Chapter 11-Ex and Textmate

3.3K 96 1
                                    

Leen POV

Nagising ako ng medyo masakit ang ulo ko. Dahil ata sa nainom kong tequila. Tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos bumaba na ako. Pagkababa ko ang nakita ko lang ay si Ley.

"Di pa gising yung dalawa?" Tanong ko sabay upo at kinuha ang timpladong hot chocolate. Ang sarap!!!

"Hindi pa. Baka nga hindi tayo makapsok. Tinatamad din ako." Sabi nya habang kumakain ng sandwich.

"Wag muna tayo pumasok. Masakit ulo ko." Sabi ko atsaka kumuha din ng sandwich.

"Sige." Sabi nya sabay higop ng hot chocolate.

Habang kumakain kami nakarinig kami ng mga yabag ng paa.

"Arrrggghhhh!! Ang sakit ng ulo ko!" Sabi ni Thea tapos umupo na sya.

"Ako din!!" Sabi ni Tine.

"Sandali alam ko may gamot ako doon sa kwarto para sa headache." Sabi ni Ley at pumunta sa kwarto nya para kunin yung gamot.

"Hindi na muna tayo papasok." Sabi ko sabay higop ng hot chocolate.

"Hay!! Tama! Ayoko talaga muna pumasok! Shit ang sakit talaga ng ulo ko feeling ko parang binibiyak!!" Frustrated na sabi ni Tine.

"Same tayo!" Sangayon ni Thea habang humihigop ng hot chocolote.

Nakita ko naman na bumababa na si Ley. Daladala nya ang medicine kit nya.

"Ito meron pa ako." Agad naman kinuha ng dalawa yung gamot at uminom.

"About doon sa plano natin ano na ang gagawin natin?" Tanong ko.

"Hintayin muna natin sila na ligawan tayo tapos sagutin natin tapos maki pag break tayo." Sabi ni Tine.

"Sasagutin ba natin agad?" Tanong ni Thea.

"Pahihirapan muna natin sila. Siguro mga 1 month natin silang pahihirapan. Hindi ako sure." Sabi Ley.

"Sa tingin nyo liligawan nila tayo?." Tanong ko.

"Hindi ko alam." Sabi ni Thea.

"Pano yung plano natin? Matutuloy ba?" Tanong ni Tine.

"Matuloy man o hindi yung pangliligaw nila basta mapaglaruan natin sila. Dati na natin to ginagawa. Ngayon pa ba tayo magaalangan kung mangliligaw sila?" Sabi ni Ley.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon