Chapter 38-Alexandra

2.2K 53 1
                                    

Andrea/Andrei POV

Spell PDA. Hawakan ng kamay, subuan ng pagkain, batuhan ng pick up lines, at akbayan.

Yan ang sitwasyon ng anim na nasa harap naming tatlo. Tatlo means ako, si Ley at si Cyrus. At alam nyo naman siguro kung sino sino yung tinutukoy kong mga PDA.

Nasa harap namin sila. Kami naman nakatingin lang sa mga sweetness nila. Hindi na ko naka tiis at tumayo na.

"Grabe nilalanggam na ako. Makaalis na nga at hahanapin ko pa si fafa Keizer!" Sabi ko sabay walk out.

Pumunta ako sa field kung saan nag papratice sila. Umupo muna ako, pero di nagtagal may sumingit.

"Alam mo wag ka ng umasa. Masasaktan ka lang." Sabi ni Alex. BTW, tomboy po sya at kababata ko rin. At kababata din nya sila Ley.

"Alam mo, pakielamera ka talagang tomboy ka!"

"Hoy! Makatomboy ka naman. Eh ikaw nga bakla eh!"

"Alam mo kung magiinis ka lang doon ka na lang pwede." Sabi ko sabay tingin sa field. Hala! Wala na sya. Saan na kaya sya?

"Ayun yung hinahanap mo oh!" Sabi ni Alex sabay turo sa dalawang tao. Si Keizer yun at si impaktang Beatrice. At mukhang lalandiin ni impakta ang fafa ko. Sumimangot na lang ako.

"Oh ano! Sabi ko kasi sayo sumuko ka na eh! Yan tuloy napala mo. Alam mo tara na puntahan na lang natin yung Royal 4. Namimiss ka na kasi sila eh." Sabi nya sabay hila sa akin. Malapit si Alex kila Ley. Kaya lang naman nya hindi nakikita sila Ley kasi magkaiba sila ng building.

Nagpadala na lang ako sa kanya. Bwesit! Oo alam kong player si Keizer. Pero bakit doon pa sya papatol sa whore na yun nakakainis lang.

Alex/Alexandra POV

Hi! I'm Alexandra Mae Reyes. Alex for short. Oo tomboy ako pero wag ka may crush ako. Kahit ganito ako pusong babae pa rin noh. Kaya lang naman ako tinatawag na tomboy kasi kung manamit ako parang lalaki. Pero ok lang. Ayaw ko kasi ilabas yung pagiging sexy ko. Mahirap na. I'm 18 years old.

Naglalakad kami ni bakla sa canteen nandoon daw kasi yung Royal 4. Oo, malapit ako sa kanila. Kasi kababata ko sila dati.

Narating namin ang canteen atsaka hinanap ng mga mata ko yung table ng Royal 4. Ayun! Nakita ko din.

May mga kasama nga lang lalaki. Wait! Boyfriend kaya nila? Dami ko ng namiss na balita tungkol sa kanila. Kung pwede lang magpalipat ng building para makasama ko sila.

Tumakbo ako at dinamba si Ley. Nagbabasa kasi sya. Alam ko maiinis sya pero wafakels.

"Beb!!! Namiss ko kayo!!!" Sigaw ko habang dinadamba si Ley. I'm sure inis na to.

"F*ck! Alex! Masakit!" Daing ni Ley.

Agad naman ako tinigil ang pag damba sa kanya at yinakap sila Tine, Leen, at Thea.

"Namiss ka din namin Alex! Tomboy pa rin ang peg natin ha!" Biro sa akin ni Leen.

"Hehehehe!" Sabi ko sabay upo katabi si Andrea na nakabusangot pa rin.

"So, ano na ganap guys? Kamusta kayo? Oh! Wait! Di pa pala ako nagpapakilala sa mga kasama nyo. BTW, i'm Alex Reyes. Childhood friends ko sila. Nice meeting you!" Sabi ko sabay wave. Nag wave din sila at nagpakilala.

"Hi i'm James!" Sabi ng nung isa. Katabi sya ni Tine. Infairness cute sya.

"Steven!" Sabi nung isa. Gwapo. Katabi sya ni Leen.

"Ej." Maikling sabi ng katabi ni Thea. Hot.

Hinantay ko yung isa. Lahat kami nakatingin sa kanya. Katabi sya ni Ley.

"Eh sya? Ano name nya?" Tanong ko habang nakaturo doon sa lalaki.

"Ting." Saad ni Ley. Medyo natawa ako dun.

"Ting? Ang unique ng name! Ano full name?" Sabi ko.

"Ting ting na walang ABS, na malandi slash playboy." Sabi ni Ley. Kaya lahat kami natawa. Tinignan ko naman yung Ting ayun mukhang hindi kami naririnig kasi naka headset.

"Astig! Ganda na ng name mo bro!" Tawang tawa na sabi ni Ej. Pero hindi sya pinansin. Tawa lang kami ng tawa.

Ayun, pagkatpos ng tawanan ayun kwentuhan naman tungkol sa mga buhay namin. Kung ano yung mga naganap these past few years.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon