Chapter 51-Sorry

1.8K 56 3
                                    

Cyrus POV

Papasok na sana ako sa unit ko ng biglang tumunog yung cp ko. Tinignan ko kung sino. Si Ej. Sinagot ko ito.

"Oh?"

(San ka?)

"Unit."

(Punta ka ng bar! Magpapakasaya tayo!!)

"Teka! Nung bang nangyayari sayo? Lasing ka na ba?"

(Saka ko na sasabihin! Basta pumunta ka dito. Yung dati nating tambayan ha!)

Sabi nya saka baba ng phone. Pumunta ako ng parking saka sumakay sa kotse.

Nakarating ako ng bar. Ito yung bar na tinatambayan namin. Na pagmamay ari rin ng pinsan ni Steven.

Pagpasok ko agad ko silang hinanap at nakita ko silang may mga babae na kasama.

Teka? Anong nangyayari? May nangyari ba kanina?

Kahit nagtataka ako pinuntahan ko pa rin sila.

Pagdating ko sa harapan nila sinalubong ako agad ni Ej.

"Bro!!! Buti dumating ka!!! Tara dali!!! Inom tayo!!! Magpapakasaya tayo!!!" Lasing na sabi nya. Tinignan ko naman yung dalawa. Nakangiti sila pero parang ang lungkot ng mga mata nila.

"Ano bang meron? Bakit kayo ganyan? Di ba kayo nababahala na makita kayo nila Althea ng ganyan?" Sabi ko sa kanya. Tumawa lang sya sa sinasabi ko.

"Hahaha!!! Yun!!! Yung babaeng yun!!! Mahal ko yun eh!!! Kaso p*ta!!! Niloko nya ako!!! Niloko nila tayo!!!" Sabi ni Ej saka umupo at yumuko.

Ano bang pinagsasabi nya? Anong niloko? Ano bang nangyayari?

Bigla naman tumayo si Steven. Nasense siguro nyang naguguluhan ako.

"Kung ako sayo bro tigilan mo na si Ley." Sabi nya. Halatang nasasaktan sya.

"Teka!!! Ano bang pinagsasabi nyo? Ano bang nangyari ha!! " Galit na tanong ko. Lumapit sa akin si James.

"Dahil paglalaruan ka lang nya!!! Dahil isang laruan ka lang para sa kanya!!! Nalaman na namin ang pakay nila!!!" Galit na galit na sabi ni James.

Nagulat sila ng bigla ko tong sapakin.

"Di totoo yan!" Galit na sigaw ko kay James na ngayon nasa sahig at nagdudugo ang labi.

"Ano ba bro!!! Totoo yun!!! Kami mismo nakarinig!!! Nandoon kami mismo!!!" Sigaw ni Ej.

"Bro makinig ka saamin!!!" Sabi ni Steven sa akin. Sa halip na sagutin ko sya naglakad na lang ako palabas.

Hindi totoo ang mga sinasabi nila. Hindi ganung babae si Ming. Hindi nya ako paglalaruan.

Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko papunta unit ko.

Ley POV

Nakayuko akong naghihintay sa labas ng unit ni Cyrus.

Ilang beses ko ng kinatok yung pintuan nya pero hindi nya ito binubuksan.

Kanina nagpaalam ako sa tatlo sabi ko susubukang kong magpaliwanag kay Cyrus.

Sinubukan ko ulit kumataok kasa wala paring nagbubukas ng pinto.

Gusto ko magpaliwanag. Gusto ko ipaliwanag sa kanya. Kahit ipagtabuyan nya ako.

Dahil alam kong alam na niya ang nangyari.

Hanggang sa may bigla na lang tumawag sa akin.

"Ley..."

Lumingon ako sa tumawag sa akin saka ko nakita si Cyrus. Nakatitig sya sakin.

Di ko alam kung anong iniisip nya.
Basta nakatitig lang sya.

"Totoo ba?" Sabi nya ng seryoso.

"Cy..."

"Sumagot ka!!! Totoo ba?? Totoo bang niloloko nyo lang kami!! Totoo bang ginawa nyo lang kaming laruan!!! Ano!!! Bakit dika sumasagot!!!"

Galit na talaga sya. Pilit kong pinipigilan ang iyak ko pero wala na kusang ng tumulo ito.

"Cy... sorry... sorry talaga... sorry.." Sabi ko habang patuloy akong umiiyak.

"Alam mo bang... alam mo bang umaasa ako na sasabihin mong hindi totoo yung sinasabi nila. Umaas akong mali lang yung mga narinig ko. Na mali sila. Pero ngayon... binigyan mo ako ng rason para kamuhian ka... binigyan mo ako ng rason para wag ng magtiwala sayo..." Naiiyak na sabi nya.

"Cy... sorry... sorry talaga... hayaan mo akong magpaliwanag... please... ipapaliwanag ko sayo lahat... please..." Pagmamakaawa ko. Hinawakan ko sya sa kamay pero agad naman nya itong inalis.

"Para saan pa yang paliwanag mo kung winasak mo naman ako!" Sabi nya saka pumasok sa unit nya.

Naiwan ako doon ng umiiyak.

Ang sakit... ang sakit ...sakit

After 2 years...

Thea POV

Nandito naman kami sa bar namin. Ang tagal na nung nangyari samin nila Ej. At eto na naman kami nagpapakalasing.

Sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak pero takte!! Taksil ang nga luha ko!!

Kahit anong pigil ko wag umiiyak lalo lang akong naiiyak!!!

Kaya ininom ko na lang ang natitirang beer ko.

Habang umiinom ako nakita ko sila Tine at Leen na sarap na sarap sa pagsasayaw.

Kung titignan parang walang nangyari sa kanila. Parang hindi sila nasaktan.

Pero hindi. Dahil tuwing gabi umiiyak sila. Minsan nga naabotan ko na lang Tine na nasa kusina tulala habang nakatingin sa alak na iniinom.

Si Leen naman, parang hindi na sya si Leen na masiyahin. Minsan nasa kwarto at umiiyak.

Ako naman, parang nabasag ko na lahat ng salamin sa kwarto ko. Hahaha nakakatawang isipin na dahil lang sa isang lalaki mababasag ko ang salamin ko.

Si Ley, ayun mas lalong naging cold. Hindi na ngumingiti. Hindi masyadong makausap. Lagi na lang syang tulog.

Lahat yan nangyari sa amin.

Tinignan ko si Ley na nasa tapat ko. Haaayyyy... umiiyak na naman sya.

Kaya tinabihan ko sya saka yinakap.

Napansin ko sila Tine nanpapunta dito.

"Ley, Thea, uwi na tayo." Sabi ni Leen na medyo pagewang gewang na sa paglalakad.

Tumango lang ako saka kamo lumabas at pinuntahan si Manong.

2 years... 2 years naming hindi sila nakikita. Ayon kay Andrea lumipat na daw sila ng school.

At 2 years narin kaming iyak ng iyak.

Nagtatanong na nga mga magulang namin eh. Minsan kasi sa isang linggo 1 beses na lang kami pumasok.

Pero tikom ang mga bibig namin.

Ayaw namin na malaman nila nakaya kami nag gaganto dahil lang sa lalaki.

Narating namin ang bahay. Sabay sabay kami bumaba at pumunta sa kanya kanyang kwarto.

At doon nagsimula na naman umagos ang mga luha ko.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now