Chapter 30-Secret Admirer

2.2K 72 3
                                    

Thea POV

Nandito na kami sa kotse. Dalawa lang kami ni Ley kasi yung dalawa may mga sundo na.

Nag sound trip na lang ako since si Ley naka headset kaya ako din.

Pumuli ako ng kanta sa cp ko. Tapos pinindot ko yun at tumingin na lang sa labas.

Tinanggal ko din yun ng dumating kami sa Academy. Sabay kaming bumaba ni Ley at sabay na pumunta sa room.

Pagpunta namin doon nagulat ako kasi yung upuan ko may red rose at chocolate. Tinignan ko naman si Ley. Kaso busy ata dahil mukhang may ka text.

Tinignan ko naman sila Ej. Silang dalawa pa lang kasi ni Cyrus ang nandito. Kaso busy din sya sa cp nya.

Kaya kinuha ko yung red rose at chocolate. May nakita akong note doon sa chocolate.

Nakasulat lang dito ay " hi Althea good morning".

Pero hindi nakasulat kung kanino galing.

"Kanino galing?" Tanong ni Ley na ngayon tapos na sa ginagawa nya.

"Walang nakasulat eh! Good morning lang." Sabi ko sabay upo. Pinagmasdan ko ulit yung red rose. Ang ganda kasi eh parang bagong pitas.

"Secret admirer?" Tanong nya sabay upo.

"Maybe..." Sabi ko. Tapos tinignan ko naman yung chocolate. Pano nya nalaman na ito ang favorite chocolate ko?

Natigil ako sa katitig sa chocolate ng biglang nagsalita si Leen.

"Baka matunaw Thea di mo pa nga nakakain." Natatawang sabi ni Leen.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Kanino ba kasi galing yan ha?" Tanong ni Tine habang papunta sa upuan nya.

"Di ko alam. Nakita ko lang na nandito sa upuan ko eh. Tapos naglagay nga ng note pero good morning lang pero wala naman nakasabi kung kanino." Sabi ko sabay bukas ng chocolate. Natakam kasi ako eh.

"Nako may secret admirer si Althea." Biglang sabat ni James.

"Feeling ko kilala ko sya?" Sabi naman ni Steven.

"Weh! Sino?" Tanong ni Leen.

"Kaya nga secret kasi bawal sabihin diba." Sabat naman ni Ej.

"Sabagay." Sangayon ko.

Dumating na yung teacher namin kaya tinago ko na lang yung natirang chocolate.

"Ok class before we start our class, gusto ko lang malaman nyo na nakapaskil na sa bulletin board yung mga sports na pwede nyong salihan. Hintayin nyo na lang ang announcement kung saan kayo pwede magpapalista." Sabi ng teacher namin. Saka sya nagumpisa sa pagtuturo.

=Breaktime=

Nandito kaming dalawa ni Ley sa office namin. Kasi yung dalawa kasama yung mga manliligaw nila.

Si Ley kumakain ng pizza na pina deliver nya. Ako naman ito naka titig na naman doon sa red rose. Kanino kaya  galing to? Kilala ko kaya sya? Gwapo kaya sya? Yan yung mga tanong na gusto kong sagutin kaso hindi ko masagot dahil hindi ko namana alam yung sagot.

"Alam mo matutunaw na yang red rose mo." Sabi ni Ley habang kumakain. Hindi ko sya kinibo. Titig pa rin ako sa red rose.

Natigilan lang ako ng may biglang nagbukas ng pinto.

"Hoy! Mga bakla! Bakit nyo iniiwan ang pagkain sa lapag. Tapos sa labas pa." Sabi ni Andrea.

"Wala naman kaming iniwan ha!" Sabi ko sa kanya.

"Anong wala eh ano to?!" Sabi ni Andrea sabay lapag ng paper bag.

Nagtaka naman ako kaya binuksan ko iyon. Bumungad sa akin ang isang sulat.

Hi Althea, sana magustuhan mo to. Ako nagluto nito. Nalaman ko kasing mahilig ka sa kimchi. Kumain ka ng madami.

"Ay! Taray! May secret admirer ka Thea." Sabi ni bakla na nasa likod ko lang at nakikibasa.

"Pano nya nalaman na kimchi ang gusto mo Thea?" Tanong naman ni Ley.

"Sabi nya nalaman nya lang daw eh." Sabi ko. Kinuha ko yung kimchi at tinignan kong masarap.

Hindi lang sya masarap sobrang sarap.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now