Chapter 71- Beg

1.9K 54 4
                                    

Hey guys! I just want to say sorry dahil sa typos ko. Sorry kung may mga word na wrong spelling.

Tine POV

Busy ako sa paginom ng apple juice ng may biglang pumasok sa isip ko.

Hala! Nakalimutan ko! May kailangan nga pala akong bilhin!

Dali dali kong kinuha ang bag ko saka kumaripas ng takbo palabas ng hospital.

Waaaahhhhhh sana makaabot pa ako! Last chance ko na to!

Tutal malapit naman ang pupuntahan ko kaya tinakbo ko na.

Hingal na hingal akong nakarating sa shop. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Agad agad kong tinignan kung nasaan yun. At...

Bingo! Nahanap din kita.

Dali dali kong kinuha yung box ng mga lipstick.

"Buti na lang nakaabot pa ako. Grabe! Antagal kitang hinanap at dito lang pala kita makikita!" Sabi ko habang hawak yung box ng lipstick.

Antagal ko na kasing hinahanap tong lipstick na to. Palagi kasing sold out sa pinas eh. Buti na nga lang at nag search ako kung saan meron nito. At saktong nandito ako sa Korea at nandito rin ito. 

Kaya gustong gusto ko ang lipstick nito dahil ang gaganda ng shade. Tapos 3 pa yung laman. Sa isang box. Kahit sobrang mahal neto madami pa rin ang may gusto.

Binayaran ko na to at umalis na.

Pabalik na sana ako ng hospital ng may makita ako.

Wait! Si James ba yun? Sino kaya kausap nya?

Curious ako kaya lumapit ako sa kanya. Sakto umalis na rin yung babae. Nakatingin si James doon sa palayong babae kaya tinapik ko sya.

"Oii! Sino yun?"

Humarap sya sa akin. Yung ngiti nya kanina ay biglang naglaho. Parang nawalan sya ng gana. Pero kahit ganun sinagot nya pa rin ako.
"Friend."

"Aaahhh... sige una ako doon."

Sabi ko. Alam ko namang galit pa rin sya eh. Kaya hanggat napipigil ko itong pagkairita ko dahil sa inasal nya ngayon ay mas mabuti na maagapan ko. Tumalikod na ako sa kanya. Palakad na sana ako ng bigla syang magsalita ulit.

"Sabihin mo na sa akin. Please... "

Napatigil ako saka humarap sa kanya.

"Ha? Sabihin ang ano?"

Humakbang sya at hinawakan ang kamay ko.

"Totoo bang... minahal mo ako? Please sabihin mo sa akin ang totoo... Gulong gulo na ako... Please sabihin mo sa akin..." Nagmamakaawa ang tono nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

Nalaman na nya? Sinabi ma ba sa kanya ni Ej?

Pero kahit ganon tinago ko ang gulat ko at tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Anong bang pinagsasabi mo? Hay! Gutom lang yan! Sige na kumain ka na muna at ako babalik na doon." Sabi ko. Tumalikod na ulit ako at handa na sana maglakad pabalik ng bigla nya akong yinakap. Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko at doon sya umiyak.

"Oii James! Anong bang nagyayari sayo?" Tatangalin ko na sana yung mga kamay nyang nakayakap sa bewang ko at haharap sa kanya ng magsalita sya.

"Please *sob* say the truth... say that you love me... alam ko na yung totoo *sob* narinig ko sila Ej at Steven na naguusap... please... just say to me that you love me... that you not give up... please say to me that you always love me... please say the truth... please i'm begging you... i know that i hurt you... i know i cause you a lot of pain... please just say to me... that you love me..." iyak nya. Hindi ako nakapagsalita.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now