Chapter 18-Team Cyanne

2.6K 88 10
                                    

James POV

"Hoy! Wala ng beer!" Sigaw ko sa kanila.

"Edi bumuli ka! Tutal ikaw na nakapuna!" Sigaw sa akin ni Ej.

"Sige! Bibili ako pero sa akin lang yun. Walang mang hihingi." Banta ko sa kanila.

"Ito naman hindi mabiro. Tara bili ka na tapos pahingi ako ha!" Pa cute na sabi ni Ej. Tignan mo to. Sinabi ko lang ako ang bibili. Sasama na sya. Kapag talaga libre.

"Alam mo Ej, muntanga ka. Tara na nga. Sasama na rin ako. Libre mo yan James ha!" Pati ba naman ikaw Steven.

Palabas na sana kami ng biglang sumulpot si Cyrus.

"Hoy! Sino magaayos nito?! Aalis na kayo ha?!" Tanong nya.

"Ito naman. Bibili lang kami. Wala na kayang beer atsaka libre ni James eh. Diba James?" Nakangiting sabi ni Ej.

"Baliw! Anong libre? Akin lang yung bibilhin ko. Kayo bumili ng sarili nyo!" Sigaw ko sa kanya.

"Ito naman sige na!!! Libre mona kami!!" Childish na sabi ni Steven.

"Bahala kayo. Yan si Cyrus madaming pera yan." Turo ko kay Cyrus.

"Ako na naman nakita nyo!"
Sigaw ni Cyrus.

"Sige na babayaran naman kita." Sabi ni Steven.

"Oo na para magtigil na kayo." Sabi ni Cyrus saka lumabas para pumunta sa elevator. Sumunod na rin kami. At itong dalawa tuwang tuwa dahil ililibre sila.

Ng makababa kami, agad kaming dumeretso sa convenience store na katapat lang ng building na to.

Pagpasok namin agad kaming pumunta sa ref kung saan nakalagay yung mga canned beers. Kumuha kami ng ilan tapos dumiretso naman ako sa mga chips.

Kumuha ako ng malalaking chips. Tapos pumunta na ako sa cashier kung saan andoon yung tatlo.

Habang nagbabayad kami narinig naman tumunog yung pinto at may pumasok. Doon nakita ko sina Christine, Ailleen, Althea. Agad ko namang tinapik silang tatlo at itinuro sila Christine. Agad naman sila tumingin.

"Christine!" Tawag ko sa kay Christine. Agad naman silang tumingin. Kaya kumaway ako sa kanila. Lumapit naman ako sa kanila.

"Oh James! Ba't nandito kayo?" Tanong ni Christine.

"Bumili lang ng maiinom. Kayo ba't kayo nandito? Atsaka kasama nyo ba si Leyanne?" Tanong ko.

"Bibili lang din. Si Ley ba? Pinark lang yung sasakyan nya sa labas."
Sagot naman ni Althea. Tumango tango ako. Naramdaman ko naman ang pagtapik sa akin ng tatlo.

"Hi girls!" Bati ni Steven. Ngumiti naman sila.

"Kayo lang? San si Leyanne?" Tanong naman ni Ej.

"Nag park lang." Sabi naman ni Althea. Narinig naman namin ulit nagbukas ang pinto at doon nakita namin si Leyanne. Agad naman tong napahinto ng makita kami.

"Ley tara dito." Aya naman ni Ailleen. Agad naman syang lumapit.

"Hi Leyanne!" Bati naming tatlo except kay Cyrus na nakatingin lang kay Leyanne.

"Hi. Tara na mamili na tayo para makaalis na tayo dito." Cold nitong sabi sabay lagpas sa amin.

"Badtrip pa rin kasi sya. At dahil sa yun Cyrus." Sabi ni Christine.

"Bro, ibalik mona kaya." Sabi naman ni Steven. Pero hindi sya pinansin ni Cyrus. At lumabas na ng convenience store.

"Tignan mo tong si Cyrus. Sabi ko lang ibalik. Umalis naman." Sabi ni Steven.

"Ano kaya magagawa natim para sa dalawang yan?" Tanong naman ni Ailleen.

"Sa tingin ko wala." Sabi ko naman kaya nakatanggap ako ng hamapas galing kay Christine.

"Anong wala. Meron kaya." Sabi ni Christine.

"Ano??" Sabay na tanong namin sa kanya.

"Maupo muna kaya tayo. Nakakangawit eh." Reklamo ni Christine. Agad naman kaming umupo malapit sa pinto. Bago nya sabihin yung sasabihin nya tiningnan nya muna si Leyanne. Kung nakatingin sa amin. Kaya tumingin din kami. At doon nakita namin syang parang may ka text habang namimili ng bibilhin.

"Ok hindi sya nakatingin dito. So, ganito." Sabi ni Christine.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"So ano? Ok ba plano ko?"
Tanong nya ng matapos nya sabihin sa amin. Tumango naman kami. Madali lang kaya. Yakang yaka ko kaya yan.

"Tapos na ba kayo?" Agad naman kaming napatingin sa nagsalita. Si Leyanne pala.

"Kanina ka pa dyan? May narinig ka ba?"  Tanong ni Althea.

"Wala. Nandoon ako kanina pa. Nakakailan na nga akong donut. Ang tagal nyo kasi eh. Kaya ako na namili ng bibilhin natin. So, ano tara na?" Tanong nito. Tumango naman sila Christine. Kaya nagpaalam na rin kami sa kanila.

Siguradong magtatagumpay kami sa plano na to. GO TEAM CY-ANNE!!!

***
Yung CY-ANNE po ay sa name po nila Cyrus at Leyanne. CY for Cyrus po at ANNE naman po ay for Leyanne.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon