Chapter 29-Kilig (2)

2.3K 72 1
                                    

Tine POV

Nandito ako ngayon kasama si James. Sya daw ang maghahatid sa akin pauwi. So, yung kotse ko gamit ni Ley. Kasi si Thea kasama si Ej. Tapos si Leen at Steven bigla na lang nawala. Pero nagtext sa akin si Leen na mauuna na daw syang umuwi. Tapos si Cyrus, ayun nasa bar pa. Ayaw pa umuwi. Tapos si Andrea, bigla na lang din nawala.

"Pagod ka na siguro noh?" Sabi ni James habang nag dadrive.

"Medyo nahihilo lang pero kaya ko pa." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Chris, may tanong ako." Sabi nya. Chris na tawag nya sa akin. Ang haba daw kasi kapag Christine. Tumingin ako sa kanya.

"Ano yun?"

"Kung magtatanong ako ng..."

"Ng alin?"

"Kung pwedeng manligaw papayag ka ba?" Natigilan ako sa sinabi nya. Alam kong kasama to sa plano. Pero bakit ganun...

"Oo ka ba o Hindi?"

"Syemper oo ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko naman syang ngumiti.

"So, pwede bang manligaw?" Tanong nya.

"Oo!" Sabi ko. Tinigil nya yung kotse saka bumaba. Nagtaka naman ako kung bakit kaya bumaba ako.

"Yes!! Pumayag sya!! Thank you lord!! Thank you!!" Sigaw nya. Habang may pasuntok suntok pa sa hangin.

"Hoy! Ano ba yang ginagawa mo! Tara na nga!" Sabi ko sa kanya. Sabay hila pero hindi sya nagpahila. Nakatayo lang sya doon at nakangiti.

"James ano ba ta-" Naputol yung sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin para yakapin ng mahigpit.

Wala akong magawa kaya yinakap ko na lang din sya. Humiwalay sya ng may ngiti sa labi.

"Thank you dahil sinagot mo ako. Hindi ako naniniwala sa promises kaya gagawin ko na lang lahat para makuha ko yung oo mo para maging girlfriend ko." Sabi nya sabay halik sa noo ko. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

The next day...

Nagising ako dahil nag ring yung phone ko. Kinuha ko iyon sa side table ko. Di na tinignan kung sino yung tumatawag basta sinagot ko na lang.

"Hello" Sabi ko habang humihikab.

(Sorry. Did i wake you up early? Sorry.) Sabi ni James.

"Ok lang. Bat ka ba napatawag ng kaganito kaaga?"

(Gusto ko lang na boses ko agad ang maririnig mo saka gusto ko ako maging alarm clock mo. Pwede ba?)

"Oo naman. Atsaka ako din naman eh. Gusto ko boses mo agad maririnig ko. So, ito na pala start ng panliligaw mo. Infairness, napangiti mo ko agad."

(Ganun ba. Sige na maligo ka na.)

"Opo ito na. Bye!"

(Bye.)

Sabi nya sabay baba ng phone. Tumayo na ako ng may ngiti sa aking mga labi. Pumunta muna ako ng banyo para makapaghilamos.

Tapos kong maghilamos bumaba na ako para makapag almusal.

Nakita ko si Leen na may katext. Tapos si Ley nagluluto ng almusal. Si Thea naman nagtitimpla ng hot choco namin.

"Good morning guys!!" Sabi ko.

"Morning! Ganda gising ha!" Sabi ni Thea sabay lapag ng hot chocolate namin.

"Maganda talaga. Hoy Leen! Mamaya na yan!" Sabi ko. Pano ba naman kasi ngiting ngiti habang nakatingin sa cp nya.

"Opo MAMA!" Sabi nya sa akin sabay tawa.

"Tama na yan oh kain na." Sabi ni Ley sabay lapag ng pancakes. Yum ang sarap nito.

"Teka nga! Leen san ka galing? Bat nawala kayo ni Steven kagabi ha?!" Sabi ni Thea. Bigla naman tumili si Leen.

"Hoy ano bang nangyari ha?!" Tanong ko sabay subo ng pancakes.

"Kasi si Steven... nanliligaw na sya!!!" Tili nya. Nasamid naman si Ley.

"Ley ok ka lang?" Tumango naman sya.

"Back to you ulit. Pano nangyari?" Sabi ko.

"Basta nangyari sya!" Sabi nya.

"Ok. Ikaw na may manliligaw." Sabi ni Thea. Sabay higop ng hot chocolate.

"Actually ako den. Kagabi lang." Sabi ko. Sabay naman tumili si Thea at Leen. Anyari??

"Kayo na mahaba buhok. Kayo na may manliligaw!" Sabi ni Thea.

"Wag kang mainggit. Malay mo si Ej mamaya." Sabi ni Ley. Tumawa na lang kami kasi sumimangot sya.

Nauna akong umakyat para makapagayos na.

Matapos kong gawin lahat ng dapat gawin. Bumaba na ako.

Nakita ko naman yung tatlo. Lumabas kami pero natigil din. Dahil merong dalawang pogi na nakasandal sa kanilang kotse.

"Good morning!!" Sabay na bati nila.

"Morning. Ano ginagawa nyo dito?" Tanong ni Ley.

"Susunduin ko lang ang magandang nililigawan. Pwede ko na ba syang hiramin?" Sabi ni Steven.

"Ako den. Susunduin ko lang den ang sunshine ko. Pwede na ba syang mahiram?" Tanong naman ni James tapos kumindat pa sa akin. Nako! Wag kang ganyan baka hamatayin ako.

"Sure kahit wag nyo ng ibalik eh." Sabi naman ni Thea.

So, ayun doon ako sumakay kay James tapos si Leen kay Steven.

Tapos sila Ley naman magpapahatid na lang daw kay manong.

"Ano to araw araw na?" Pabiro kong tanong.

"Oo." Sabi nya sabay paandar ng kotse nya.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now