Final Chapter

3.3K 66 7
                                    

Dedicated to:
Althea Gonzales
Ailleen Carpio
Christine Hipanao

After 5 years...

Leen POV

Busy ako sa pagdedesign ng sapatos na susuotin para sa kasal ng bigla na lang may naglapag ng isang drawing pad sa harap ko. Tinignan ko kung sino. At iyon ay si Steven.

Tinignan ko ulit yung drawing pad. Tapos tumingin ulit ako sa kanya.

"Bakit nasayo yan Boo? San mo nakita?" Tanong ko at kinuha ang drawing pad. Umupo naman sya sa tabi ko at umakbay sa akin.

"Hmmm... dyan lang. May sasabihin nga pala ako Boo." Sabi nya. Kinuha nya sa akin ang drawing pad.

"Pwede bang itapon na natin toh?"

"Huh? Bakit mo itatapon? Dami kayang mememories nyan! Ayoko! Akin lang to!" Sabi ko at kinuha sa kanya yung drawing pad. Nagkamot naman sya ng ulo.

"Eh kasi naman Boo-"

"No! Hindi ko itatapon toh!" Matigas na sabi ko.

"Ok ok! Hindi na natin itatapon. Alam ko naman na ayaw mo talaga itapon yan."

"Alam mo naman pala!" Galit na sabi ko. Tinago ko sa bag na dala ko yung drawing pad at bumalik sa pagaayos ng sapatos ng ikakasal.

"Eh kung bumili na lang tayo ng bago?"  Tanong nya. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at hinawakan ang mga kamay nya.

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Hindi naman sa nagmamakulit ako. Gusto ko lang kasi ng bagong pad. Tapos doon idraw- drawing natin yung future naten. Yung future gown mo. Future wedding. Tapos future kids naten!" Sabi nya. Binitawan ko ang mga kamay nya at saka sya binatukan.

"Hay naku Boo! Tumigil ka nga!" Sabi ko na lang at bumalik sa ginagawa ko. Tawa-tawa naman syang yumakap sa akin.

"Grabe ka naman boo. Nag susugest lang naman. Pero nasayo pa rin yun kung ite-take mo yung suggestion ko." Nakangiti nyang sabi sa akin.

"Naku boo. Manahimik ka na lang. Gutom ka lang kaya ka ganyan." Sabi ko. Tumawa lang sya sa sinabi ko.

Nakayakap lang sya akin habang busy ako sa pagdedesign. Ok lang naman eh. Tumutulong din naman sya.

At sa wakas na tapos ko din.

At sa wakas na tapos ko din

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now