Chapter 9-TFBG

3.2K 108 2
                                    

Thea POV

Nandito kami ni Leen, nanonood ng anime. Si Tine nandoon sa kwarto nya naghahanda na ata. Anong oras na rin kasi. Narinig namin nag bukas ang pinto kaya tumingin kami. Si Ley pala.

"Kamusta savings mo Ley?" Natatawang sabi ni Leen. Kaya tumawa na rin ako.

"Aish! Tama na nga! San si Tine?" Tanong nya sabay upo.

"Nandoon sa kwarto nya naghahanda na ata." Sabi ko.

Bigla naman ng vibrate yung cp ni Leen. Tinignan namin sya at nakangiti ang babaita. Ano kaya yun?

"Who's that? And what's with the smile?" Tanong ko.

"Si Steven. Susunduin na lang daw nila tayo. May van daw kasi sila." Ngiting sabi nya.

"At kelan nya pa alam ang number mo?" Takang tanong ni Ley.

"Kanina lang hiningi nya. Nahiya pa nga. Sige na magbibihis pa ako." Sabi nya sabay akyat sa taas.

"Ako din Ley." Sabi ko saka umakyat sa kwarto ko.

Bago ako maligo hinanda ko muna yung susuotin ko. Napili ko ay shorts short, fitted shirt na black, at high heels na 3 inch ang haba.

Ng matapos na akong maghanda ng susuotin ko pumasok na ako ng banyo at saka naligo na.

Matapos kong maligo sinuot ko na ang mga napili ko. Naglagay din ako ng make up pero light lang. Lip gloss, powder, at eye liner lang.

Kinuha ko din ang sling bag ko at inilagay doon ang wallet at cellphone ko.

Paglabas ko ay syang ding labas ng tatlo.

"Nagusap usap ba tayo ng susuotin natin?" Natatawang sabi ni Tine.

Pano ba naman kasi, pare pareho kami ng suot. Pare pareho kaming na ka short, pare pareho ng makeup, at pare pareho ng shirt. Pero sa sapatos kaming tatlo lang ang magkapareho, kasi si Ley naka sneakers at naka jacket.

"Mukhang pare parehas tayo ng pag iisip hahaahha!!" Natatawang sabi ni Ley.

"Tara hintayin natin sila!" Sabi ni Leen atsaka kami sabay sabay bumaba.

Sa pagbaba namin ay narinig namin na may kumkatok.

"Sila na ata yan." Sabi ko.

"Oo nga! Tara salubungin natin." Sabi ni Leen.

Kaya lumapit kami sa pintuan. Pagkabukas namin, nakita namin sila nakangiti.

Ang po pogi nila. Lahat sila naka jeans at naka polo pero hindi sila pare pareho ng kulay.

Si James na kulay white, kulay gray naman kay Steven, black kay Cyrus at dark red kay Ej.

"Tara?" Sabi ni Ej.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now