Chapter 69- Awake

1.9K 57 2
                                    

Steven POV

Nasasaktan? Ano bang ibigsabihin mo Ley? Ako mahal ni Leen? Kelen pa? Diba pinaglaruan nyo lang kami?

Maraming tanong ang gusto kong masagot. Dahil di ko alam kung anong gagawin ko. Gulong gulo ako.

Sinapo ko ang noo ko at mariin akong pumikit.

Si Leen lang makakasagot sa akin.

"Steven..."

Agad akong napamulat ng mata saka tumingin sa nakahigang si Leen. Mulat na ang mga mata nito at nakatingin sa akin.

"Leen!" Sabi ko sabay lapit sa kanya. Kahit nakamulat na ang mga mata nya at nakangiti ng kaunti mahahalata mo pa ring nanghihina sya.

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? May nararamdaman ka bang kakaiba? May gusto ka ba? Teka tatawagin ko lang ang doktor." Akmang aalis na ako sa tabi nya ng biglang hinawakan nya ang kamay ko.

"Wag. Wag mokong iiwan. Dito. Dito ka lang please." Nanghihinang sabi nya.

"Pero kailangan kang macheck ng doktor." Sabi ko.

"Please. Dito ka lang. Please." Nanghihinang sabi nya. Wala na akong magawa kaya kinuha ko ang maliit na upuan saka umupo. Hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa akin saka tinignan sya sa mata.

Sya naman tumingin din sa akin. Parang may gusto syang sabihin. Pero binalewala ko yun at nagtanong sa kanya.

"May gusto sana akong itanong sayo. Masasagot mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Totoo ba? Totoo bang mahal mo ako?" Tanong ko sa kanya. Yung kaninang kamay nyang nakahawak sa akin ay unti unti nya itong tinanggal. Kung kanina nakangiti sya ngayon ay parang maiiyak sya.

Dahan dahan syang bumangon para makaupo kaya inalalayan ko sya. Ng makaupo sya ay hinawakan nya ang mukha ko.

"Oo mahal kita." Naiiyak na sabi nya.

"Pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan na naman. Alam kong huli na para sabihin sayo to pero, kada araw na naiisip kita ang sakit. Lalo na nung unang pagkikita natin. Kala ko kaya na kitang harapin, kaya ko ng makipagusap sayo ng hindi ako kinakabahan pero ang sakit pa rin." Sabi nya habang ang mga luha nya ay patuloy na umaagos.

"Nagdagdagan yung sakit ng dumating sa punto na pinakilala mo si Aubry. Nakakakatawang isipin na yung dating tinuring kong kapatid ay ngayon mahal na ng mahal ko." Maluha luha nyang sabi. Naguguluhan kong tinanggal ang mga kamay sa mukha ko saka nagtanong.

"Si Aubry? Anong tinuring mo syang kapatid?"

Ngumiti sya ng pilit saka nagsalita.

"Kapatid sya ng ex ko. Yung ex kong niloko ako. Pinaglaruan at sinayang."
Sabi nya.

"2 years ago. Sasabihin na sana namin sainyo ang totoo kaso naunhan nyo kami. Mas pinili nyo kasing paniwalaan na laro lang yun. Hindi nyo kami pinagpaliwanag. Hindi ko alam na yung puntong yun ay pinaplano na namin na sabihin sainyo ang totoo. Maniwala ka sa hindi lahat ng pinakita ko sayo noon. Lahat yun totoo. Handa na akong sagutin ka eh. Kaso ayun nga nangyari ang di dapat mangyari."

"Ilang gabi kaming nagbabad sa alak. Ilang unan ko ang nabasa ko dahil sa kakaiyak. Ang sakit. Iniisip ko pa nga lang na baka may iba ka na. Sobra sobra na ang sakit." At doon umiyak ulit sya.

Ito ba yung pinupunto ni Ley? Ito na ba ang sagot sa mga tanong ko?

"Sorry kung nasaktan kita noon. Sorry kung ngayon ko lang to sinasabi. Sorry Steven... Sorry Boo..." Sabi nya habang patuloy pa rin ang agos ng luha nya.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now