Chapter 62-Flight Day

1.9K 51 7
                                    

James POV

(San ka na?) Tanong ni Steven sa kabilang linya.

"Nasa entrance na." Sabi ko habang nilalagay sa scanner yung backpack at maleta ko.

(Hintayin kita dito sa waiting area.) Sabi nya sa kabilang linya sabay baba ng phone. Ibinulsa ko na yung phone ko saka kinuha sa scanner yung mga gamit ko.

Ng makuha ko, agad akong naglakad papunta sa waiting area. Agad ko naman nakita si Steven.

"Bro!" Tawag ko agad naman nya akong nilingon.

"Oh bro!" Bati saka nakipag apir sa akin.

"Saan na sila? Ikaw palang?" Tanong ko.

"Papunta na daw sila Ej at Cyrus. Yung iba di ko alam kung nasaan na sila. Tapos si Ate Andy-" Natigil sa pagsasalita si Steven ng biglang may tumakip sa mga mata nya.

"Who's me?" Sabi ng babaeng tinakpan ang nga mata ni Steven. Sa malambing na tono.

"Aubry." Sabi naman ni Steven ng may ngiti sa labi.

"Ahahaha! Lagi mo na lang nahuhulaan! Madaya ka!" Sabi ng babae habang tinatanggal ang mga kamay.

"Madaya? Saan madaya doon? Di ba pwedeng alam ko lang talaga yung boses mo?" Saka lumingon si Steven para makita yung babae.

"Hahaaha! Oo na ikaw na magaling!" Sabi ng babae habang kinukurot ang mga pisngi ni Steven. Ano ba yan! Di ba nila alam na may kasama sila? Ito lang ako oh! Nandito lang!

Ng hindi pa sila tumigil sa paglalambingan ay tumikhim na ako.

"Oh may kasama ka pala!" Puna ng babae.

"Sorry bro nakalimuta na kita hahaha! Bro si Aubry nga pala girlfriend ko. Aubry si James bestfriend ko." Pakilala sa amin ni Steven. Agad ko naman nilahad ang kamay ko.

"Nice to meet you!" Nakangiti kong sabi.
Inabot nya rin ang nakalahad ko kamay.

"Nice to meet you too!" Sabi nya.

"Ano nga pala ginagawa mo dito? Saka bakit may maleta kang dala?" Tanong ni Steven kay Aubry habang nakatingin sa maleta nyang kulay yellow.

"Sasama sayo." Sabi ni Aubry habang nakangiti.

"What?!" Sabay na sabi namin ni Steven.

"Why? Bawal ba?"

"Hindi naman sa bawal. Kasi... Di alam ni Ate Andy na sasama ka. Saka wala akong nabanggit sa kanya." Malumanay na sabi ni Steven.

"But I want to be with you! (pout) Please!!! Promise behave lang ako doon!" Sabi ni Aubry. Nagkatinginan naman kami ni Steven.

"Eh pano mo nalaman na ngayon kami aalis?" Tanong ko naman.

"Hehehe!!! I just know!"

"Pano nga?" Tanong ni Steven.

"Kasi... Promise me muna that you won't get mad?" Sabi ni Aubry.

"Aubry..."

"Ok! Ok! Nakita ko yung message sayo ni Cyrus. Na ngayon yung flight nyo. Kaya na curious ako, pumunta ako. Di mo naman kasi sinabi sa akin na aalis ka. Kaya sumunod ako dito. Please don't get mad!" Parang bata na sabi ni Aubry.

"Ok. Di ako galit. Hmmmm... Tignan natin kung papayag si Ate Andy." Sabi ni Steven na tumingin sa akin.

"Don't worry bro. Papayag yun. Mabait naman si Ate. Saka pagkakataon na rin to para mas lalo namin makilala si Aubry." Sabi ko sa kanya. Tumango lang sya.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now