Chapter 48-I Love You

1.9K 66 5
                                    

Ley POV

Nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan makikita mo yung kalangitan. Maaliwalas na lugar.Hindi ko alam kung bat nandito ako.

Basta ang alam ko gusto kong isipin ang mga nangyari ngayon sa amin.

Simula ng makilala namin ang boys hanggang sa nag kandaligawan na.

Iniisip ko kasing parang nawawala na lahat sa plano namin. Parang yung pinapakita namin ay totoo na.

Nung sinabi ni Beatrice na umamin kami parang napaisip ako. Ito ba talaga ang gusto namin? Ito ba yung kailangan namin para sumaya kami?

Ang paglaruan ang mga lalaki. Makita silang madurog at masaktan. Yun ba ang gusto namin?

Kaya lang naman kami ganito dahil sa mga ex namin eh. Kung hindi nila kami niloko hindi kami ganito. Huminga ako ng malalim saka kinuha yung phone kong naka off kanina. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mensahe galing kay Cyrus. At naka ilang missed calls na rin.

Ito pa ang isang iniisip ko. Si Tingting. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko sa kanya.

Simula kasi nung nag kiss kami parang may nag iba.

Yung dating cold hearted girl na si Leyanne ay unting unting lumambot.

Yung mga side na dapat sila Thea lang nakakakita parang pati sa kanya pinakikita ko.

Natauhan ako ng bigla na namang tumunog yung phone ko. Si tingting. Sinagot kp ito.

"Thank God! Sinagot mo din! Nasaan ka ba? Bakit wala ka pa sa apartment nyo? Bakit hindi mo man lang sinasagot yung tawag ko yung messages ko bakit hindi ka nagrereply?! Nasan ka ba? Tell me pupuntahan kita?!"

Facepalm. Ano tatay lang ang peg? Daig pa sila Tine kung sumbatan ako! Ano ako bata! Naglayas ganon!

"Pwede ba huminahon ka! Ok lang ako uuwi na ako ok?"

"No! Text mo sa akin kung nasaan ka! Bye!" Sabi nya. Tignan mo to! Babaan ba naman ako!

Tinext ko na sakanya kung nasaan ako. Naalala ko na kung nasaan ako. Dito yung tambayan namin. Nung elementary days. Nag papadrive kami sa drivers namin makapunta lang dito.

Ilang minutes lang nandito na si Tingting.

Umayos ako ng tayo dahil nakasandal ako sa kotse ko..

0_0 Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Grabe pinag alala mo ako! Wag mo na ulit gagawin yun! Magsabi ka kung nasaan ka! Kaya nga naimbeto ang cellphone para macontact ang tao!" Sermon nya sa akin habang yakap ako.

Shock pa rin ako. Dapat kanina ko pa sya sinuntok pero bakit ganon... parang... namiss ko din sya??

Humiwalay naman sya tapos tumingin sa mga mata ko.

Hindi ko alam pero parang malungkot sya na may bahid ng pag alala.

"Sa susunod mag text ka muna sa akin kung saan ka pupunta o nasaan ka." Mahinahon nyang sabi.

"Teka nga! Bakit parang ang OA mo! Hello! Hindi na ako bata! May utak ako kaya alam ko ginagawa ko! At alam ko rin kung kailan ko guatong umuwi! Atsaka parang tatay ka kung magsalita ha!" Sabi ko sa kanya. Hindi sya kumibo bagkus ay lumapit lang ng kaunti at sinabi ang salitang...

"I LOVE YOU!"

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now