Chapter 6-Beatrice

3.4K 120 4
                                    

Ley POV

Nagising ako ng tumunog ang bell. Break time na pala. Ang haba ng tulog ko. Buti na lang mahina lang music ko.

Ako na lang pala magisa. Hindi na naman ako hinintay ng tatlo. Siguro nandoon na sila sa office o di kaya nasa canteen.

Tumayo na ako at lumabas ng room. Pumunta muna ako sa canteen. Nagbabasakali na nandoon sila.

Pag dating ko sa canteen. Wala sila doon pero yung apat na lalaki nandoon. Pumunta ako sa kanila.
Agad naman nila akong napansin.

"Oh! Leyanne may kailangan ka ba?" Tanong sa akin ni Steven.

"About doon sa hangout natin. Sa TFBG. 7 ng gabi mamaya. Siguro alam nyo naman yun?" Poker face kong sabi.

"Sure! Pupunta kami." Sabi ni James.

Pagkatapos nun umalis na ako. Sa  paglabas ko ng canteen nakita ko si Beatrice. Making out with some handsome guy at the lockers area.

Hindi pa rin pala sya nagbabago. Ganon pa rin ang Beatrice na nakilala ko. Hinintay ko muna sila matapos. Ng matapos sila, nakita na ako ni Beatrice. Lumapit sya sa akin.

"Well, well, well. Nandito na pala ang playgirl ng bayan. Oh! Nasaan na ang mga kaibigan mong playgirl din, siguro umayaw na sila!" Sabi nya sa akin habang naka pameywang.

"Hindi ka pa rin pala nagtatanda noh Beatrice! At subukan mong ulit banggain ang mga kaibigan ko makikita mo." Sabi ko sabay talikod. Pero humarap ulit ako.

"And one more thing, kung playgirls kami, ikaw mas malala. Whore." Sabi ko sabay alis. Hindi ko na hinintay yung sagot nya.

Pumunta naman ako sa library. Hindi ko muna sila pupuntahan. Nakakapang init talaga ang Beatrice nayun.

Pumunta ako sa may dulo. Kinuha ko yung libro ka sa bag at binasa ito.

"Mahilig pala talaga ang mga babae sa romance." Sabi ng isang boses sa likod ko. Tinignan ko naman ito at muntik na ako mapatalon dahil ilang inch na lang lapit namin.

" Ano ba! Muntik na akong atakihin sayo." Sabi ko kay Cyrus at sabay balik sa pagbabasa. Pumesto naman ito sa harap ko.

Tinignan ko sya nakatitig lang sya sa akin.

"Problem??" Tanong ko.

"Nothing. " Sabi nito sabay kuha ng libro nya. Tinignan ko ito at tungkol ito sa history. Mahilig sa history, mmm... Interesting. Binalik ko na lang ulit sa pagbabasa ng libro ang atensyon ko.

Sa pagbabasa ko nag vibrate bigla ang cp ko.

From Bebe Boy:
Bebe girl kamusta? Labas tayo mamaya?

Napangiti ako hindi parin pala ako nakakalimutan ng pinsan kong si Lance.
At about doon sa tawagan namin sya ang nakaisip. At sya den naglagay sa cp ko ng name na yan. Matanda sya ng isang taon sa akin. Pinsan ko sya sa father side. Mabait, matangkad, at matalino.

Nag reply naman ako agad sa kanya.

To Bebe Boy:
Ok lang ako. Sige mamayang 4. Sunduin mo ako?

From Bebe Boy:
Sige ba. Sige ingat always. Bye.

To Bebe Boy:
K. Ikaw den. Bye.

Napasin ko namang nakatingin sa akin si Cyrus. Tinigil naman nya agad yun at itinuon ang sa pagbabasa ang atensyon nya.

***

Cyrus POV

Tumingin ako kay Leyanne ng mag vibrate ang cp nya. Agad naman nya ito tinignan at ngumiti. Maganda pala sya. Palagi kasing poker face ang mukha nya. Ngayon ko lang nakita yung ngiti nya na ganyan.

Nung tapos na sya mag text bigla nalang syang tumingin sa akin kaya umiwas ako at itinuon yung atensyon ko sa libro.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog ang bell. Ibigsabihin tapos na ang break time. Binalik ko na ang libro at kinuha ang bag ko.

Napansin kong nagbabasa pa rin si Leyanne. Hindi nya ba narinig yung bell.

"Hindi ka ba tatayo dyan? Tapos na ang break time. Dapat nasa classroom na tayo." Sabi ko. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

Aba! Parang walang naririnig! Bingi ata to eh. Lumapit ako sa kanya.

Binaba ko yung libro at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko ang reaksyon nya ngunit wala. Poker face lang.

"Ang sabi ko hindi ka ba tatayo dyan?" Sabi ko sa kanya habang malapit na malapit pa rin ang mukha namin.

"Hindi." Cold nyang sabi.

"Ayaw mo talga tumayo dyan."

"A.yo.ko.!"

"Pag hindi ka tumayo dyan hahalikan kita."

"E di halikan mo."

"Sabi mo yan.!"

"Oo nga."

Ilalapit ko na sana ang mukha ko ng may magsalita sa likod ko.

"Paalala lang hindi to motel para maghalikan kayo. Ito ay isang paaralan para mag aral kayo.  Maliwanag." Sabi sa amin ng librarian. Agad naman akong lumayo sa kanya. At tinignan ang librarian na magkasalubong ang kilay.

"Sorry po." Nahihiya kong sabi. Agad naman itong pumunta sa desk nya. Tinignan ko naman si Leyanne na nagpipigil ng tawa.

"Akala ko ba hahalikan mo ako? Bat bigla kang lumayo?" Nagpipigil parin sya ng tawa habang sinasabi ito. Tinignan ko na lang sya ng masama. Pero hindi parin natinag. Lumabas na lang ako dahil sa inis. Babawi ako Leyanne tandaan mo yan.

Sa pagbalik ko sa classroom nandoon sila Ej. Pero yung mga kaibigan ni Leyanne wala pa. Buti na lang wala pa ang teacher.

"San ka galing?" Agad na tanong sa akin ni Ej.

"Dyan lang." Sabi ko sabay upo.

Hindi na rin sila nagtanong dahil dumating na rin ang teacher namin.

Sa kalagitnaan ng recitation, biglang pumasok sila Leyanne.

Hindi na naman sila nag greet. At dire diretso na lang silang naupo.

Tinignan ko naman si Leyanne na ngayon naka ngisi habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Pero lalo naman lumaki ang ngisi nya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now