Chapter 16-Friend Request

2.8K 89 1
                                    

Ej POV

Nandito kami ngayon sa office nila Althea.

Kasama din namin ang kaibigan nila na si Andrea.

"Naku! Pag nakita ko talaga nyang Beatrice na yan baka kalbuhin ko yan. Hanggang sa matanggal yung mismong anit nya." Sabi ni Andrea na ngayon umiinom ng C2.

"Tama na Andrea. Tapos na. Ang kailangan natin ngayong gawain magamot tong sugat ni Ley." Sabi ni Althea habang kinukuha yung first aid kit.

"Sa tingin nyo, makakarating kaya to sa magulang natin?" Tanong ni Ailleen.

"Sa tingin ko alam na nila." Sabi Christine habang hawak ang phone nya.

"Paano?" Tanong naman ni Ailleen.

"Pinapunta nila tayo sa restaurant nyo Thea." Sabi ni Christine kay Althea.

"Anong oras daw?" Tanong naman ni Ailleen.

"Mamaya daw. Ok ka na Ley?" Tanong ni Christine kay Leyanne.

"Ok na ako. Inaantok lang." Sabi ni Leyanne.

"Sige balik na din kami sa classroom. Para makapagpahinga na si Leyanne." Paalam naman ni Steven.

Tumango lang sila kaya lumabas na kaming apat.

Pagbalik ng room, usap usapan nila ngayon yung nangyari kanina.

"Grabe nakakatakot talaga magalit si Leyanne!"

"Hindi lang si Leyanne pati rin si Christine!"

"Nakakatakot talaga magbanta ang royal 4. Sana matauhan na si
Beatrice."

"At sana manahimik na sya."

Royal 4? Sila Althea? Paano?

Natigil naman ang usap usapan ng dumating na ang teacher namin.

Natapos ang buong klase. Pero usap usapan pa rin ang nangyari kanina.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo ha!" Sabi sa akin ni James.

"Wala. Nagiisip lang."

"Ano naman yun?" Tanong naman ni Steven.

"Wala tara na. Nagugutom na ako."
Sabi ko. Sumunod naman sila.

Pumunta kami sa isang fastfood chain. Malapit lang ito sa condo ni Cyrus. Pagkatapos kasi naming kumain, doon muna kami tatambay.

"Inuman mamaya?" Tanong ni Steven.

"Hoy! Anong inuman? Uubusin nyo na naman yung stocks ko ng canned beer. Walang inuman na mamaganap." Sabi ni Cyrus habang nakatingin ng masama kay Steven.

"Wag ka ngang kj Cyrus Zyan Park!! Parang beer lang eh! Akala ko ba mayaman ka? Ba't dika makabili ng marami?" Tanong ko sa kanya.

"Haist! Bahala nga kayo. Basta wag kayong magkalat! Mahirap maglinis! Lalo't pa kayo ang magkakalat!" Nakasimangot na sabi ni Cyrus.

"Opo hindi po kami magkakalat!" Sarcastic na sabi ni James habang nakangiti na parang may plano.

"Hoy! James wag kang ngumiti ng ganyan. Alam kong sasamantalahin mo yung mga branded kong mga t-shirt! Pati rin yung sapatos ko!" Inis na sabi ni Cyrus kay James.

"Parang hihiramin lang! Ang damot mo!" Naka pout nyang sabi.

"Hoy! Hindi gagana nyang pa cute mo sa akin James! Kaya manahimik ka!" Inis na sabi ni Cyrus.

"Alam nyo para kayong mga bata! Gamit na nga lang pinagaawayan nyo pa!" Sabi ko. Sinamaan naman nila ako ng tingin.

"What!? I was just stating the obvious!" Sabi ko. Sinamaan naman nila ako ng tingin. Kaya tinuon ko nalang  ang atensyon ko sa inorder kong pagkain.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa unit ni Cyrus.

Umupo ako sa sofa at nilabas ang cellphone ko.

Si Cy naman pumunta ng kwarto. At yung dalawa pumunta sa kusina para kumuha ng beer.

Nag open ako sa facebook account ko. Tignan mo nga naman! Ang daming friend request, messages, at yung iba notification. Ang gwapo ko talaga!

Tingnan ko muna yung friend request. Yung iba kilala ko tapos yung iba naman hindi.

Sa messages naman. Iba galing sa fling ko. Iba galing sa mga dati kong kaibigan.

Sa notification naman. Puro tag pictures ko lang naman. Kasi nga gwapo ako. Hahahaha!!

Pumunta naman ako sa news feed. Mga post lang naman nila James at Steven to.

Meron pang nalalaman na #bakitanggwapoko?? O di kaya ganito #anghirapmaginggwapo.

Minsan naiisip ko mga baliw tong mga kaibigan ko.  Buti pa si Cyrus wala masyadong post.

May naisip naman ako bigla. Kaya hinanap ko.

At ng mahanap ko tinignan ko agad ang profile nya.

Maganda. Sobrang ganda. Nagpadala agad ako ng friend request sa kanya since open sya.

Wala pang isang minuto ng i-accept nya ang friend request ko. Nag message naman ako sa kanya.

Me: Hi!

Althea: Hello.

Me: Kamusta yung lakad nyo kanina?

Althea: Ok na kami. Medyo napagalitan lang naman. Pero ok na.

Me: Ganun ba. Papasok kayo bukas?

Althea:  Kaming tatlo lang. Ayaw ni Ley pumasok.

Me: So, maiiwan sya dyan sa apartment nyo?

Althea: Oo.

Me: Ganun ba. Sige matulog ka na. Anong oras na.

Althea: Ikaw den. Bye.

Me: Bye. Sweet dreams.

At doon na natapos ang paguusap namin.

"Hoy! Labi mo punit na kakangiti!" Sigaw sa akin ni James sabay bato sa akin ng unan na maliit.

"Aray! Manahimik ka nga!" Sabi sabay bato sa kanya ng unan.

"Sino ba kasi yun at todo ngiti ka? Fling mo ba at niyaya ka?" Taas babang kilay na tanong ni Steven.

"Si Althea lang. Kinamusta ko lang."

"Papasok ba daw bukas sila?" Tanong ni Steven. Tignan mo to halata na gustong gusto makita si Ailleen.

"Oo nga. Ano sabi nila?" Pati ba naman si James. Mukhang malakas tama ng dalawang to.

"Oo papasok daw sila. Kaso... si Leyanne hindi." Bigla naman dumating si Cyrus na naka pagbihis na.

"Sino hindi papasok?" Tanong nito sabay upo.

"Si Leyanne daw Cy." Sab ni James.

"Bakit daw? Dahil ba to sa nangyari?" Tanong naman ni Steven.

"Siguro."

"So, maiiwan magisa doon sa apartment nila si Leyanne." Tanong naman ni James.

"Oo daw." Agad naman tumingin yung dalawa kay Cyrus.

"Bakit kayo ganyan makatingin?" Tanong ni Cy.

"Kung puntahan mo kaya si Leyanne doon?" Tanong ni Steven.

"Ayoko." Cold nitong sabi.

"Ayaw mo. Pano mo ibabalik yung headset nya? Diba na sayo yun?" Tanong naman ni James.
Bigla naman nag walk out si Cyrus.
Anong nangyari doon.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now