Chapter 32-Meet Calley

2.1K 62 4
                                    

Ley POV

Nandito ako ngayon sa mall. Boring kasi sa bahay. Si Leen at Tine busy sa cp nila kasi nagte text daw yung mga manliligaw nila. Tapos si Thea, ayun naloloka na kasi hindi nya parin kilala kung sino yung secret admirer nya.

Naglibot libot lang ako tapos tumuloy ako sa 3rd floor. Nandoon kasi yung salon ni mama. Matagal na rin kasi ng bumesita ako doon.

Pagkadating ko doon sinalubong ako agad ni mama. Nandoon lang kasi sa may cashier.

"Anne!" Sigaw ni mama sabay yakap sa akin.

"Ma! Hindi ako makahinga!" Reklamo ko. Agad naman syang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Sorry! Bakit nga pala nandito ka? Sila Tine, Thea, at Leen nasaan sila?" Tanong ni mama. Umupo muna ako saka ko sinagot si mama.

"Si Tine po at Leen ayun busy sa mga manliligaw nila. Si Thea naman po, ayun naloka na kakaisip kung sino yung secret admirer nya." Sabi ko kay mama. Tumango tango naman sya.

"At ikaw?" Tanong ni mama. Agad naman kumunot yung noo ko.

"Ako?"

"Oo ikaw. Meron ka na rin bang manliligaw or secret admirer man lang?"

"Wala ma."

Natigil ang paguusap namin ng may biglang nagsalita.

"Mare!" Sabi ng isang babae. Maganda sya. At meron syang kasama na bata. Babae din to at sa tingin ko nasa 9 yrs old ang age.

"Oh mare! Kailan ka pa umuwi. Sana sinabi mo at nasundo kita." Sabi ni mama.

"Ok lang. Kahapon lang ng gabi kami nakadating. Atsaka nga pala ito yung bunso ko." Sabi nung kumare ni mama.

"Hi po. Im Calley. I'm 10 yrs old. Nice to meet you po!" Masiglang sabi ng bata. Grabe ang cute nya.

"Hi Calley. Ito nga pala si ate Anne. Anak ko." Sabi ni mama. Sabay turo sa akin.

"Hi!" Ngiti kong sabi.

Nagkwentuhan lang sila mama. Ako naman at si Calley ayun nagtatawanan.
Ang gaan kasi ng pakiramdam ko pag kausap ko sya. Parang nakababata ko na syang kapatid.

"Ate can we go to the ice cream parlor. I want ice cream kasi eh." Cute na sabi nya. Ang cute grabe.

"Sure. Paalam lang tayo kila mama." Tumango naman sya. Nagpaalam kami kila mama. Pinyagan kami.

Pumunta kami ng ice cream parlor. Nasa 2nd floor kasi yun. Habang naglalakad kami kwento sya ng kwento. Grabe ang daldal pala nitong batang to.

Nakarating kami ng ice cream parlor. Umorder kami ng chocolate ice cream.
"Favorite nyo rin po yung chocolate ate?" Tanong nya. Tumango naman ako atsaka ngumiti.

Naupo kami malapit sa bintana. Glass kasi yung at kitang kita mo yung mga taong naglalakad sa labas.

"Alam mo ate. I think you and kuya are bagay." Sabi nya.

"Pano mo nasabi na bagay kami. Atsaka di ko nga kilala kuya mo eh."

"Kasi may similarities kayo ni kuya ate. You love chocolate. Kuya love it too. Your both tahimik and sweet."

"Naku bata ka. Ano naman ang alam mo sa love?"

"Wala. Bata pa ako eh. Kaya hindi ko alam. Pero ate bagay talaga kayo."

"Naku gutom lang yan kumain ka na nga. Hahaha!" Sabi ko sabay gulo ng buhok nya. Nag pout naman sya. Hahaha ang cute talaga.

Habang kumakain at nag kukwentuhan kami, biglang nag ring yung phone ko. Tinignan ko to at si Leen pala ang tumatawag.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now