha nito. Nakita ko ring may dugo na yung kamao ni Leyanne.

Ng matumba nya ito tinignan naman nya yung babaeng lider. Sya ata yung Beatrice.

"Sa susunod na sabihan mong malandi ang mga kaibigan ko. Maghanda ka na. Ikaw na ang susunod sa kanila." Madiin nyang sabi.

"Talaga namang malandi yang mga kaibigan mo eh! Pati ikaw! Pare pareho kayong mala-" hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng biglang sikmuran sya ni Christine.

"Sige! Ituloy mo yang sasabihin mo! Hindi ako maawa na patayin ka!" Diin din nitong sabi. Agad namang tumakbo yung Beatrice habang hawak hawak ang sikmura nito.

Bigla namang sumigaw si Leen.

"SUBUKAN MONG MAGPAKITA SA AMIN. PAPATAYIN KA TALAGA NAMIN!!!" Sigaw ni Leen doon sa Beatrice.

Agad naman kaming lumapit doon sa apat. Nakita naming inaalalayan ni Althea si Leyanne.

"Ako na." Sabi ko kay Althea. Tumango naman ito. Nilagay ko yung kamay ko sa bewang nya bilang pagalalay. At hinwakan ang isa nya kamay para hawakan.

"San tayo?" Tanong naman ni Ej.

"Sa office na lang namin para makapagpahinga si Ley." Sabi ni Leen. Kaya agad naman kaming pumunta doon.

The Game Of Badgirls And PlayboysOnde histórias criam vida. Descubra agora