Chapter 17-Stalker

2.6K 80 1
                                    

Leen POV

Nandito na kami ngayon sa apartment namin. At tapos na rin kami pagalitan ng mga magulang namin.

"Bwesit na Beatrice na yan! Dahil sa kanya muntik pa tayo mawalan ng allowance!" Iritang sabi ni Tine. Tama sya. Dahil sa Beatrice na yun muntik na madamay ang allowance naming apat.

"Tine tama na. Tapos na atleast naka ganti na tayo." Sabi ni Ley na ngayon nakahiga sa sofa.

"Pero hindi pa rin sapat yun! Sa susunod kalabanin tayo ulit ni Beatrice, totohanin ko na talaga yung sinabi ko!" Inis na sabi ni Tine.

"Kalma lang Tine. Puso mo." Sabi ko ng natatawa.

"Naku talaga." Sabi nya.

Nakita ko naman si Thea hawak phone nya at pangiti ngiti pa ang babaita.

"Sa tingin ko bukas wala ng labi si Thea." Sabi ko. Napatingin naman yung dalawa sa akin.

"Bakit?" Tanong nila. Tinuro ko si Thea gamit yung nguso ko. Bigla namang tumayo si Tine at tinignan yung phone ni Thea. Para malaman namin kung bakit sya ngiting ngiti.

Ng makita nya agad syang tumingin sa amin ni Ley at ngumisi. Na curious naman kami ni Ley atsaka tumayo papunta sa tabi ni Tine.

At doon nga nakita namin yung conversation nila. May pa good night pang nalalaman. At meron pang sweet dreams. Tignan mo nga naman. Mukhang nagliligawan na ata sila.

Tahimik lang kami sa likod. Tapos na sila mag chat at itong si Thea mukhang stalker. Kasi tinitignan nya lahat ng photos ni Ej. Yup, si Ej yung kausap niya kanina. Nagkatinginan naman kaming tatlo at tumawa ng mahina.

Binalik ulit namin ang atensyon namin sa ginagawa ni Thea. Nakita namin syang naglike sa isang photo ni Ej na topless lang tapos na ka shade. Mukhang stolen kasi sa iba nakatingin si Ej. At naka smile na napaka cute.

Agad naman nanlaki yung mga mata namin ng biglang isave nya sa gallery yung shot na yun. Tapos pinatay nya yung cp nya. Hindi nya parin alam na nandito kami sa likod nya.

Kaya kinalabit na namin sya. At gulat syang lumingon na namumula yung mga pisngi.

"Kanina pa kayo dyan?" Tanong nya namumula pa rin sya dahil sa hiya.

"Oo. At nakita namin yon." Sabi namin sabay turo sa phone nya. Agad naman nya iyon tinago.

"Ayun ba. Wala yun. Sige akyat na ako." Sabi nya sabay akyat sa kwarto nya.

Napailing na lang kami saka umupo.

"Sigurado ka bang hindi ka papasok Ley?" Tanong ko.

"Oo. Atsaka ayoko din muna makita yung Cyrus na yun." Sabi nya.

"Bakit? Dahil ba na sakanya yung headset mo?" Tanong naman ni Tine.

"Oo. At hanggang ngayon naiinis pa rin ako." Sabi ni Ley

"Ang boring dito. Labas tayo. Bili tayo canned beer sa convenient store." Sabi ni Tine.

"Medyo malayo dito yung convenience store. Doon ata yun sa tapat ng isang condo."
Sabi ni Ley.

"Edi gamitin natin kotse mo Ley. Tinatamad ako mag drive." Sabi ko.

"Oo nga Ley. Wala din ako sa mood eh." Sabi din ni Tine.

"Oo na. Si Thea sasama ba yun." Tanong nya. Sakto naman na bumaba si Thea at papunta sa kusina.

"San kayo punta?" Tanong ni Thea.

"Bibili lang. Ano sama ka?" Tanong ko.

Tumango naman sya. Kaya lumabas na kami at pumunta sa kotse ni Ley.

Habang nag da drive si Ley bigla naman tumunog cp nya.

"Pasagot nga." Tumango naman ako tutal ako ang katabi nya. Pinindot ko ang answer at nilagay ito sa loud speaker.

(Mapapasakin ka ulit Leyanne. Tandaan mo yan.) Sabi ng nasa kabilang linya at binabaan na kami.

"Haist! Bwesit talaga ng Carl yun." Naiinis na sabi ni Ley. Hindi na lang namin pinansin.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon