Chapter 70-Wrong Timing Ej

1.9K 55 4
                                    

Ej POV

"Sana naman natauhan ka na."  Seryoso kong sabi sa nakaupong si Steven. Nandito kami ngayon sa rooftop ng hospital. May mga bench din kasi dito.

"Kailan pa?"  Tanong nya sabay tingala sa akin.

"Bago pa tayo pumunta dito. Kinausap nila ako."

"Bakit di mo sinabi sa akin? Sa amin? Bro, alam mo! Alam mo yung sakit! Bakit di mo sinabi!"

"Dahil iyon ang desisyon nila. Ayoko sila pangunahan. Mas mabuti kung sila ang mageexplain sa inyo."

"Pero bro naman! Wala akong pake kung yun ang desisyon nila! Wala akong pake! Ang gusto ko lang malaman! Gusto ko malaman ng mas maaga! Hindi yung aabot pa tayo dito! Sa sitwasyon na ito! May naospital bro! At dahil sa akin yun! Ako! Ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan at nahihirapan si Ailleen! Ako!" Sigaw nya sabay yuko at hawak sa ulo nya.

"Damn! Gulong gulo na ako bro! Sino ba ang uunahin ko! May fiance ako! Kailangan nya ako pero bakit ganon! Hindi ko magawang umalis! Hindi ko kayang umalis hangga't di pa maayos si Ailleen! Pero kailangan ako ng mahal ko!" Sigaw nya. Huminga ako ng malalim saka hinwakan ang balikat nya.

"Mahal mo ba? O mahal mo pa rin sya?"

"Huh?"

Umupo ako sa tabi nya.

"Mahal mo ba si Aubry? O mahal mo pa rin si Ailleen? Bro, sa nakikita ko ngayon. Mahal mo pa rin si Ailleen."

"No! Naka move na ako sa kanya! Ang mahal ko na ngayon ay si Aubry! Nagkakamali ka! Siguro guilty lang ako! Siguro naawa lang ako kay Ailleen! Kaya ganito ang nararamdaman ko!Dahil naka move na ako sa kanya! Wala na!"

"Eh bakit ganyan ka? Bro, sundin mo ito (turo sa puso) wag ito (turo sa isip). Dahil dyan sa puso mo si Ailleen pa rin. Sinasabi mo lang na si Aubry na ang mahal mo. Dahil yun ang nakatatak sa isip mo at hindi sa puso mo. Bro, please just please. Don't let you're mind speak. Use you're heart." Sabi ko sabay tapik sa balikat nya. Tumayo ako iniwan sya doon.

Alam kong kailangan nyang pagisipan mabuti ang nararamdaman nya dahil kung hindi pare pareho lang silang masasaktan.

Pagkababa ko sa lobby ng ospital ay pumunta ako sa may garden ng ospital meron kasing malapit na can machine doon. Yung bang huhulugan ko lang tapos pipili ng soda in can ko tapos ayun na.

Paliko na sana ako ng makita ko ang likod ni Cyrus. Tamang tama magpapalibre ako sa kanya. Pero teka? Anong gingawa nya?

Mas lumapit ako sa kanya. Pero nagulat ako sa nakita ko. He's kissing Ley!!!

Wtf! Dito pa talaga! Maistorbo nga.

Tumikhim ako kaya napahinto sila.

"Waoh! I don't know what to say but *clap* clap* bravo! Hahahaha nice one Cy! Di ko akalain ba gagawin mo i mean nyo yan in public! And take note sa hospital pa talaga!" Sabay tawa.
Natigil lang ako pagtawa ng biglang lumapit si Ley sa akin saka hawak sa braso ko ng mahigpit.

Oh no!

"Subukan mo ipagsabi yung mga nakita mo. I swear Ej, ilalayo ko sayo si Thea." Madilim ang mukha nya ng sainabi iyon kaya napalunok ako. Tumango na lang ako. Binitawan nya ako saka tumingin kay Cyrus.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now